6th Scar

1.7K 31 1
                                    

Mutual Understanding

Pagkababa ko ng kotse ay hindi parin siya umaalis. Tahimik sila Ivana at Kiera sa pagdating ko. Siguro nagulat pa yon sa ginawa ko. Tawang tawa ako sa reaction niya kanina.

Pagkapasok ko saka lang siya umalis.

"Bat ngayon ka lang?" Tanong agad ni Kiera habang papasok kaming tatlo sa loob.

"Kasi ngayon lang!" Sagot ko. Wala akong panahon para sagutin ang mga tanong nila. Sigurado akong tadtaran na naman ng tanong ang mga ito.

"Kasama mo si Jason? Nagdate kayo?" Sunod sunod na tanong ni Ivana. Hindi ko yon sinagot nang nakita ko sila Lolo at Lola sa long table na nakikipag kwentuhan. May nakita pa kong ilang bag na nakalagay sa sofa.

"Hello po!" Humalik ako sa pisngi ni Lola sunod kay Lolo.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Lolo.

Ngumiti ako at nagmano naman sa mga Tito at Tita ko. "May pinuntahan lang po ako."

Lumabas si Mommy galing kusina at may nilabas na kare kare. Nagulat siya sa pagbalik ko kaya agad akong humalik sa kanyang pisngi.

"Nandito ka na pala." Nilapag niya ang pagkain sa harap ng lamesa. "Si Jason?"

"Umalis na po"

Pinunasan niya ang kanyang kamay gamit ang Tissue. "Dapat pinapasok mo, sayang naman daming handa."

Umiling ako. "Nagmamadali rin naman po siya."

Umupo ako sa tabi ni Papa at kaharap sila Lolo at Lola.

"Victoria" Tawag sa akin ni Lolo.

"Po?"

"Can we talk?" Aniya.

Nagkatinginan si Papa at Tito Ivan nang tinawag ako ni Lolo. Si Tita Ivy naman ang asawa ni Tito Ivan ay tahimik na kumakain.

"Masayado pa siyang bata para dito, Pa." Ani Papa.

Umismid si Lolo sa kanya. "She's 17 years old, Victor. Sa tingin mo bata pa ba yon? Isang taon na lang ay magd-debut na ang apo ko."

"We all know that Pa! Pero sa tingin ko hindi siya nababagay dito." Ani Papa.

"I don't care, Victor. Gusto rin ng mga apo ko yon. I did not force them to this thing. Sumangayon din sila."

"Why can't you teach them about business? Mapapakinabangan pa yon?" Ani Lola.

Tumawa si Lolo. "I already teaching them about business, Lorina. May business na rin si Ian. Ginawan na rin siya ng sariling negosyo at a very young age."

Dumating ang dalawa kong pinsan at nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Bumuntong hininga si Tita Ivy. Ayaw niya rin kasing humawak ang mga anak niya ng Baril. Pumayag din naman kaming tatlo tungkol doon. Si Kiera lang ang umayaw at iba pang pinsan namin. Kaming tatlo lang ang sumangayon doon.

"Did Serena and Carter know about this?" Tanong ni Tita Ivy.

Tumungo si Lolo. "They already know, don't worry. Sila lang naman ang tuturuan ko."

"Hindi kaya malaman ni Tita Senica ito?" Tanong naman ni Tita Ivy. Ang Lola ni Hendrix.

"Ano naman kung malaman niya? She's just my sister in law. Wag niyang papakelaman kung ano gusto ng mga apo ko. They deserve to be independent!"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon