Number
Kinuha ko ang notebook ko sa bag. kailangan kong gumawa nang notes dahil malapit na naman ang exam. Nakapwesto sa likod ko si Azi, Katabi ko naman ay si Tristan isa sa mga kaklase ko.
May biglang kumalabit sa akin.
"Ano ba?" Napatingin ako sa likod ko. Tumawa tawa si Azi sa akin. Tinignan ko ang uniform ko ay baka may nilagay siya nang kung ano-ano.
So hindi ko na yon pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig kay ma'am. Walang siyang tigil sa pangungulit sa akin kahit kanina pa.
Napatalon ako nang kiniliti niya ako sa tagiliran. Sinamaan ko na siya ng tingin dahil badtrip na ko.
"Azi, tumigil ka na! Hindi na nakakatuwa yang ginagawa mo." Sabi ko ngunit nilabas niya lang ang dila niya sa akin. Paasar siyang tumawa.
Pinabayaan ko na ulit siya sa ginawa niya. Si Tristan ay napapatingin na lang sa aming dalawa. Nagtatawanan din ang mga katabi niya.
Pag eto nangulit pa sasabunutan ko na to!
Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Nagtanong pa ko kay Tristan kung ano ang nakasulat sa Whiteboard dahil hindi ko naiintindihan ang sulat ni Ma'am. Habang nagd-discussion ang teacher namin ay nagulat na lang ako nang bigla ako tinusok sa braso ni Azi gamit ang matalas na Pencil.
"Ano ba?" Napatayo ako. "Hindi ka ba? Titigil!"
Tumawa lang siya at nagpeace sign. Napahinto si Ma'am sa pag-papaliwanag nang topic namin.
"Hindi ka ba talaga titigil! Punong puno na ko sayo!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Azrael, Victoria. Anong kalokahan ang ginagawa niyo jan?" Tanong ni Ma'am.
"Ma'am sinusundot ako nang pencil!"
Nagtaas ng kilay si Azrael at umiling iling. "Hala! Hindi po maam."
Binato ko siya nang notebook sa ulo. "Sinungaling ka!"
"Tumayo nga kayong dalawa!"
Sumunod kami sa utos ni Ma'am. Nakangiti si Azrael na nakatayo ako naman ay nakasimangot.
"Kanina pa kayo nag-iingay jan. Ano bang pinaggagawa niyo!" Sigaw sa amin ni Ma'am.
Lahat nang estudyante ay sa aming dalawa nakatingin yung iba naman ay natatawa.
"Nangungulit po kasi si Azi!" Sabi ko.
"Nakikinig ba kayo?" Nagtaas nang kilay si Ma'am. "You both disturbing my class! Kung pwede sa labas na lang kayo magharutan wag dito!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am. Tumawa ang mga kaklase ko sa amin. Si Azi naman ay tumatawang nakayuko.
"Sige! Kung nakikinig kayo tatanongin ko kayo! Kapag hindi niyo nasagot tong tanong ko ay ibabagsak ko kayo!" Ani Ma'am.
Parang nag ning ning ang mukha ni Azrael, mukhang kinabahan agad sa sinabi ni Ma'am.
Una ako tinanong ni Ma'am. Syempre! Nasagot ko agad yon kaya mayabang akong umupo sa upuan. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa akin. Napatingin ako kay Azi na ngayon ay nakangiti sa akin. Nagrolling Eyes na lang ako ay tumalikod.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...