37th Scar

938 24 0
                                    

Iwasan

"Victoria! Iwasan mo na siya! Utang na loob! Ako na nagsasabi sayo!" Ani Ivana sa akin.

"Bakit Ivana? Ano dahilan mo para iwan siya?"

Hinarap niya ko. "Alam mo bang nalaman na ng mga Zhang ang tungkol sa inyo ni Azrael? Ano gusto mo? Mapahamak siya? Hah! Pati ikaw ay pagtatabuyan nila?" Sumama ang tingin niya sa akin, na halos gusto na kong sampalin. "Magising ka na sa katotohanan! Victoria."

"Ivana!" Saway ni Ian. "Shut your mouth! Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Victoria dahil hindi mo pa alam ang buong storya."

"Pati ba naman ikaw? Kuya." Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Kinakampihan mo pa siya? Hindi ba dapat ikaw din tutol doon? Alam mong mali! Kuya, alam mo!"

Nagkatinginan kami ni Ian ngunit umiling ako. Lumapit sa akin si Ysabelle.

"Binabalaan na kita! Victoria. Sa oras na malaman ng mga Ty ang relasyon niyong dalawa ay wag ka na mag expected na matutuwa sila sa iyo, lalo na ang pamilya ni Auntie Senica ay laking kahihiyan ito!"  Ani Ysabelle

Napataas ako ng kilay. "Ano? Kahihiyan ito?" Natawa ako. "Anong pake ko kung may magawa akong kahihiyan? Parang walang ginawa ang anak niya at lalo na kay Klare ah! Kaya mahiya din sila!"

Hindi sila kumibo. Tumahimik silang lahat sa harapan ko. Totoo naman hindi ba? Kung kahihiyan ang pumatol sa mahal mo ay hindi kahihiyan iyon. Ang nakakahiya ay kumabit ka sa may asawa na may asawa. Isa pa! Bago pa kami ni Azrael ay wala na kami ni Jason.

"Alam mong magkagalit sila ni Angkong! Alam mo yan!" Sigaw ni Ysabelle. Hinawakan siya nina Denver at Floyd. "Hiwalayan mo na yang boyfriend mo! Victoria. Laking kahihiyan ang ginagawa mo!"

"Bakit ko naman gagawin yon? Alam niyong si Azrael ang mahal ko! Alam niyo yon! At supportado kayo!" Halos isigaw ko sa mga pinsan ko ang nangyayari sa akin.

Nahuli nila kami ni Azrael sa condo. Nagalit sila dahil hindi si Jason ang kasama ko. Nalaman nilang lahat ang tungkol sa aming dalawa. Pinauna ko nang umalis si Azrael dahil ayokong may magsalita ng masama sa kanya. Ayokong saktan nila si Azrael.

"Ano ka ba? Nababaliw ka na ba? Alam mong galit sayo ang tatay mo! Dadagdagan mo pa!" Iritado ni Ysabelle. "Nadala ka na noong sinabi mong ititigil ang kasal! Wag mo nang ipaulit ang nangyari sa inyo ng tatay mo!"

"Wala akong pakialam! Ysabelle. Hindi niyo ko naiintindihan kung bakit gusto ko nang itigil ang kalokohan na to!"

Lahat ng mga pinsan ko ay masama ang tingin sa akin. Hindi din nila tanggap si Azrael. Isa na din dito ang hindi pagiging Chinese. Doon ako nagalit at nagkasagutan kaming dalawa ni Ysabelle. Wala akong kakampi dito at halos lahat sila ay hindi saang ayon. Si Ian lang ang bukod tanging kakampi ko at alam ang buong storya.

"Punyeta! Anong mapapala mo doon sa lalaking yon hah! Puro pasarap lang ang alam noon!"

Agad kong sinampal ng malakas si Ysabelle sa sinabi niya. Lumapit agad si Ian at binulungan ng "Uminahon ka, Victoria." Kumulo ang dugo ko paakyat sa ulo. Pilit ko man tanggalin ang braso ko kay Ian ngunit ang higpit ng pagkahawak niya. "Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Azrael!"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon