50th Scar

1.3K 35 7
                                    

Ipaglalaban ko

Nakauwi na kami galing Siargao hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Nikki. I choose to stop our friendship, Aaminin kong masakit sa akin at sa kanya  Alam kong napakaselfish ko. Pero mas pinili ko na lang yon dahil ayoko na lang makipagplastican o ano pa ang hindi magandang mangyari sa amin.

But she agreed.

Tumama ang desisyon ko. Mas pinili naming itigil na lang kesa magkasakitan pa kami.

"Hiyaaa!" Pinalo ko si Delitia habang naglilibot kami sa hacienda. Buti na lang ay naka fitted jeans at long boots ang suot ko. Maputik kasi at presko pa dahil nagsuot ako ng spaghetti strap.

Nakalugay ang aking buhok at wavy na wavy. Nagugulo na lamang ito dahil sa ihip ng hangin. Tinanaw ko ang buong hacienda at suminghap.

Sumunod si Ian na naka black t-shirt at jeans. Para siyang isang modelo ng Calvin klein. Hindi nga lang nakaboxers. Nakasuot din siya ng leather na cowboy hat.

Dala dala niya ang kanyang itim na itim na kabayo na si Dakota.

Mapungay ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang buong hacienda. Para bang ang lalim ng iniisip.

"You okay?"

Bumaling ang tingin niya sa akin.

"It's been three years...I can't still find her."

Inikot niya si Dakota at hinarap ako.

"Hindi mo pa din siya nakita sa Cavite?"

Umiling siya. "Wala talaga"

Suminghap ako at tsaka napailing. "Nasaan kaya siya..."

"Ilang beses ko na din yan tinanong sa sarili ko. Ni isa ay wala pang nasasagot." Aniya.

Malalim pa din ang iniisip niya. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha namin kaya dahilan ay magkasalubong ang mga kilay niya. Di na siya nagsalita. Pinagmasdan na lang namin ang buong hacienda.

Ilang sandali ay dumating si Ivana kasama ang kabayo niyang si Milo.

"Victoria, may bisita ka..." Aniya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ian. Pinalo ko si Delitia para tumakbo. Sabay sabay kaming pumasok sa stable ng kabayo.

Bumaba ako nang makarating kami ng Santa. Cecilia kung na saan dinadala ang mga kabayo.

"Sino daw ang dumating?" Tanong ko habang hinahawi ang buhok ni Dalitia.

"Sige! Mamaya bumalik ka at tulungan mo kong kunin ang mga basket na pinapadala ni Angkong." Ani Ian sa trabahador. Tumungo naman at ito at tsaka umalis.

"Mas maganda kung pumunta ka sa mansyon." Nakangiting sabi ni Ivana.

"Nasaan sila Angkong?" Tanong ni Ian.

"Nasa bahay nila, Kuya. Mamayang gabi ay pupunta sila dito para magkaroon ng family dinner." Sagot ng kanyang kapatid.

Napatungo na lamang siya.

"Sige, pupunta muna ako doon. Baka kanina pa ko hinihintay." Inilapag ko ang suklay ng kabayo.

"Kanina pa nga!" Tumawa si Ivana na kinanguso ko naman. Si Ian ay blanko lang expression.  Kinurot ko ang pisngi niya at para naman na gising sa katotohanan.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon