52th Scar

1.1K 30 2
                                    

Hindi maganda ang kutog

Nakaidlip si Azrael ng isang oras sa tabi ko. Nakabukas ang isang pinto habang natutulog siya sa aking binti. Habang pinagmamasdan ko ang syudad ay hinahawi ko ang kanyang buhok.

Masakit man pero kailangan maging normal ang ayos ko mamaya. He take my virginity. Nakuha niya na ang sarili ko. Nagpalit na ko ng damit dahil may dugo pa kong nakita sa pantalon ko. Masaya ako at iyon ang totoo. Hinalikan ko siya sa labi kaya napaungol siya.

Napatigil na lamang ako ng tumawag si Ivana. Agad ko na lang ito sinagot.

"Ivana..."

"Bumalik na kayo dito...nandito na sila Angkong."

Napansin ko ang pagmulat ni Azrael. Dahan dahan siyang tumayo at inayos niya ang kanyang sarili.

"Sige! Two minutes nandiya na kami." Binaba ko na ang tawag. Suminghap ako. It's already time.

"Ready?" Nakangiti kong tanong.

Gulo pa ang buhok niyo kaya inayos ko. Humikab pa siya at mukhang antok pa. Para siyang bata, na bagong gising lang. tumungo siya at humikab.

Napatungo na lang ako at hinayaan siya mag ayos. Medyo masakit ang gitna ng hita ko pero kailangan kong kumilos.

"Okay ka na ba?" Tanong ko nang nasa passenger sit na ko.

"I'm good" Ngumiti siya ng tipid.

Nagdrive na siya patungo sa mansyon. Tahimik lang ako at sobrang kinakabahan. Makikilala niya na ang magulang ko. Hindi ko na lang alam kung ano magiging reaksyon nila. Nakaparada na ang Mercedes benz nila Angkong sa gitna ng mansyon.

Sabay kaming tumayo sa harapan ng malaking pinto.

Nagkatinginan kami.

"Nandito na sila Angkong." Napalunok ako. "Kinakabahan ako."

Ngumiti siya ng tipid na para bang wala lang. "Don't be..." Aniya sabay halik sa noo ko.

Pumasok na kami. Kung kanina ay kinakabahan, ngayon ay doble na. Napatigil silang lahat sa pagdating namin. Lahat sila ay nasa amin ang atensyon.

Napansin ko ang pag ngiti ng mga pinsan ko. Si Ian ay kinakausap si Angkong. Sina Hendrix ay nasa kabilang table habang nakatingin din sa amin. Ang mga pinsan ni Azrael ay ganon din. Si Erin ay mukha din kinakabahan pero nakangiti siyang tipid.

Nagtatawanan ang mga tita at Tito ko sa pagdating nila. Nanlamig ako. First time kong ipapakilala si Azrael sa buong angkan ng mga Ty. Of course! Alam nila ang dahilan ko kung bakit ako na disgrasya. Alam nilang lahat na si Azrael ang dahilan ko noon.

Iyon din ang simula kung bakit ayaw na ayaw nila sa kanya. Pero...ano pa ba magagawa nila? Siya na ang mahal ko.

Hinawakan ko ang palad niya na normal na normal lang. Nilingon ko siya. Normal na normal lang siya at walang wala.

"Angkong" Malamig kong tawag.

Lahat sila napalingon sa amin pati ang mga magulang ko.

"Victoria, bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Mama at nalipat ang tingin niya kay Azrael.

Ngumiti ako. "Namasyal lang naman." Nilingon ko si Azrael at lumapit kami. "Ma, pa. This is Azrael Montefalco the third. My boyfriend."

Napatahimik ang lahat. Ang mga pinsan ko ay napapangiti pero hinihintay ang reaksyon ng mga matatanda. Seryoso si Papa na nakatingin sa akin pero hindi ko pinansin yon.

Please! Accept him!

"It's good to see you again, Azrael Montefalco." Napalingon kami kay Angkong. Nakangiti siya ng malabad ng harapin niya si Azrael. "I heard you're taking a law in Xavier."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon