Pinsang buo ni mang Anton si atty. Rafael molina na isang public lawyer.
Ipinakuwento ni atty.Molina ang lahat sa kanila. Pagkatapos ay tumayo ito.
"Tara sa inyo, kakausapin ko ang tatay mo!"
Sabi nito sa pamangkin habang kinukuha ang susi ng sasakyan niya."Ney aalis ako sandali, may aayusin lang!"
Paalam nito sa asawa na nasa loob na ng kuwarto.Pagdating sa kanila nagulat ang mga magulang at kapatid ni Tess nang makitang kasama niya ang abogado.
"Iwanan niyo muna kami!" Utos ni mang Anton sa mga anak at asawa. May palagay siyang maselan ang pag uusapan nila.
May isang oras na silang nag uusap nang may marinig silang mga ugong ng sasakyan at sunod sunod na tumigil sa tapat ng bahay nila.
Nagkatinginan ang magpinsan."Ito na!" Sabi ni atty.
Molina nang marinig nila ang 'tao po'.Pinagbuksan ni aling Pilar ang mga dumating na mukhang may mga 'sinasabing' tao.
"T-tuloy po kayo, a-ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"
Natatarantang tanong ni aling Pilar."Tuloy po kayo sa aming aba'ng tahanan!"
Nasa likod na ni aling Pilar sina atty.Molina at mang Anton."Magandang gabi po, pasensiya na sa abala. Naparito kami para makipag areglo!"
Bungad nang city mayor na namukhaan ni aling Pilar dahil sa mga pictures noong election."Tuloy po kayo at pag-usapan natin kung ano man po iyan!"
Sabi ni atty.Molina at sunod sunod nang nagsipasok at naghanap ng mauupuan ang mga bisita.Huling pumasok ang isang makisig pero anyong kinakabahan na binata at mga uniformed na mga lalaking may mga dalang stainless na platters.
"Pakidiretso na sa kitchen nila ang mga iyan please?"
Utos ng binata sa mga ito.Tumayo ang binata sa likod ng mga magulang niya dahil wala nang maupuan.
"Siguro more or less, ay alam niyo na ang ginawa ng aming binata sa inyong dalaga kaya hindi na kami magpapaligoy ligoy pa sa aming pakay!"sabi uli ng mayor.
"Sige po, ilatag po ninyo ang inyong mga proposition!" Sagot ni atty.Molina.
Isa isang ipinakilala ng mayor ang mga kasama, huling ipinakilala ang mag anak na Revera na nanatiling tahimik at ipinaubaya na sa mayor ang usapin palibhasa'y mahusay na abogado ito bago naging mayor.
"Tatlong bagay lamang..."
Umpisa ng mayor.Number one, magbabayad sila ng danyos perhuwesyos, magsabi lang sila kung magkano para makapg-tawaran sila sakali mang gold digger ang pamilya ni Tess.
Pangalawa,magha-harap sila sa korte, mag ubusan ng yaman at magsiraan ng puri.
Pangatlo, ipapakasal si Tess kay Gil, tatanggap ng isang milyong dowry ang dalaga at regalong bahay at lupa. Hindi umano problema ang edad ni Tess dahil gagawan ito ng paraan ni meyor.
Nagkatinginan ang magpinsang atty.Molina at mang Anton.
Para bang sinasabi ng tingin ni atty.Molina na 'see what i mean?'
Na tinanguan ni mang Anton, 'got it'."Maari bang iwanan ko muna kayo saglit? Kakausapin lang namin ng asawa ko ang aming anak. Sa kanya ko ipauubaya ang pagpa-pasiya, yaman din lang at buhay niya ang pinag uusapan dito!"
Pumanhik ang mag asawa sa kuwarto ni Tess. At sinabi ang mga proposition ng side ni Gil.
"Pag tinanggap natin ang bayad sa danyos, para na rin nating ibinenta ang prinsipyo at dangal natin. Alam mo namang iyan na lang ang meron tayo anak.
Pag ilalaban naman natin ito sa korte, hindi pa rin tayo sigurado na mananalo tayo. Mayaman ang kalaban at handang ubusin ang pera mapawalang sala lang ang anak nila lalo na't wala namang nangyari sa inyo at sa party sa bahay nila nangyari ang ganoon at kusa kang dumating doon!""Pero itay, minor po ako at pinagtangkaan niya ako, maraming nakasaksi!"
Apila ni Tess."Kahit na anak. Ang tito Raffy mo na rin ang may sabi na mahina ang depensa natin. At yung mga saksing sinasabi mo, sigurado ka bang sayo sila papanig lalo na't pag pera na ang pinairal ng mga Revera?"
Napayuko si Tess, parang alam na niya ang pasiya ng ama at ayaw niya nito.
Hinawakan ni mang Anton ang kamay ng anak at tinitigan ito sa mukha na parang nagmamakaawa.
"Anak, pag ang isang buto ay tinangay na ng aso, siguradong naroon na ang laway nito. Habang buhay mo nang dadalhin ang paglait sa iyo nang mga taong nakakaalam lalo na kung babaliktarin ng pera ang tutuong kuwento at pangyayari!"
Hindi kumibo si Tess alam niyang may punto ang ama.
"Kung magpapakasal ka sa kanya, malilinis ang pangalan ninyong pareho at makaka-tiyak pa kami nang magandang kinabukasan para sa iyo!"
Patuloy ng ama."Oo nga naman anak, matututunan mo rin siyang mahalin!
guwapo naman siya at mukhang mabait, matalino pa!"
Susog ni aling Pilar."Mayabang po siya at makulit!"
Inis na sagot ni Tess na ikinatawa ng mag asawa." Kilalang mababang loob ang pamilya Revera kahit ubod sila ng yaman. Marami na silang natutulungan at maraming nag uudyok na tumakbong mayor si Alfredo Revera. Ganyan siya kamahal ng mga tao!"
Oo nga naman. Kahit sa school maraming nagmamahal kay Gil, kulang na nga lang ay sambahin siya ng mga guro at kapwa estudyante.
"Sige po, pumapayag na po akong magpakasal pero kailangang mag usap muna kami ni Gil bago niyo ibigay sa kanila ang sagot ko."
Naunang bumaba sa sala ang mag asawang Trajano dahil nag ayos muna nang konti si Tess bago siya sumunod.
Pagbungad niya sa sala, namilog ang mga mata ni Gil. Pati ang mayor, baranggay captain,chief of police at ang mga waiter ay napatunganga sa dalaga.
"Oh my my my, hindi naman pala masisisi ang inaanak ko. Nagmana pala sa mga ninong pagdating sa pagpili ng mapa-pangasawa!"
Sabay na namula ang mga pisngi nina Tess at Gil sa sinabi ng city mayor.
Binigyan sila ng pagkakataon na makapag usap ng sarilinan sa loob ng kubo sa likod ng bahay.
"Papayag akong magpakasal sa iyo para mabura na ang eskandalong ginawa mo pero sa isang kondisyon!"
Bungad ni Tess na kinangiti ng todo ni Gil."Any thing Tess, anything, say it!"
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...