Nikka Salvador (Nikki)
Warning: SPG
"Tiga Alegria ang girlfriend ni Knoxx" Ani Erin habang kumakain kami sa lamesa. Nandito pa kami sa resort. Marami pang gagawin sina Jason at ako naman ay sa mga design ng mga kwarto. Konti na lang ay maayos na itong resort.
"Pati na din si Liezel. Nagulat na lang kami nang pinakilala ni Rafael sa amin ang girlfriend niya." Uminom siya ng tubig. "Hindi nga namin akalain na magiging sila."
Kaming tatlo lang ang magkakasama. Si Hendrix at Jason ay busy sa labas. Si Azrael naman ay mahimbing ang tulog sa itaas. Kaya pinabayaan ko muna. Malamig naman kasi sa kwarto. May mga puno sa tabi ng aking bintana kaya nakakaantok.
"Si Azrael?" Napalunok ako. "Anong ginawa niya noong na wala ako?"
Nagkatinginan kami ni Erin. Imposibleng hindi niya alam ang istoryang yon. Binalita din sa TV ang pangyayaring yon. And of course! Nandoon sina Rafael at Josiah. Mga pinsan niya yon, kaya alam niya ang nangyayari.
"About that issue?"
Tumungo ako.
"Noong nalaman naming nagkaroon ng barilan sa bar. Nagprotesta si Azrael sa bahay nila. Pero...hindi namin alam ang dahilan niya noon. Hindi din naman siya makausap ng maayos. Iyon ang first time naming makita siyang magalit." Kwento niya.
"So...alam niya nang natamaan ka na noon?" Nagkatinginan kami ni Ivana pero umiling ako.
"Hindi niya alam..." Sagot ko.
"Ang alam namin...ay bigla ka na lang daw umalis. Nagpumilit si Azrael sa amin na pumunta sa inyo. Kahit kaming mga pinsan niya ay natatakot sa kanya, dahil nga iyon ang una namin makita siyang nagagalit. Hinarap niya ang magulang mo. Hinanap ka niya. Tas bigla na lang lumabas ang Daddy mo."
Eto ata ang kinagagalit niya sa akin noon.
"Anong sabi?" Tanong ko.
Tumikhim si Ivana sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. "You know about this?"
"Nandoon ka din noon, Ivana. Alam mo iyon." Ani Erin.
Tumungo siya. "Oo, nandoon din ako. Sinabi ng Papa mo na sumama ka na kay Jason. Nagsinungaling ang Papa mo dahil gusto niya munang ipagpahinga ka. Ayaw niya muna na guluhin ka sa States. Dahil alam naming lahat ay hindi titigil si Azrael kaya binigo siya ng daddy mo."
He lied to me. Sinabi niya yon kay Azrael?
"Pero ang totoo...kaya pinapunta namin si Jason sa States. Hindi dahil bantayan ka niya ay dahil alam ni Azrael na nagsama na kayo." Napalunok si Ivana. "Alam nating lahat na si Jason ang may pakana. Pinipilit nang mga Zhang na ipakasal kayo-"
"You don't need to explain...kahit ano pang paliwanag nila sa akin kahit pinilit nilang magustuhan ko ulit si Jason ay sinumpa ko na yon." Ngumisi ako. "Hinding hindi na mangyayari yon"
Kumain na lang muna si Erin. Si Ivana ay tahimik na lang. Nakakasawa na ang ganyang issue.
"Ano pa ang sabi niya?" Pinutol ko ang katahimikan.
Nag angat ng tingin si Erin. "Ilang araw siyang nagkulong sa kwarto noong nalaman niyang umalis ka at nagsama kayo ni Jason. Hindi na siya iyong dating kilala namin. Ibang iba na siya ngayon at malaki ang pinagbago. Pati sila Elijah ay hindi niya na masyadong pinapansin....makulit pa naman siya pero hindi na katulad ng dati naming nakikita sa kanya....Ilang araw din namin siyang napapagusapan. Kinuwento sa amin ni Rafael na may relasyon pala kayong dalawa." Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...