53th Scar

863 28 0
                                    

Baby

Halos anim na oras akong nakatulog dahan dahan akong tumayo ng kama, Bigla na lang ako nakaramdam ng hilo! Agad ko din naman hinilot ang magkabilang gilid ng ulo ko.

Lumabas ako at naabutan kong wala doon si Azrael. Kinusot ko ang aking mata at minulat ng mabuti.

"Victoria..."

Nagulat ako. Nakita kong nandito si Allyson. "What are you doing here?"

Tinitigan niya lang ako. "Umalis muna siya...may pupuntahan lang ng sandali. Nagkaroon ata ng problema ang pamilya niya kaya...ako ang tinawagan niya."

Napatungo na lang ako. Shocks! Nabigla ata ako sa pagtayo kanina. Bigla na lang kumulo ang tiyan ko.

"Kumain ka na?"

Narinig niya siguro ang tiyan ko. Umiling ako. "Hindi pa. Ikaw?"

Umiling din siya. "Hindi din...ano ba gusto mong kainin? Ako na lang magluluto."

Sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto ko. Ewan ko ba! Nakaramdam na lang ako ng hindi maganda. Di siguro ako nakakain kanina.

"Ano pa sinabi ng magulang mo?" Tanong niya.

Kinuwento ko lahat ang nangyari sa amin noong pinakilala ko si Azrael.

"Wala naman na silang sinabi...buti nga tinanggap na ng magulang ko. Lalo na sa tatay ko. Ilang taon na kasi ang nakalipas simula noong aksidente ay galit sila kay Azrael. Ang akala nila noon ay si Azrael na may pakana ng lahat. Pero nagulat sila noong umamin si Jason."

Pinatay niya ang kalan bago niya ko hinarap. Tinulungan ko siya maglagay ng plato sa lamesa. Umupo ako sa harapan niya at nagsimula ng kumain.

"Hindi ka pa ba na dadala?" Sumubo siya. "Si Jason na ang nagpahamak sayo...tinanggap mo pa din."

Nagbalik baliktad ako. "Hindi naman mataas ang pride ko para bumawi ng kasamaan. I forgive him, pero sana alagaan niya na lang ang friendship namin. Pero...nawawalan din ako ng tiwala."

"So nag uusap na lang kayo tuwing may trabaho?"

Tumungo ako. "Oo, iyon na lang. Siguro...usap usap na lang pero hindi na ko sumasama sa kanya."

"Paano pamilya niya?" Tanong niya ulit.

"Simula noong aksidenteng yon, Tinigil na talaga ni Angkong ang fix marriage. Hindi na kami nakipag kominikasyon sa mga Zhang lalo na sa mga Xiong. Lalo ng napatunayan ni Jason."

"So, nasaan na si Benji?"

Napatigil ako sa pagkain. Napansin niya naman siguro ang reaksyon ko. "Sorry, curious lang talaga ako."

"Okay lang!" Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang pamunas. "Nasa kulungan siya. Dinala muna siya sa Manila."

"Hindi ba naging sila ng pinsan mo?"

Tumungo ulit ako. "Oo, noong nalaman nila Angkong na kasama si Benji ay katakot takot na sampal ang inabot niya. Lalo noong nalaman naming gumamit si Ysabelle ng droga dahil tinuruan ni Benji."

"Tinuruan? Edi damay si Ysabelle?"

Umiling ako "Hindi nila na huli si Ysabelle na gumagamit. Nilaglag siya ni Benji, Kasama pala sa isang litrato. Hindi ko na matandaan kung saan litratong nakalagay yon. Tas ayon!" Nagbalik baliktad ako bago uminom. "Napatunayan na gumagamit siya."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon