Hindi na nakita sa reception si Gil, kahit sina Mike at Edward ay walang masabi kung nasaan siya dahil wala din daw sa kanila, pati beeper at celphone ay naka off.
Hindi malaman ni Tess ang iisipin. Nakokonsensiya siya pero, hindi naman siya ang naghamon.
"Lord, sana okey lang siya kung nasaan man siya ngayon! Huwag Niyo po siyang pababayaan. Hindi ko po kakayanin kung may masama na namang mangyari sa kanya. Please po, Ameen!"
Kinagabihan, hindi makatulog si Tess, pinag iisipan niya kung tama ba ang mga sinabi niya sa asawa. Kung tama ba na hayaan itong tuluyan nang lumayo, yun nga ba talaga ang gusto niya?
Pero may bahagi sa puso niya ang bumubulong na tama lang na tapusin na nila ang relasyon nilang laging nauudlot.
Siguro nga, kaya itinadhana na dumating sa buhay niya si Jerome, para marealize nilang pareho na hindi talaga sila para sa isat isa.
"Sana makatagpo na rin siya ng babaeng makakapagbigay ng lahat ng mga bagay na hindi ko naibigay. Yung kapareho nila ng katayuan,at sana kapag natagpuan na niya ang babaing yun,sana maging masaya sila at hindi niya sasaktan si Gil, sana..."
Nakatulugan na ni Tess ang pag iisip tungkol kay Gil, hanggang sa makita niya ito sa isang lugar na matarik at naka- sandal sa isang maliit na puno.
"Gil, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa nila hinahanap!"
Nilingon lang siya ni Gil pero hindi nagsalita.
"G-galit ka ba dahil sa mga s-sinabi ko? "
Umiling lang si Gil at saka muling tumanaw sa bangin. Napaka lungkot ng mukha niya.
Lumapit siya dito para aluin, palubagin ang loob. Nang malapit na siya, biglang iniabot ni Gil sa kanya ang isang puting rosas sabay tingala.
"Gil, i-im sorry. Mahal pa rin kit..."
AKK !AKK !AKK!
Hindi na naituloy ni Tess ang sinasabi dahil dinagit na si gil ng isang malaking ibon."GILLL! GILLL! Gil, Gil, mahhha..."
"Waah, waah!"
Nagising si Tess sa palahaw ni Maricon.Naalala niya agad ang panaginip at bigla siyang natakot na baka may masamang nangyari dito.
"Lord, huwag po, parang awa Mo na, huwag po! Bukas na bukas din, tatawag ako sa kanila. Sasabihin kong m-mahal ko pa rin siya at ayokong maghiwalay kami. Ako na ang magpapakumbaba,
magmamakaawa ako sa kanya!"Matagal bago siya nakabalik sa pagtulog. Bumuo siya at nag ensayo sa isip ng mga sasabihin bukas ng umaga sa asawa.
Dahil sa puyat, medyo tinanghali siya ng gising. Agad na hinarap ang telepono.
"G-good morning, i mean, good afternoon pala! S-si Gil?"
"Ay nakaalis na po sila kaninang umaga pabalik ng Paris!"
Nanlambot si Tess sa panghihinayang. Bakit kasi ngayon lang siya nagising?
"S-sino ang kasama niya?"
Wala sa loob na tanong niya para lang ipaalam na nasa linya pa siya kahit na alam na niyang ang ina ang kasama ni Gil."Si maam Princess po!"
Nabitiwan niya ang telepono, pakiramdam niya ay nawalan siya ng mga buto sa kamay at paa.
"P-prences...se prences ang... ka-sama?"
Para siyang nauupos na napaupo ng pa squat sa sahig. Gusto niyang umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha sa sobrang sakit ng dibdib.
"Tess anak, anong nangyari, bakit ka nakaganyan?"
Nag aalalang tanong ni aling Pilar na kalalabas lang mula sa banyo."S-si Gil inay, iniwan na naman a-ako!"
"O,e ano pa bang bago doon anak? Di ka pa ba nasanay? Hayaan mo't babalik din yun, tulad ng palaging nangyayari!"
Saka pa lang umiyak si Tess.
"I-iba na p-po ngayon i-nay...mag-pa-file na sya ng an-null-ment at ka-sa-ma niya s-si Prin-cess p-papun-ta sa Pa-ris!"Putol putol na sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.
Awang awang niyakap ni aling Pilar ang anak.
"Ano ba kasing nangyayari sa inyo? Bakit ba hindi kayo magkaintindihan. Halata namang mahal na mahal niyo ang isat isa,pero sinasaktan niyo pareho ang mga sarili niyo,lagi kayong nagkakalayo. Sino ba kasi ang may kasalanan, sino ang mali?"
"Nga-yon, a-ako po ang may ka-sala-nan!"
At isinalaysay niya ang naging pag uusap nila kahapon kahit hirap na hirap sa pagsasalita."Naku kaya naman pala wala sa reception eh! Siya, tahan na at wala na tayong magagawa. Nagbitaw ka na rin pala ng mga salita eh! Ang mabuti pay, sumama ka na muna sa aming pauwi. Magbakasyon ka muna para malibang, Malilimutan mo rin siya, ikaw pa? Ang tapang kaya ng anak ko!"
Kaya after 3 days, kasama na si Tess ng mga magulang pabalik ng Mindanao, magba-bakasyon siya doon ng dalawang linggo.
Bago sila umalis ay nagkita sila ni Jerome.
Namasyal sila sa Ccp at nagbiking."K-kumusta nga pala ang p-pag uusap niyo ng a-asawa mo?"
Naiilang na tanong ng binata.Pilit na itinago ni Tess ang lungkot sa mukha at sa pananalita.
"Hayun, m-magpa file na daw siya ng an-nullment. Magiging d-dalaga na u-ulit ako,haha!"
Namilog ang mga mata ni Jerome sa tuwa.
"T-talaga Tess? YES! Makakapanligaw na nang hindi bawal."Kahit papano ay natawa si Tess sa reaction ng binata.
"Matagal pa yun, may mga proseso pang pagdadaanan! Pinaka mababa na ang six month kung sakali!""Okey lang ang six month, better than forever, at least may pag asa na! Siguro naman pwede na akong mag umpisa habang pina process."
Hindi na sumagot si Tess. Kung si Gil nga, kaka file pa lang ng annullment e tangay tangay na si Princess sa Paris.
"Paalis ako, uuwi ako ng mindanao, kasama ang parents ko!"
Sabi niya bago sila naghiwalay.Nalungkot si Jerome.
"Ano ba yan? Mag uumpisa pa lang maligaw, lalayasan mo na agad ako?"Parang batang nagmaktol ang binata na tinawanan lang niya.
"Saglit lang ang two weeks. Habang wala ako magpapakabait ka ha?"
Pabirong bilin niya sa binata."Opo, good boy po ako. Bahay work, work bahay lang po itong future boyfriend niyo promise!"
Parang hinaplos ang puso ni Tess sa sinabi ng binata.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...