19th Scar

1K 24 0
                                    

This is love

Pagkatapos ko magbihis naabutan ko siyang nanonood ng tv habang nakasalong baba.

"I'm ready"

Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti ng tipid. "Beautiful" Tumayo na siya. He's wearing white polo t-shirts. Simple lang siya manamit pero disente kung titignan.

Ngumiti ako. Hinawakan niya lang ang kamay ko habang sa makalabas kami. Nakarating kami sa isang restaurant. Sa garden kami nakapwesto. May mga tao naman ngunit kokonti lang.

Maganda ang paligid. Maraming uri ng bulaklak at ilang pang mga kandila at ilaw na nakasabit. It looks so romantic. Sa isang private garden kami pinuwesto. Maraming lanterns na nakasabit sa puno. Punong puno ito ng mga bulaklak o ilang pang roses. Ang sahig ay gawa sa brick road na may ilaw pa sa gilid.

Inayos niya ang upuan ko bago ako umupo. Nakangiti akong nakaharap sa kanya. Ilang sandali ay may kinuha siya.

Nagulat ko ng binigyan niya ko ng Roses with sunflowers.

"For you"

"Talagang hindi mo nakakalimutan na bigyan ako nito." Inamoy ko ang bulaklak. "Naalala ko, binigyan mo rin ako nito noon."

Tumawa siya. "Of course! Ako pa kakalimutan ko. Alam ko naman yan ang paborito mong bulaklak. So..." Nagtaas baba ang balikat niya. "Alam mo na? Laging puro ang binibigay ko."

Kumunot ang noo ko. "Puro?"

"U-huh! Puro. Alam mo naman din si Ahma. Mahilig din sa mga bulaklak. Kaya bagong tubo at pitas yang roses and sunflowers. Ayaw niya kasi na bibili pa ko." Tumawa siya. "Nang nalaman niyang bibigyan kita, agad siyang kumuha ng mga roses para sayo."

"Talaga?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes! Gustong gusto ka ni Ahma. Kaya sigurado akong excited siyang makita ka."

Nagtawanan kami. Napakabait ng Ahma niya kung tutuusin. Para siyang si Angkong ngunit medyo mahigpit at strikto si Angkong. Ang lola naman ni Jason ay medyo mahinahon kung magsalita at malambing lalo na sa mga apo.

"So...talagang" Napangiti ako. "Nag effort ka pa talaga."

Tumawa siya. "Of course! Lahat ng ito ay para sayo."

May dumating na waiter kaya nag order na kami. Dumating ang ilang minuto ay kumain na kami dalawa. Marami kaming topic na napag-usapan. Lovelife, negosyo, about sa future, about sa aming dalawa. Hindi ko alam kung pagmamahal na ba ito o paghahanga pa din. I don't know. Pero ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya.

Pagkatapos naming kumain dalawa ay may tinawag siya. Nagulat ako na may dumating na isang banda. Apat silang may mga dala dalang sariling instruments. May dala mic pa ang isa nilang kasama.

"W-what is this?" Napatingin ako sa kanya ngunit ngumiti lang siya ng malapad. Tumayo siya at niyaya ako sumayaw.

"Can we?"

Nagkatinginan kami. Nagpintig ang puso ko nang tumugtog ang paborito kong kanya. Natutuwa at napapaiyak ako sa nangyayari. I'm so happy! First time lahat nangyari sa akin ito. Buong buhay ko ay hindi pa ko nakakaranas ng ganito.

Tinanggap ko ang kamay nila. Unang tumugtog ang violin.

"You're in my arms
And all the world is calm
The music playing on for only two"

Isinayaw niya ko sa gitna ng gazebo. Inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat at isang kamay niya at nasa bewang ko.

"So close together
And when I'm with you
So close to feeling alive"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon