Nalaman ko na ang lahat
"Ang tagal mo naman!" Reklamo sa akin ni Eba. Nag restroom muna kasi ako. Nakasuot na ng Nursing uniform si Eba dahil nakapasa na siya ng Exam.
Natawa ako. "Sorry na!" Nagpeace sign ako. "Nagkaroon na kasi ako."
Naglakad na kami palabas.
"Iyong mga pinsan mo na saan na pala?" Tanong niya sa akin.
"Sino sina Hendrix? Malay ko doon. Hindi na kami masyado nagpapansinan. Ang sungit non!"
Umiling siya at natawa. "Wala ka bang training ngayon? May laban ang Xavier ah!"
Ngumuso ako. "Wala! Tinatamad na nga ko e! Kung hindi lang ako Varsity dito matagal na kong na wala."
Agad niyang kinurot ang tagiliran ko at natawa ako. "Aba! Subukan mong iwan ako dito! Malilintikan ka!" Aniya.
Masama pa din ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. Nagclose neck ako para hindi mahalata ang sugat ko sa leeg. Wala na akong pakialam kung mainit dahil hindi naman ganon ka kapal ang suot ko. Sa labi ko naman at nagmakapal ako ng red lipstick. Uwian na namin kaya nagyaya siya kung saan kami kakain.
Hindi pa din nawawala ang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. Kahit dalawang araw na ang nakakalipas ay ayaw mawala sa isip ko. Aaminin ko, umiiyak pa din ako sa tuwing naalala ko yon, na trauma ako sa nangyari.
Umalis din agad kanibukasan si Azrael. Sa sala siya na tulog at ako naman sa kwarto. Hindi din mawala sa isip ko ang ginawa niya ka sa akin. Alam kong mali itong ginagawa ko. Pero bakit ibang iba yung nararamdaman ko?
"Huy!" Nabuhayan ako ng bigla ako siniko ni Eba habang nasa Jeep kaming dalawa. Tulala na pala ako.
"May naalala ka na naman noh?" Tumawa siya. "Okay ka lang ba?"
Tumungo ako at ngumiti ng tipid. Hindi ako nagdala ng kotse dahil tinatamad ako magdrive. Gusto ko muna mamasahe kahit ngayon lang. Bumaba kami sa lifestyle district. Sa isang restaurant kami pumasok. Siya ang kumuha ng menu at siya ang umorder. Tahimik lang ako sa tabi sa harapan niya samantalang ako ay kung ano ano pumapasok sa isip ko.
"Uy! Kanina ka pa tulala diyan ah!" Bakas ang pagalala niya. "Ilang araw ka ng tulala at hindi makausap ng maayos. May problema ba?"
Umiling ako at ngumiti ng tipid. "W-wala naman. Iniisip ko lang yung thesis na gagawin namin."
Dumating ang waiter at nagorder siya. Sinabi ko na din kung ano yung gusto ko. Binigay niya ang menu at tsaka niya ko hinarap. "Thesis ba talaga yan? Baka naman ang fiancé mo ang problema mo, Victoria."
Oo, inaamin ko na si Jason talaga ang problema ko. Iniisip ko din na baka nga ginagamit niya ko. Napapailing na lang ako. Napa paranoid ako. Kung gusto ko malaman ang lahat, itatanong ko na lang kay Jason.
"Sa tingin mo ba mahal talaga ako ni Jason?"
Nagkatinginan kami habang umiinom siya ng coke. "Bakit mo naman na tanong yan?"
Nagbalik baliktad ako. "Wala naman"
"Sa tingin mo ba mahal ka niya? Ano ba nararamdaman mo?"
Umiwas ako ng tingin at napailing na lang. "Hindi ko explain yung nararamdaman ko. Mahal ko naman si Jason pero may hinahanap talaga ako."
Nakatingin lang siya sa akin ngunit kumain siya. Kumain na din ako dahil sa stress at pagod. "Masaya ka ba talaga?" Seryoso niya ako tinignan.
Napahinto ako sa tanong niya. Pinunasan ko ang bibig ko. Napasandal ako sa upuan at hindi ko alam ang gagawin. "Hindi ko din alam."
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...