51th Scar

1K 25 0
                                    

Ibinigay ko na

Warning: Spg

Pagkalipas ng isang oras ay bumalik muna ako sa cottage. Hinawi ko ang basang basa kong buhok. Iniwan ko muna siya magisang nags-swimming.

Kinuha ko ang towel na nakasabit sa upuan para punasan ang sarili ko. Kumuha ako ng makakain habang pinagmamasdan siyang naliligo doon.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko akalain na magkakatuluyan pa kami. Taon na din ang lumipas. Akala ko ay sumuko na siya sa akin pero hindi pala.

Ngayon ko na realize. Kahit taon pa ang bilangin lalo na ay tinakda na ang taong para sayo ay kayo't kayo pa din ang magkakatuluyan.

This is what I prayed for. Ang taong lagi kong inaaway noon. Hindi ko akalain na magiging akin pala ito. Kung marunong kang maghintay. Dadating talaga ang pinagdadasal mo. Mas maganda pa kesa sa mga hindi mo inaakala.

Nawala ang aking atensyon nang may tumunog sa cellphone niya. Agad kong kinalkal ang phone niya kung sino ang nagtext. Maraming text messages at call. Karamihan ay pinsan at kapatid niya.

Kuya Knoxx:

Where are you?

Kuya Knoxx:

We need to talk! Now!

Kuya Knoxx:

Very important! Azrael. Answer my calls! Alam kong bukas at nababasa mo. Answer it!

Ilang sandali ay si Josiah naman ang nagtext.

Josiah:

Dude! Nasaan ka? Tumawag sa akin si Cherry. Kanina pa daw nagwawala ang pinsan niya.

Josiah:

Dude! Where the hell are you?

Josiah:

Answer the call! Azrael. Humanda ka sa akin pagkauwi mo!

Agad ko na lang itong pinatay at ibinalik sa bag. Dinapuan bigla ako ng kaba. Bago kami umalis ay hindi siya nagpaalam? Hindi magt-text si Knoxx ng ganon sa kapatid niya kung hindi siya nagpaalam.

At mas lalo ako kinabahan ng malaman kong nagwawala na si Nikki. Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa kanya. Gusto ko magpaliwanag at malaman niya ang side ko. And yes! Naiintindihan ko kung bakit nagustuhan niya si Azrael. I understand.

Balak ko sanang burahin ang text ni Josiah. But I don't want to be selfish. Kahit ako ay ayokong matapos ang moment na ito. Pero kailangan niyang basahin yon dahil pamilya niya ang naghahanap sa kanya.

Bigla na lang ako napatalon nang dumating siya. Ibinigay ko sa kanya ang towel at pinagpatuloy ang pagkain ko ng banana chips.

"Azrael" Maalumanay kong tawag. Gusto ko na lang ng straight to the point.

Nag angat siya ng tingin sa akin. His eyes is full of confusion. Bumuntong hininga muna ako bago nagtanong.

"Alam ba ng pamilya mo na umalis tayo?"

Kumunot ang noo niya. "Yes! Why?"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon