I want to be mine again
"Ayoko sumama!" Irita ako umakyat sa hagdanan.
"Victoria, wala naman magaasikaso ng negosyo doon. Aalis si Ian patungo sa Maynila."
"Ano naman ang gagawin ni Ian sa Maynila?." Napailing ako pumasok sa kwarto pero siya sumusunod pa din.
"May ilang truck ang na stranded doon. Kumulang tayo ng dalawa. Wala naman nagaasikaso doon....Sige na! Victoria. Sumama ka na. Kasama naman kami ni Jason."
Bumuntong hininga ako. Ayoko sumama sa Siargao. Lalo nang doon ang punta nila Azrael. Basta! Ayoko!
"Hindi ba kumuha ka ng permit kay Hendrix?"
Tumungo ako.
"Pupunta pala sila doon. Dahil nga sa kinulang na truck. Kaya sumabay na tayo!"
"Alam na ba nila angkong?"
"Alam na alam. Siya ang unang nag suggests na ikaw ang pumunta. Tutal pauwi na dito si Jason galing Maynila. Bukas na bukas ang alis natin."
Nanlaki agad ang mga mata ko. "Ano? Bukas agad?"
Tumungo siya. "Oo! Kailangan na kailangan na tayo doon dahil pinapadali ng daddy mo ang resort niyo doon."
"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?" Tumayo ako para kumuha ng bagahe. Bwisit naman ito si Ivana. Kailangan one last minute tapos na.
"Kahit ako binigla pero ano pa magagawa ko?" May inilapag siya sa kama. "Oh! Ayan na ang ticket mo patungong siargao. Kumuha na ko kanina at sasabay na tayo kay Ian dahil bukas sa maynila na siya uuwi."
"Ano pala gagawin niya sa manila?"
"Hindi ba alam niyo ang tungkol kay Kelly?"
Tumungo ako.
"May na balitaan daw ang ibang team sa cavite...kamukha daw ni Kelly."
"Baka naman hindi siya yon. Baka hindi si Kelly yon." Napailing akong kumuha ng gamit sa cabinet. "Ilang araw ba tayo?"
"Three days lang."
Tumungo ako at nagayos muna ng gamit. Pagkalipas ng dalawang oras ay may nagtext sa akin.
Azrael:
"I'm already here...I wanna see you."
Hindi ko muna sinagot ang text niya dahil busy ako sa pagayos. Aaminin ko, nagseselos pa din ako dahil kasama niya ang kaibigan ko.
Naging okay naman kami ni Azrael pero hindi pa nila alam ang tungkol sa aming dalawa. Inamin niyang hindi niya gusto si Nikki simula noong high school palang. Lagi niya lang daw nilalapitan si Nikki para lang mapansin ko siya.
How jerk he is?
Kaya pala noon laging nakadikit sa amin. Lagi pala gumagawa ng kalokohan si Azrael noon dahil nga si Jason lagi ang pinagtutuonan ko ng pansin.
Simula noong nalaman niya ang kalokohan ni Jason ay ayon! Wala daw silang ginawa kung di mag away at magsuntukan.
Iyon ang sa pagkakaalam ko.
Bumaba ako para magpaalam kayla Angkong. Sumunod ako sa garden kung saan sila nakapwesto. Naabutan kong silang dalawa lang ni Ian.
Parang ang seryoso ng pinaguusapan ng dalawa.
Umupo ako sa tabi ni Ian habang si Angkong. Ngumiti ako sa kanila. Napalingon sa akin si Angkong.
"Are you ready for tomorrow?"
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...