8th Scar

1.4K 34 0
                                    

A/N

Para po sa mga naguguluhan.

Nikki, Trisha, Nicole, Kelly, Allyson, Liezel and Jasmine ay mga kaibigan po ni Victoria. Marami po kasi sila.

******

Prom

"Wala ako mapili." Napapakamot ng ulo si Trisha habang naghahalungkat ng bawat damit na nakasabit.

"Parang ayoko na nga pumunta" Ani Kelly. "Kaso may nagyaya na."

Napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Bakit mo naman kasi tinanggap? Ayaw mo naman pala!" Ani Nicole habang nakanguso.

"Naawa nga ko" Sabi ni Kelly. "Kawawa naman kung hindi ko tatanggapin. Halos lumuhod na nga sa harapan ko."

Tumawa kaming dalawa ni Nikki.

"Alam mo? Ewan ko sayo! Gusto mo rin naman." Ani Nikki.

Ngumuso si Kelly. "Bahala na nga!"

Mamayang gabi na ang prom namin. Ngayon na lang kami na nakabili ng damit dahil ang daming gawain sa school.

Wala rin naman akong gana kahit si Jason ang kasama ko. Ilang araw na rin ang lumipas ng hinalikan niya ko. Ilang araw din hindi na wala sa isipan ko ang nangyari sa amin.

"Maganda ba tong kulay blue?" Tanong ni Trisha. May pinakita siyang damit sa akin na Cheena dress pero long gown.

"Yep! Maganda naman." Saang ayon ko.

May nakita akong spaghetti strapped pero hindi naman masyadong luha sa gitna. Pumunta ako sa salamin at chineck kung babagay sa akin yung damit. Maganda naman, bumagay rin sa mahaba ng buhok ko.

Binayaran na naman ang mga pinamili namin. Naisipan naming pumunta sa Arcades dahil maaga pa naman. Bumili agad kami ng tokens.

Agad na tumakbo sila Nicole at Trisha sa Shooting guns. Kami naman ni Kelly ay sa Dance Arcades kami dumaretso. Busy naman sa kakacellphone si Nikki at nanonood na lang sa amin dalawa.

"Eto na lang!" Ani Kelly habang naghahanap ng kanta.

"Hindi eto na lang!" Protesta ko. Hindi na siya umangal dahil pareho naming paborito si Akon.

Nagstart na ang tugtog. Sinundan namin ang bawat steps na binibigay sa screen. Tuwang tuwa kaming dalawa sa kembot. Si Nikki naman ay natatawa na lang din habang nanonood. May mga tao na ring nakikinood sa amin.

Pagkatapos namin sumayaw ay si Nikki na ang pumalit sa'kin.

"Ako naman!" Natutuwang sabi ni Nikki. Umalis ako at nakipag apir sa kanya. Siya na ang pumalit sa pwesto ko.

Sumunod na tumugtog ay ang Black eyed peas. Nagsimula sumayaw ang dalawa. Ilang sandali ay may natanggap akong text galing kay Azi.

Azrael:

Nice! galing mong sumayaw.

Agad ako napatingin sa paligid. Aba! Sinusundan na naman ako ng lalaking to! Hinanap ko siya sa paligid ngunit hindi mahanap ng mga mata ko.

Hindi ko na yon pinansin. Nagpaalam ako sa dalawa na susundan ko sila Trisha at Nicole. Naabutan ko yung dalawa na naglalaro sa Guns shooting ng Arcades.

"Nicole, nandito sila Damon?" Tanong ko habang abala siya sa kakalaro.

"Hindi ko alam." Sagot niya ng hindi ako nililingon.

"Mukhang nandito sila"

Agad napatingin sa akin si Trisha na para bang guminhawa ang mukha niya sa sinabi ko.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon