27th Scar

1K 23 1
                                    

Dapat kong malaman

Sumunod na ako kay Liezel. Umupo ko sa maliit na high chair at hinayaan ang bartender na magtimpla ng alak. Humingi si Liezel ng tubig at ako naman ay double jack ang ininom.

"Ang aga pa para uminom ng alak." Aniya sabay inom.

Napailing ako. "Boring eh!"

Napansin ko ang pagiling niya ngunit hindi ko na yon pinansin. Binalik ko ang tingin ko sa dalawang Chinese na nakasalubong ko, sa hindi inaakala ay wala na sila doon.

"Kailan ka pa umuwi ng Manila?" Tanong ko at nilaklak ang alak.

"Noong isang araw lang ako nakauwi." Sagot niya.

"Kamusta naman ang pagpunta mo doon?" Natawa ako. "Don't tell me, puro away na naman ang nangyari sa inyo."

Napailing siya. "Sinabi mo pa!" Uminom siya ng tubig. "Ayoko na nga bumalik at gusto ko na magsarili. Sawang sawa na ko sa problema ng pamilya ko."

"Bakit? Ano na naman ba nangyari?"

"Yung kapatid ko kasi sa ina ay ayaw bumalik sa amin at sumama na sa boyfriend niya. Yung panganay naman namin ay sa akin lahat inaasa ng mga gastusin ng bahay." Sabi niya.

"Yung bunso mong kapatid sa unang sawa na saan na ba?"

"Sinama ko na ngayon at doon muna siya kayla Mama. Ayaw niya sa tatay ko dahil ang gulo talaga ng buhay namin doon. Hindi kasi siya pwede sa apartment ko dahil masikip na kami."

"Hindi ba ay may bahay kayo doon? Bakit hindi niyo kunin?"

Umilin siya. "Hay nako! Wag na lang. Kanila na lang yon at bahala sila mag-agawan sa lupa. Gaya nga ng sabi ko ay napakagulo doon. Lalo na nandoon ang asawa ni Papa. Alam mo naman yon? Prostitute ng Recto." Paliwanag niya.

Nasa Manila ang tatay niya at nagasawa na din ng iba. Hindi ko lang sure kung may kapatid din si Liezel doon dahil ang dami nila. Ang nanay niya naman ay nandito sa Cagayan. Nakatatlong asawa ang kanyang ina ngunit naka live in sila ng pangatlo niyang asawa.

"Siya lang ang kakampi ko sa kanila at yung isang pinsan ko. Hindi ko na nga alam kung ano gagawin ko. Nakakasawa na din tumulong."

Hindi na ko nagtanong tungkol sa pamilya niya. Ayoko na lang alamin. Alam ko din naman na magulo. Uminom at nakipagkwentuhan lang ako sa kanya.

"Uyyyy!"

Napatigil kaming dalawa ng may isang grupo na nakapaligid. Nakita kong natatawa si Elijah at kasama niya si Cherry.

"Sino yon?"

Napangiti ako. "Elijah and Cherry"

"Si Cherry ba yung naka nurse na costume?" Tanong niya habang pinapalibutan sila ng mga kaibigan nila. Nagpapicture pa ito kay Elijah kaya mas lalong na mula ang pisngi nito.

Natawa ako at napailing. Mukha kasi siyang hentai nurse. Ang iksi at kitang kita ko yung cleavage niya na kahit nasa malayo. Napansin kong medyo sumeryoso si Elijah ng makita niya si Klare sa harapan niya. Pinagkakaguluhan sila ng mga kaibigan nila at pinagtutulakan. Hindi ko na lang mapigilan matawa dahil pulang pula yung mukha ni Cherry.

"Masyado kita ang kaluluwa niya sa suot niya." Ani Liezel.

"Hayaan mo na! Minsan na nga lang ito oh!" Natawa ako. Ilang sandali ay naagaw ang atensyon ko kay Azrael na naka suit and tie. Really? Suit and tie? Costume ba yon?

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon