Simula

7K 74 3
                                    

Simula

Unang araw ng pasukan ay boring na boring ako. Dapat pala hindi muna ako pumasok ngayon dahil napakatahimik ng mga bagong transferee. Malamang na ngangapa pa ang mga yan kaya mga pipe pa ngayon.

Masakit ang ulo dahil wala pa akong tulog. Ikaw ba naman ang mag bakasyon ng dalawang buwan ay maga-adjust ka ulit ng tulog lalo na pag nasanay kang magpuyat. I hate this!

"Tory okay ka lang?" Tanong nang kaibigan kong si Liezel. Poker face kasi tong mukha ko.

"Oo, okay lang ako!" Ngumuso ako at tumingin sa bintana.

"Aga aga biyernes santo niyang mukha mo." Ani Jasmine.

Liezel and Jasmine are my bestfriends. Kaklase ko sila since grade school. Sila ang una kong nakilala dito.

Para sa akin Cagayan de oro is my second hometown. Lumaki rin ako sa davao pero nalipat din ng Cagayan, Nalipat lang ako dito when i was grade 4 or 5.

Ayaw na nang Angkong ko duon gusto niya dito na lang kami tumira dahil na rin kay Ama. Why? Nandito kasi yung ibang negosyo nang Angkong ko (Lolo) dito niya rin nakilala ang Ama (Lola). Kaya dito na rin kami lumipat. Well! Bumibisita rin naman kami sa Davao tuwing bakasyon. Nanduon din ang mga pinsan ko at mga ibang relatives ko. Nakakapanibago lang dito noong una.

Kami lang ata mga Ty's ang nakatira dito. Ewan ko na lang kay Hendrix kung bakit dito yon napadpad. Nagulat na nga lang ako na nandito ang batang yon. Yep! Hendrix is my second cousin. Why? Dahil ang lolo niya at lolo ko ay magkapatid. And my Dad and his dad ay mag first cousins kaya pangalawa kong pinsan si Hendrix.

At simula rin nung nawala ang angkong ni Hendrix ay napadpad kami dito sa Cagayan. I don't know kung nalungkot ang Angkong dahil sa pagkawala nang kapatid niya kaya nalipat kami dito.

"Wala pa kasi akong tulog kaya" Nagkabalik baliktad ako. "Inaantok pa ko!"

"Kaya naman pala! Halatang sanayan sa puyatan noh! Kaya lumalaki na eyebags" Ani Liezel.

Nagtawanan ang dalawa.

Ngumuso ako at di ko sila pinansin. Nakatingin lang ako sa bintana at tulala Matutulog nga ko paguwi! Feeling ko konti na lang babagsak na ko.

Ilang sandali may isang grupong pumasok sa classroom. Napatingin ako sa gawi nila. The Montefalco's.

Wala naman ako pakelam sa mga magpipinsan na iyan. Tss! Parehong mayayabang.

Tinapik ni Liezel ang balikat ko.

"Ano ba yon?" Iritado kong tanong.

"Ang g-gwapo nila!" Hinaluglog ako ni Liezel.

"Nyeta! Wag nahihilo ako!" Inalis ko ang kamay niya sa akin.

"Tignan mo si Azi!" Ani Jasmine.

Sumulyap ako sa magpipinsan. Nanduon si Elijah, Josiah at Azi. Nagbibiruan ang magpipinsan. Dumating naman si Rafael at Damon mga iba pang pinsan nila Elijah. Nakipag apir pa ito kayla Josiah.

May dala dalang guitara si Azi na hindi naman tumutugtog kundi nakatungtong lang ito sa kanyang binti.

"Anong gagawin ko kay Azi?" Nagtaas ako ng kilay.

"Ang gwapo!" Tinapik niya ko sa braso. "Eto naman! Napakasuplada. Tignan mo lang naman."

Like i said wala pa kong tulog.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon