New beginning
Kinabukasan ay inayos ko ang aking mga gamit. Binuksan ko ang pinto nang kumatok si Jason.
"Pasok ka"
Nakapamulsa siyang pumasok sa kwarto ko. Binalik ko ang pag aayos ng gamit.
"Ready?" Aniya habang nakapamulsa pa din sa harapan ko.
Tumungo ako at isinara ang zipper ng bag. May ilang guard pa ang tumulong sa pag buhat.
It's 12 o'clock in the afternoon. Gusto ko munang mamasyal. Pumasok kami sa elevator ng tahimik. Sinuot ko ang malaki kong sunglasses na para bang takot akong magpakita sa mga tao.
Parang nga nasa states pa din ako. Mahilig ako sa malalaking jacket, na may malalaking bitones sa gilid. Kinahiligan ko na kasi. Ibinigay ko ang susi sa counter.
"Thank you for visiting us." Aniya.
"By the way! Where's Brandon Rockwell?"
Ngumiti siya. "Nasa Golf area po"
Tumungo ako. "Okay! Thank you!" Naglakad na kami palabas. Para akong isang napakaarteng lumalabas ng resort.
"So saan mo balak pumunta?" Tanong ni Jason sa tabi ko. Inilagay ng guard ang mga bagahe ko sa likod ng kotse.
"I want to see my nephews and Niece." Sagot ko.
"Thank you! Ma'am." Tumungo ako at binigyan siya ng tip.
"At babalik na ko ng Cagayan next week. Tatapusin ko lang ang pinapagawa ni Logan sa opisina sa laguna."
"Sasabihin-"
"No!" Masungit kong sabi. "Don't tell them or I will kill you."
Humagalpak siya ng tawa. "Okay! Okay! Ang sungit mo ata ngayon."
Umiling ako. Wala ako sa mood. Sa nalaman ko pa naman kagabi ay hanggang ngayon hindi pa din makalimutan. Move on!
Siya ang pinagdrive ko. Nakarating kami ng Golf area ng Tagaytay highlands. Biniba ko ang mga regalo ko sa mga bata at inilock ang kotse. Nakalimutan ko kasi ibigay ito kagabi. Nagulat ang babaeng nasa counter nang dumating ako.
"Where's Brandon Rockwell?"
Ngumiti siya. "Nasa kabilang side po." May tinuro siya kaya agad kong nakita ang magpipinsan.
Tumungo ako. "Pahawak naman!" Utos ko kay Jason na nakasunod sa akin. Medyo uminit ang panahon ngayon kaya hinubad ko ang jacket, na binili ko pa sa Rome.
Agad niya naman kinuha para tulungan ako. Lumapit ako kaya agad na yumakap sa akin si Beau.
"Hello! Beau." Binuhat ko siya. "Miss me?"
Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi. "I have something for you." Ibinaba ko siya at binigay ang lamborghini na sasakyan. Galing lang din ito sa Italy.
Natuwa naman siya sa binigay ko. May controler din itong kasama.
"You're spoiling my son, Victoria." Dumating si Logan kasama ang asawa niyang si Portia, na nakakapit sa braso niya.
Tumawa ako. "Why? He's my nephew? Wala naman problema doon." Hinalikan ko si Beau sa pisngi. "Right? Baby."
Hindi niya ko sinagot. Tuwang tuwa siyang inilagay niya laruan sa upuan. Natuwa ako nang binuksan niya ito.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...