Halaga
Nabali ang atensyon ko sa kanya ng nagpalakpakan ang mga estudyante sa performance ni Simon.
"WHOOO! GALING MO!" Sigaw ni Jason sa kaibigan namin saka ako inakbayan.
Nagkatuwaan ang ilang mga barkada.
"Thank you! Enjoy your night!" Paalam ni Simon saka bumaba sa stage.
Nakipag-apir siya sa mga barkada niya at si Jason ay nakipag-apir sa kanya. I know, I'm happy pero parang may kulang. Luminga linga ako sa paligid. I think, I'm not comfortable. Para kasing may hindi maganda sa nararamdaman ko.
Nawala ang atensyon ko ng dumating ang mga kaibigan ko.
"Nakakakilig talaga!" niyugyog ako ni Nicole.
"Oo nga eh! Ganda ng boses ni Simon." Proud na sabi ni Trisha.
"Hays! sana hindi na matigil to!" Kilig ni Allyson.
Dumating si Kelly at Nikki. "Kaloka yung partner ko!" Reklamo agad ni Kelly. "Ilang beses na ko natapilok"
Tumawa kami.
"Hayaan mo na! Minsan na nga lang to! May reklamo ka pa" Sabi ni Nicole.
"Hindi kasi marunong sumayaw" Ngumuso si Kelly.
"Hayaan mo na! Ikaw talaga" Inakbayan siya ni Trisha. "Edi sana babae na lang niyaya mo" Tumawa siya.
"Babae ba hanap mo? Kelly" Dumating ang pinsan ko.
"EWWW! Okay na ko sa mukhang dugyot noh!" Protesta niya.
Nagtawanan kaming lahat.
"Akala ko ba tomboy ka?" Tanong ni Nikki.
"Oo nga pero nagbago na isip ko, pwede naman BI sexual na lang" Sagot ni Kelly.
Tumawa si Allyson. "Namimili pa ah! kurutin kita sa singit eh!" Kiniliti siya ni Allyson sa tagiliran.
"Oy! Joke lang!" Protesta niya. "Straight na ko!"
"Ang gulo mo!" Natatawang sabi ni Nikki.
"Okay lang yan!" Humagalpak si Kelly.
Nagkatuwaan sila pero panay parin ang tingin ko sa paligid. Nasaan ba ang lalaking yon?
"Finding someone?" Nagulat ako ng biglang hawakan ni Jason ang bewang ko.
Umiling ako. "Nah!"
Ngumiti siya. "Nagugutom ka na ba?"
Tumungo ako. "Yep! ikaw?"
Nag-isip siya ng saglit. "Not really pero sasamahan kita." Ngumiti siya.
"Sure!" Tumingin ako sa mga kaklase ko na nakikipag biruan sa isa't isa. "Kumain na muna tayo"
"Oo nga! Sakto gutom na ko." Ani Kelly. Tinawag niya ang partner niya.
"Kailan ka pa hindi nagutom hah!" Biro ni Allyson.
Sinamaan siya ng tingin ni Kelly. "Kanina ka pa!"
Natawa naman kami sa reaksyon niya.
"Joke nga lang! Eto naman." Inakbayan siya ni Allyson. "Alam mo naman love kita kahit minsan nakakadiri ka na!"
"Wow!" Sinapak siya ni Kelly. "Akala mo talaga eh! noh!" Aniya ngunit tumawa rin agad.
Kumuha ako ng plate at yung isa ay para kay Jason. Na una na kami dahil alam naming maraming estudyante kakain mamaya. Pumila na kami at kumuha sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...