Chapter 75: Problem solved

294 11 0
                                    

Sinamahan nina Jerome at Alice na makipag usap kay Miss Medina si Tess
Sa opisina ng music director at coordinator.

Bukas nang bahagya ang pinto kaya dinig na dinig ang usapan ng mga nasa loob.

"I have never heard a voice as melancholic as hers, i almost sob while listening from here!"
Anang boses na nagmumula sa isang middle aged na lalaki.

Hindi agad pumasok ang tatlo, gusto nilang marinig pa ang ibang comment.

"Not just the voice Mr Cruz. Even the way she interpreted the song with her facial expression, its so magical. You could have been there..."
Boses naman ni Miss Medina.

Namumula ang pisngi na napatingala si Tess kay Jerome na ngumiti agad sa kanya at saka hinaplos ang ibabaw ng kanyang ulo.

Kinikilig naman na pinisil ni Alice ang braso niya sa sobrang proud.

"Honestly speaking, i couldnt hold my tears while watching her.
She can be a pride of this school!"
Boses naman ng medyo bata pa na binabae.

"I cant wait to see her!"

Hindi na nakatiis si Tess...

TOK TOK TOK

"Come in, come in! You must be Miss Trajano from interior design. Where have you been for the past four years?"

Pormal na tanong ng mukhang gay na music coordinator habang nakangiti lang ng bahagya sina Miss Medina at ang medyo bald nang lalaki.

"S-sir?!"
Kinakabahang tanong ni Tess dito. Nasa likuran niya sina Jerome at Alice.

"Miss Trajano, you have surpassed my expectation! You're an amazing singer, i thought youre just the typical 'biritera' like those who are rising now a days, but i was wrong. You could have been strucked the other schools and universities in the country if you were the contender of this school before! Do you want to be a part of our school band and become a scholar? Mr Cruz here is willing to give you a slot!"

Parang nabingi si Tess at nag slo mo ang lahat ng galaw at boses sa loob ng room na yun.

Kagabi lang nahirapan siyang mag isip kung kanino magpapatulong para makalapit sa taong kaharap niya ngayon.

Umaayon na sa kanya ang lahat.
"It- its always been my dream to be a school band vocalist. O-of course Miss, Sir, it would means a lot to me and for my studies, thank you!"

Nakangiti ngunit lumuluhang sagot niya.

"We should both give thanks Mr Santillan for informing us about you, Miss Trajano!"

Baling ni Miss Medina kay Jerome na nooy pilyong nakataas ang kilay.

Nang mag uwian na, pumayag si Tess na magpahatid kay Jerome sa bahay nila bilang pasasalamat dahil isa na sulosyunan nito nang hindi sinasadya ang isa sa mga problema niya at para na rin makilala ng mga kapatid ang taong itinuring niyang tagapag ligtas.

"Ate Melba, ate Chit, si Jerome po, school mate ko. Jerome, sila naman ang mga ate at guardian ko!"

Magalang na yumukod ang binata.
"Good afternoon po! Inihatid ko lang po si Tess."

Hindi agad nakasagot ang mag kapatid, na star strucked sila sa gandang lalaki ng binata.

"Well, wala akong masabi kundi...Good afternoon too!"
Sagot ni Chit.

Hinila ni Melba sa kamay si Tess papuntang kusina.
"May relasyon ma ba kayo ng lalaking yan? Alalahanin mo sanang kasado ka Maritess at mayaman ang asawa mo, kayang kaya kang gawan ng kaso at ipakulong!"

Umismid si Tess sabay tawa nang walang saya.

"Ate, unang una, wala kaming relasyon dahil kahit paano, alam ko ang estado ko at pangalawa hindi ako natatakot sa maaring gawin ni Gil. In fact, gusto ko ngang may gawin siya para maramdaman at malaman ko na nag e-exist pa pala siya!"

Hindi nakakibo si Melba. Tumanaw siya sa kinaroroonan ni Jerome, at aminin man niya o hindi ay napahanga siya nito at hindi niya masisisi ang kapatid kung mababaling dito ang lahat ng pagmamahal at pagtingin sa asawa.

"Dinala ko siya dito para makilala niyo at para bigyan ng mukha ang taong ikinuwento ko sa inyo.
Ayan na siya, ang taong nakatulong na naman sa akin na lutasin ang isa sa mga problema ko!"

At ikinuwento ni Tess ang mga nangyari kanina sa eskuwelahan.

Naging magaan ang loob nina Chit at Melba kay Jerome.

"Since alam mo na ang status ng kapatid namin, umaasa kami na lilimitahan mo ang pakikipag ugnayan sa kanya at hindi ito pweding lumagpas sa pagiging isang kaibigan lang."

Feeling manang na pangaral ni Melba sa binata.

"Alam ko po yun ate at nirerespeto ko po ang katayuan ni Tess. Hindi ko po siya itutulak o hihilahin sa pagka pariwara! Ako po mismo ang magpo protekta sa kanya at sa sarili namin."

Napangiti si Melba sa sarili. "Marunong rin pala ng talinghaga ang taong ito. Hmmm, i like him! "

Maging si Chit ay nag eenjoy sa pakikipag usap dito!
"Buti naman kung ganun. Pero kung sakaling dumating ang panahon na lumaya na si Tess o kung palalayain siya eh okey ka sa amin, haha!"

"M-maraming salamat po, haha! Kung ganun pala eh si Tess na lang ang paghihirapan ko pag nagkataon, dahil napasagot ko na ang mga kapatid niya!"

Namumula man ay nakipag biruan na rin si Tess.
"May mas mahirap ka pang pasasagutin, mangangailangan ka ng isang mayor, chief of pulis, abogado,
baranggay captain at school principal para mo siya mapapayag na pamanhikanan ako!"

Nagkatawanan sila nang marealized na ang pamanhikan nina Gil ang tinutukoy ni Chit.

Mula noon, naging kaibigan na rin nila si Jerome at malaya na itong nakaka dalaw sa kanila. Kung minsan nagpa pang abot pa sila ni Mike.

Nung Linggo ring iyon ay isinauli ni Melba sa ina ni Gil ang Atm card.

"No need to return iha, para na yan sa inyo!"
Sabi ni Mrs Revera.

"Hindi na po kailangan tita. Kasi nakuhang vocalist ng school band si Tess at libre na ang tuition fee niya. Projects at transportation allowance na lang ang po-problemahin namin. Though salamat pa din po nang marami!"

Walang nagawa si Mrs Revera kundi bawiin ang card. Dumukot ng tissue sa box at pinahid ang mga luha.

"I cant help but blame my self for all the damage. Shame on me!"

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon