43th Scar

880 30 0
                                    

Meron na siyang iba

"Bumalik ako dito para makita kayo..." Binuga ko ang usok ng sigarilyo. "Hindi ka pa ba masaya na bumalik ako?"

"Alam mong hindi ka pinapabalik dito ng magulang mo?" Umiling si Ivana. "Okay! I missed you too pero alam mo ang patakaran ng magulang mo."

"Don't care! Nakapagusap na din kami ni Jason. Gosh!" Napailing ako sa hangin. "Past is past. Hindi makamove on? Alam ko nang safe ako."

Umiling siya at pinagpatong ang dalawang siko sa railings. Nasa balcony kami ng condo ko nakatambay dalawa. Pagkaapak ko pa lang dito sa Cagayan ay alam ko ng problema ang bukang bibig ng pamilya ko.

"Edi kung hindi kayo masaya makita ako....babalik na ko at hindi na lang magpapakita." Nakunsume ako. Yes! Biglaan ang pagbalik ko dito sa pilipinas. Ayaw kasi ako pabalikin ng magulang ko dito dahil sa mga pangyayari. Hindi ako masaya sa states. Nandito ang buhay ko at wala doon. Dalawang taon ako nagtiis. Wala akong ginawa kundi magparty at magaral doon. Pero iba talaga ang saya ko dito.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "I didn't say anything...Look...you know the reason why you here right?"

Di ako kumibo.

"There's two things why are you here?"

"One...yes! Nandito ka para makita kami. Pangalawa para makita-"

"Ivana, hindi ka ba masaya makita akong bumalik ng buhay?" Tinitigan ko siya ng maigi. "Bumalik ako dito para sa iyo...sa inyo. Hindi para sa kanya. Okay! Hindi ko akalain na ganito ang unang bubungad sa akin..." Napailing ako. "Ivana, ayoko na doon. Sila Papa lang naman nagkumbinsi na sa states muna ako. Hindi ka ba masaya na nandito ako?"

Napalunok siya. "I'm happy you're here...I'm just worried about your-"

"About what? Past is past, Ivana. Forget about it...kung mamamatay man ako ay wala na akong pakialam." Umithit ako ng yosi. "I'm tired...ayoko na ng drama. Tama na!"

Tumungo siya at uminom ng alak. "Okay! I'm sorry. Na trauma din ako sa mga nangyayari. Gusto ko lang din na safe ka."

"I understand."

Binuga ko ang usok sa ere at napapikit. Napadilat ako nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"What?"

"Really? You smoke?" Napailing siyang itinapon ang stick.

Nalaglag ang panga ko at nalipat ang tingin ko kung saan niya tinapon. "What the hell?" Napataas ako ng kilay. "Really? Ivana. Really?."

"You really want to die? Pasalamat ka nga binigyan ka pa ng pangalawang pagkakataon." Napailing siya. "Alagaan mo naman."

Natawa ako at kumuha ng panibagong stick. "Bakit pa? Ano ba naging silbi ko dito sa mundo?" Sinindihan ko ito. "Kung lagi din naman ako pinapatay." Umithit ako. "At tsaka...pampawala lang ng stress."

Kahit hindi ako nakatingin ay kita sa gilid ng aking mga mata ang pag iling niya. "If Angkong knew about this...He's seriously gonna kill you."

Tumaas ang gilid ng aking labi. "Hindi naman ako laging gumagamit. Gusto ko lang mag relax."

"Dapat lang pala nandito ka na sa pinas. Tumama din pala ang disesyon mo. Baka mamaya malaman ko na lang...gumagamit ka na ng marijuana."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon