So close
Madaming araw at madaming nangyari sa amin ni Azrael. Lagi kaming magkasama pero lahat ay palihim. Pinipilit kong tinatago ang relasyon naming dalawa dahil ayoko may makahalata. Simula noong nag away kami ni Damon ay umalis na si Eba papunta sa Manila. Gusto niya na din umalis at magpakalayo dito sa syudad. Napapansin niya din na marami na kong problema kaya hindi na siya dumagdag pa. Nagpaalam at marami pang proseso bago siya umalis. Buti ay kilala ako ng magulang niya at pumayag na sa Manila tumira si Eba.
Sinabi ko naman na, okay lang sa akin kahit puntahan o dalawin nila si Eba doon. Binigyan ko siya ng katulong at makakasama doon dahil wala magaalaga sa kanila ng baby niya.
Tapos na ang exam kaya nagmadali na akong umalis. Kinuha ko ang bag at lumabas na. Ilang sandali ay napahinto ako nang makasalubong ko si Nikki, na naka jersey ng volleyball.
Hanggang ngayon ay cold pa din sila sa akin dahil sa pag alis ko sa Varsity. Hindi ko na din sila masyado napapansin dahil sa pagiging busy ko.
"Victoria" Ngumiti kami sa isa't isa nang tinawag niya ko.
"K-kumusta?" Lumapit ako.
Binasa niya ang kanyang labi at ngumiti sa akin. "Eto! Okay naman!Tagal na natin hindi nag-uusap ah! Tagal na din nating hindi masyado nagkikita."
Ngumiti ako ng tipid. "Masyado na ko naging busy. Pasensya na!"
Tumungo tungo siya at umiwas ng tingin. Bumuntong hininga siya. "Iba ka na talaga ngayon."
Binalik niya ang tingin sa akin. "So different."
"Are you still mad because I left?"
"Tanggap na naming lahat. Wala kaming galit sayo. Gusto lang namin malaman kung bakit ka umalis?"
Ngumiti ako at ibinaling ang tingin sa sapatos ko. "Long story. Hindi ko din makwento dahil personal ko na talaga."
Tumungo tungo siya. "We understand."
Napatigil kami nang dumating si Trisha at Nicole. Napahinto ang dalawa ng makita ako. Blanko at malamig pa din ang tingin nila sa akin.
"Nikki, may training pa tayo." Ani Nicole.
Nagkatinginan kami ni Nikki pero ngumiti ako ng tipid. "Kailangan niyo na siguro umalis. Sige una na ko!"
Nakakadalawang hakbang palang ako nang biglang nagsalita si Trisha. "Bakit ngayon ka lang magpakita sa amin?"
Napahinto ako sa paglalakad. Hinarap ko ulit sila. Blanko at alam kong may galit pa din sila. "I'm busy"
"Busy? Busy for what?" Matabang na sabi ni Trisha at sumubo ng ice cream ng dairy cream.
"Bakit umalis ka ng hindi namin alam ang dahilan?" Simula ni Trisha. Agad siyang binulungan ni Nikki.
"Masakit din sa amin ang pagalis mo, Victoria. Ikaw ang captain namin sa Varsity. Bakit bigla ka na lang naglaho?"
Nagbara ang lalamunan ko sa sinabi ni Trisha. Iniwan ko din sila sa ere ng ganon na lang. Hindi na din ako makapag explain sa dami ng problema ko. Hindi ko din naman sila masisi.
Nakatingin silang tatlo sa akin na para bang napakasalbahe ko. I don't know pero iyon ang na babasa ko.
"Malaking problema talaga, Trisha. Alam kong galit kayo pero sana maintindihan niyo kung bakit?"
"Dahil ba ito sa boyfriend mo?" Tanong ni Nicole. Nagkatinginan kami. Tumingin ako sa paligid at konti na lang ang estudyanteng dumadaan.
Umiling ako. "Hindi!"
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...