40th Scar

1K 23 2
                                    

I need to let him go

"Sa oras na malaman niyo ang katotohanan! Dad. Baka malunok niyo lahat ang mga sinabi niyo."

Lumayas na ko at nilagpasan silang lahat. Dumaretso ako sa kwarto at kinulong ang sarili ko. Pinatong ko ang unan sa ulo ko at nanghina. Ang sakit! sa totoo lang. Mismong tatay ko pang ang nagsalita sa akin ng ganon. Ang gusto ko lang naman ay makita nila ang halaga ko.

Hindi ko namalayan na halos isang oras ako nakatulog. Naalimpungatan ako pero feeling ko namamaga pa din ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako sa sama ng pakiramdam. Ilang minuto pa ay kumatok si Angkong. Bumukas ito at ngumiti siya ng malapad sa akin.

"Okay na ba ang aking apo?" Masigla niyang sabi at umupo sa akin tabi. Ngumiti ako pero bakas ang pagod. Tumabi ako sa kanya.

"Angkong, alam mo na pala ang tunay."

"Alam ko ang dahilan mo. I understand. Kinukwento sa akin ni Ian ang lahat." Inakbayan niya ko. "I'm sorry about your Father, Victoria."

"Okay lang! Angkong. Ganon naman talaga si Dad."

Bumuntong hininga siya. "Ayoko lang magkaroon at magtamin ka ng galit sa kanya. Hindi lang talaga kayo nagkakaunawaan."

"I know you are happy with your man, Victoria." Tumawa siya. "I already met him."

Napatigil ako. Agad ako napaharap sa kanya. "W-What?"

"Yes! Nakilala ko ang boyfriend mo and I see how gentleman he is. Malakas ang sense of humor niya." Tumawa siya. "I know Azrael and Claudette Montefalco, Victoria. Naging abogado ng Tito Carter mo si Azrael Montefalco. And I know his son...Knoxx Montefalco? Dahil tumulong din siya sa negosyo natin sa Alegria."

Kilala niya? Kilala niya si Azi? Hindi lang din ako makapaniwala. Pati si Knoxx? Ang kapatid ni Azrael?

Aaminin ko, ni hindi ko nga alam, natuloy pala ang negosyo namin sa Alegria. Ang dami tuloy tanong sa aking isip.

"He's different, Victoria. Saang ayon naman ako sa inyong dalawa. Alam ko din na tinatago mo ang relasyon niyo. Kailan ko lang din nalaman ang lahat. You don't need to keep this secret, apo. I saw how happy you are and I see how inlove you are."

"Nakita ko naman kung paano ka niya kinukwento sa akin. Kinukwento niya ang mga problema mo. Doon ko nalaman at nagtanong ako kay Ian kung ano na nangyayari sayo." Patuloy niya.

Parang ang gaang o ang saya ng nararamdaman ko. "Ang dami mo palang tinatago" Hinawi niya ang aking buhok. Kung ano ang tumusok sa akin na para bang gusto kong maiyak. Niyakap ko ng mahigpit si Angkong.

Napapikit ako at tumulo ang aking luha. "I'm sorry Angkong. Gusto ko lang naman kayo protektahan."

"Naiintindihan ko! Tayo pa din naman ang magtutulong tulong dito." Hinalikan niya ang ulo ko. "Don't do this again, Victoria. Ayoko na sinasarili mo ang lahat."

Napangiti ako at gumaang ang pakiramdam ko. Niyakap ko ng mahigpit si Angkong at laking pasasalamat ko na may ganito akong mga Lolo't Lola, na todo supporta sa akin. Kahit kailan ay hindi mababayaran ng pera ang pagmamahal. Kaya hanggang may nagmamahal sayo ay sana sukliin mo din ng pagmamahal.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon