45th Scar

856 22 0
                                    

Akala ko ba ayaw mo na?

Ang daming araw at buwan na lumipas. Simula noong nagdebut si Cristine ay hindi na naman kami nagkita. Iyon na ang huling pagkikita namin.

Bumalik na sa states si Selena. Kaya lang naman ako na galit dahil mahal ko din naman si Selena. Mabait at malambing siyang tao. Napakalaking gago lang ni Elijah.

How genius is that? He used my cousin to go back and to see Klare. Hindi sila pwede sa isa't isa dahil magpinsan. Napatunayan na Ty si Klare. I love Klare too at hindi ko din siya masisi. Ang ayoko lang sa ginawa ni Elijah. Ginamit niya si Selena para makauwi.

He's a jerk and I know that. Wala na akong galit sa kanya o kinakampihan sa dalawa. Buwan na ang nakakalipas na halos mag iisangg taon na. Hindi na namin inopen iyon.

Kung ako kay Selena ay humanap na lang siya ng iba na mas worth it pa kay Elijah.

But...I feel her pain. Wala din ako magagawa. I heard that Klare is finally engaged to him...

Kaya kapag hindi para sayo...hindi talaga para sayo. Wag mo nang ipilit kung hindi naman talaga para sayo. Ikaw lang masasaktan bandang huli. You need to wait for someone who will care and sacrifice with you. Simple.

Narinig ko din na may manliligaw na si Selena ngayon. Hindi ko alam kung Chinese or foreigner.

"Wala pa kong balak bumalik ng Manila. Kakauwi ko lang noong isang linggo."  Sabi ko sabay laklak.

"Gusto ko kasing sumama. Nakakaumay na dito sa Cagayan."

Natawa ako sa sinabi ni Ivana. "Maghanap ka na lang jowa."

Ngumuso siyang umiling. "Ayoko! Sakit ulo lang!"

"Kamusta pala kayo ni Simon? Balita ko nanligaw sayo iyon ah!"

Umiling siya. "Wala na ko balita sa kanya. Nasa Manila na siya ngayon. Nag architect naman siya."

"Kaya pala gusto mong pumunta ng Manila noh!" Humagalpak ako ng tawa.

Sumimangot siya at hindi kumibo.""Ewan ko sayo! Bahala ka na nga diyan! Restroom lang ako." Aniya sabay takbo palayo.

Ngumisi akong umiling. Nilaklak ko ang emperador. Tinignan ko ang paa ko sa pool ng aming bahay. Inamoy ko ang simoy ng hangin. Nang bumalik siya ay tumbi siya ulit sa tabi ko.

"Ano yon?" Taas kilay kong tanong.

"Hindi ba tayo pupunta sa Party ni Cherry? Imbitado ka" Aniya sabay pakita sa akin ng text.

Cherry Salvador:

Punta kayo dito! Nandito kaming lahat. Isama mo na si Victoria. Gusto siyang makita nila Trisha.

Walang gana kong binalik sa kanya ang cellphone. Uminom ako at hindi na muna kumibo.

"Pupunta tayo?"

"Gusto mo ba?"

Tumungo siya.

"Okay! Palit lang ako." Tumayo na ko para dumaretso sa kwarto. "Paayos mo na lang kay Manang yan."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon