10th Scar

1.3K 30 0
                                    

Be careful

Dalawang araw na ang lumipas simula nung nag Prom kami. Balita ko rin ay nakipagbreak na si Hendrix kay Stella. Well! that's good, kahit ano man ang gawin nila ay hindi parin sila tatanggapin ng Ahma niya. Pagkatapos ng klase namin naglakad ako patungo sa room nila Jason. Maraming pang estudyante ang nasa loob.

May lumabas na isang estudyante na babae na kilala ko rin. Napalingon siya sa akin ng bigla ko siyang tinawag.

"Si Jason nanjan ba?"

"Ahh!" Pumasok siya sa loob at nagtanong. "Wala siya, hindi siya pumasok"

Agad akong nagtaka. "Nasaan daw siya?"

Nagtaas baba lang ang balikat niya. "Hindi namin alam, kahapon pa siya absent"

Tumungo ako. "Ahh! Sige salamat na lang." Naglakad na ko palayo sa room nila.

Agad ako nagtext kay Jason.

Me:

Where are you? Bat hindi ka pumasok ngayon? May sakit ka ba?

Sinend ko yon. Napapaisip pa ko kung nasaan siya. Hindi kaya nandun sa bahay nila o umuwi na ng Maynila.

Nasalubong ko si Liezel at Jasmine. Agad silang lumapit sa akin at niyakap.

"Ayiee! Ang saya!" Natutuwang sabi ni Jasmine.

Agad ako napansin ni Liezel kaya kumunot ang noo niya. "Okay ka lang?"

Bumuntong hininga ako at lumingon ulit sa classroom ni Jason. "Oo okay lang"

"Seryoso ka?" Hinipo ni Liezel ang noo ko. "Bat mukhang matamlay ka?"

"Hindi okay lang talaga" Ngumiti ako. "Cafe tayo"

Tumungo ang dalawa at agad kaming pumunta sa cafe. Si Jasmine ang umorder sa amin. Umupo ako sa harap ni Liezel. Kanina pa niya ko napapansin pero tahimik lang ako. Nasa labas ang atensyon ko habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.

"Okay ka lang ba talaga?"

Napasa kanya ang atensyon ko.

"Dalawang araw ng hindi pumapasok si Jason hanggang ngayon ay wala parin. Apat na araw na kami hindi nagkikita."

"Baka naman may masakit"

Umayos ako ng upo. "Baka nga, apat na araw niya na ko hindi tinetext"

"Bakit hindi mo puntuhan sa bahay niya"

"Titignan ko"

Dumating si Jamine at tumabi sa akin. Kinuha ko ang salted caramel ko at ininom. Inilagay niya ang dalawang fries sa lamesa.

"May nagawa na kayong PT sa filipino?" Tanong ni Jasmine.

Tumungo ako. "Napasa ko na nga kanina"

"Ako bukas pa" Ani Liezel.

Nagsalong baba ako. "Hindi kaya yung nakipagbugbugan siya doon siya nagkasakit?" Napaparanoid talaga ako.

Palipat lipat ang tingin sa amin ni Jasmine. "Bakit?"

"Si Jason daw dalawang araw hindi pa pumapasok tas apat na araw na daw hindi nagt-text sa kanya" Ani Liezel.

"Baka naman may sakit nga" Ani Jasmine.

"Hindi ko alam pero yung huling text niya sa akin ay yung sinabi niya sa akin na nakauwi na siya."

Kumain ng fries si Jasmine. "Umalis daw siya nung gabing yon"

Napatingin kami ni Liezel sa kanya. "Oo nga, hindi ba? Kasama pa tayo nun"

Umiling si Jasmine. "Hindi diba? Pumunta pa si Jason sa bahay niyo tory?"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon