Another school year came. Madalang nang makita ni Tess si Jerome at lagi na itong nagmamadali kapag uwian.
Although paminsan minsan ay nagkaka-tanawan pa rin sila at naroon pa rin yung mga tinginan na punong puno ng ibig sabihin na sa mata lang ipinapadaan.
"Siguro nakapag move on na at may idini-date na! Buti naman kung ganoon..."
Pero may bahagi sa puso niya ang nasasaktan.Higit na ang nadaramang bigat ngayon ni Tess, dahil dalawang lalaki na ang pinangu-ngulilahan niya.
Dahil hanggang nang mga sandaling yun ay hindi pa rin nagpa-paramdam sa kanya ang asawa.
"Ayaw na nga kaya niya sa akin? Pero dapat sabihin niya para hindi na ako umaasa nang ganito!"
Si Gil ang tinutukoy niya.Napasigok siya sa naisip. Umiiyak ang puso niya pero wala siyang magawa dahil ayaw na niyang magmakaawa at magmukhang tanga para maghanap ng kasagutan sa mga tanong ng isip at puso niya sa mansion ng mga Revera.
"Kung gusto nilang balitaan ako, anong ginagawa ni kuya Mike. Imposibleng wala siyang alam!"
Lagi nilang naka-kasama si Mike sa lahat ng okasyon,
holidays at halos every week end ay nagbababad ito sa Pagasa mula tanghali hanggang gabi."Ano ba yan? Araw araw na nga kayong magkasama sa trabaho, pati ba naman week end aagawan mo pa kami sa kapatid ko Mike? Bakit kasi ayaw niyo pang magpakasal para 24hours na talaga kayong magkadikit?"
Tumatawa lang si Mike kapag binibiro siya ng ganun ni Melba."Huwag kang mag alala mare, darating din kami diyan ni Chit!"
"Siguruhin mo lang pare, dahil kapag hindi mo pinakasalan ang tita ni Maricon,
lagot ka sa inaanak mo! Di ba anak?"Humagikgik ang walong buwan at super cute na sanggol nina Melba at Rudy.
Marunong na itong makipag inter act lalo na kay Mike na sobrang attached sa bata.
"Kung iiwanan niya din ako, gawin niya na ngayon pa lang habang hindi pa kami kasal para may chance pa akong humanap at mag-mahal ng iba!"
Parang may dumaklot sa puso ni Tess, bigla siyang napalingon sa ate Chit niya kung nakatingin ba ito sa kanya.
Pero kay Mike ito nakatingin na parang hinahamon ang binata sa sinabi.
"Dont you dare say that again or i'll strangle your neck with my tongue!"
Birong sagot ni Mike."Yuckkks! Ang baboy mo love, kadire ka!"
"Pinariringgan ba ako nito? Pero imposible,
guni guni ko lang siguro. Nagkakausap pa kaya sila ni...ng a-asawa ko?"Mabigat ang mga paang umakyat siya sa kuwarto. Nagka-tinginan naman ang tatlo.
"Any news?"
Pabulong na tanong ni Chit sa nobyo."He's fine. Masaya siya na nagko concentrate ang kapatid mo sa pag aaral niya. Wala pa rin ba siyang idea about the support?"
"Shhh! Huwag masyadong malakas Mike at may pagka tengang daga yan! Sinisiguro kong sapat lang ang ibinibigay kong allowance para hindi siya magtaka. Pati pangarap niya na magkaroon ng celphone ay natutukso na akong ibigay pero nagko-control ako para paniwalain siyang talagang nakukuba na kami sa kaka budget para sa pag aaral niya!"
Pabulong din na sabi ni Melba.Wala silang kamalay malay na nasa itaas lang ng hagdan si Tess at magbabakasakaling may marinig na sekreto tungkol sa asawa, pero hindi niya maintindihan ang mga bulungan sa baba.
Kaya minabuti na lang niyang tumuloy sa kuwarto at mahiga.
"Makatulog na nga lang!"Pero hindi rin siya makatulog. Hindi maalis sa isip niya ang reaction ni Jerome kahapon nang mag uuwian na.
Nanibago siya sa kilos ng binata. Nagma-madali itong sumakay sa motor at pina-harurot agad.
"Siguro nga ay natauhan na rin sa wakas. Bakit nga naman siya magba-bakasakaling maghintay sa isang babaing patuloy na nagmamahal at umaasa sa asawang alibugha? Unfair di ba?"
Nanghihinayang siya pero may malaking bahagi sa puso niya ang guminhawa at parang nabunutan ng malaking tinik.
At least ngayon makakapag concentrate na siya sa paghihintay kay Gil.
Kalagitnaan ng school year nang mag propose ng marriage si Mike kay Chit sa araw mismo ng birthday nito sept.22,2001.
Cute din ang paraan ni Mike sa pagpo propose. Nagdate muna sila ng birthday girl dahil ayaw ni Chit ng party, hassle lang daw.
So bumili na lang ng isang bilaong pansit malabon at isang malaking box ng pizza hut si Mike para pagsaluhan uli nila sa pag asa kasama sina Melba, Tess at Rudy.
Nagmamadaling binuksan ni Chit ang box ng pizza.
"Hey, slow down! Pasalubong natin yan sa kanila di ba?"Hindi pinansin ni Chit si Mike.
"Isa lang paborito ko ang hawaiian flavor eh!"Inagaw ni Mike sa kamay niya ang hawak na isang slice.
"Fine, huwag yan. Itong malaking slice ang kainin mo!""Ayoko niyan,
masyadong malaki at maumbok. Busog na ako, hindi ko na yan kayang ubusin!"Lumuhod si Mike sa harap niya at parang batang nagmakaawa.
"Please, dont refuse my offer. Pag di mo naubos, kakainin ko ang tira mo. PHULEEES?"
Nagtaka man ay pinagbigyan ni tess ang nobyo."Akina nga, baleeew!"
Agad na kinagat ang maumbok na parte dahil maraming pine apple at cheese.TAK!
"Shit, ano to?"
Gulat na tanong ni Chit nang maramdaman ang metal sa bunganga niya.Biglang pinatugtog ni Rudy ang sterio na kasabuwat pala ni Mike.
At parang tangang nagsayaw ang dalawang lalaki sa harap ng lumuluhang si Chit.
Pati sina Tess at Melba ay teary eyed na rin sa panonood.
"Mabuti pa si ate Chit ang ganda ng umpisa ng lovelife niya. Ang lahat ay nasa tamang process. Puro pakilig mula umpisa hanggang dulo. Di tulad ko na umpisa pa lang puro na desaster. Maranasan ko pa kayang kiligin ng ganyan?"
Napapahiyang umiling si Tess sa naisip.
"Are you nuts? Hoy Maritess, tapos na ang moment na yun. Dumaan na sa buhay mo, pasensiya ka na lang kung hindi ka kinilig. Better luck next life, okey?""Yesss of course yes love!" Umiiyak na yumakap si Chit kay Mike na namumula din ang mga mata dala nang matinding emotion.
Isa isa silang lumapit sa magnobyo at kinamayan ang mga ito.
"Congratulations!"
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...