Chapter 84: First day of school

280 8 0
                                    

Nang sumunod na araw ay dumiretso sa Pag asa ang mga bagong kasal para dalhin ang mga pasalubong mula sa Indonesia at para magblow out sa pagkaka promote nilang pareho.

"Wow, congratulations ate, kuya, kayo na talaga ang ideal couple. Im so happy for you both!"
Sabi ni Tess na hindi maiwasan ang pagsigid ng kirot sa dibdib dahil sa inggit.

"Mabuti pa si ate Chit walang siyang problema sa carrier man o sa lovelife mula umpisa hanggang ngayon!"

Nang tanungin ni Melba ang kapatid tungkol sa kalagayan nito sa bahay ng mga Sandoval ay delayed ang sagot niya.

Napasulyap muna ito kay Mike bago mabagal na nagsalita.

"Hmm, o-okey naman...Ma-lungkot nga lang kasi kami kami lang doon!"

Hindi nakaila kina Melba at Tess na may pinagdadaanan ang kapatid sa bagong pamilya.

Kaya nung malingat si Mike habang nagba- barbeque sila ni Rudy ay sinamantala ng dalawa para usisain ito.

"Okey lang ako, kaya ko iyan. Parang additional training na rin dahil mas mabigat pa diyan ang pagdadaanan ko bilang branch manager sa mga susunod na araw!"

Napangiti sina Melba at Tess sa lakas ng fighting spirit ni Chit. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ng dalawa dahil alam nila na hindi susuko si Chit para sa asawa.

Naalala ni Tess ang asawa at ang pamilya nito. Nung una pa lang na magkita sila,
ay hindi nakaramdam si Tess nang discrimination mula sa mga ito.

Nakadama siya ng labis na panghi-hinayang."Wala nga talagang perpekto!"

Unang araw nang pasukan, third year na si Tess. Excited siyang gumayak at saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Hoy, mag almusal ka muna, may time pa naman o!"
Pahabol na sigaw ni Melba sa kanya.

"Sa school na ate,nami miss ko na kasi si Alice, haha! Gusto ko na siyang makita..."

Tumawa nang paismid si Melba.
"Si Alice o si..."

"Stop! Stop! Bye Maricon, aalis na ako, muaah!"

Paglabas niya ng pinto ay nagulat pa siya nang matanaw ang motorsiklo ni Jerome sa labas ng gate.

"Anong ginagawa mo dito, wala ka bang pasok sa trabaho? Kay bago bago mo pa lang naglalakwatsa ka na!"

Tumawa lang ang binata sabay abot ng helmit sa kanya.
"Huwag ka nang manermon, sumakay ka na lang at ihahatid kita! And dont worry, hindi ako nag lalakwatsa dahil may client akong kakausapin sa school niyo, haha!"

Nagdalawang isip si Tess, pero mukhang walang balak umalis ang binata nang hindi siya nakaangkas.

Pabirong hinablot ang helmit sa kamay ni Jerome at saka isinuot.

Saglit pa ay nasa school na sila. Nakita agad nila si Alice na bumababa sa jeep.

"Aliiice!"

"Teeeesss! Jerooome! Na miss ko kayo!"

Nagyakap ang magkaibigan habang nakangiting nakatingin lang si Jerome sa kanila.

"Bakit andito ka pa? Di ba, pinalayas na kita dito sa school ko at pinalipat kita sa isang sikat na construction firm sa Makati, di ba?"

Napahalakhak si Jerome.
"Ikaw talaga, hindi ka pa rin napapagod magsalita! But you look good, mukhang hiyang ka sa bakasyon mo ah!"

For the first time in her life ay nagblush si Alice.
"Ikaw lang eh, akala mo kasi si Tess lang ang maganda, haha!"

Si Jerome naman ang nag blush, kahit kelan napaka prangka talaga ni Alice, gusto tuloy pagsisihan ni Jerome kung bakit pa niya pinuri ang dalaga.

"S-sige, maiwan ko muna kayo at may kausap akong client sa dating school ko!"

"Wait, may pasalubong ako sa inyo ni Tess, kunin mo na itong para sa yo! Wag mong tatanggihan dahil iyan ang pinaka masarap na gawang brittled pili nuts sa bicol!"

Napatigil si Jerome,
paborito niya ang pili nuts at lahat ng klase ng nuts at mga minatamis, bigla siyang natakam.

"Akina, dali!"

"O kanina nagmamadaling umalis, tapos ngayon ako ang aapurahin. Ito na o, sige layas na!"

Natatawa si Tess sa dalawa. Mulat sapul ay ganito sina Alice at Jerome kung magbiruan, parang laging magkagalit.

"Ang cute cute niyong dalawa tingnan. Know what, bagay kayo, hihihi!"
Hindi niya napigilang ibiro na ikinasimangot ng binata.

"Kung si Alice ang makakatuluyan ko, mabibingi ako sa rindi dahil baka 24/7 yang hindi titigil sa pagsasalita, haha!"

Lumabi si Alice, sabay papungay ng mga mata na may kasamang pagpikit pikit.

"Ayaw mo nun, hindi ka malulungkot dahil lagi mong maririnig ang boses ko. Ibig sabihin, hindi kita iiwan, haha!"

Natawa din si Tess lalo na nang mapansing pulang pula na ang tenga ng binata.

"Diyan na nga kayo! Tess, sunduin kita mamaya ha?"
Sabi nito bago tuluyang umalis na tinanguan ni Tess.

"Paano ako?"
Birong tanong ni Alice na naglungkot lungkotan.

"Humanap ka ng maghahatid sa yo, marami diyan sa tabi tabi. Salamat sa pasalubong, bye!"

Nang wala na si Jerome, saka pa lang nagkumustahan ang dalawa.

"Kumusta na? Sayang hindi ako naka attend sa kasal ni ate Chit, di ko tuloy nakita ang 'kanyang kamahalan' !"
Si Gil ang tinutukoy ni Alice.

"Para sana napag-kumpara ko kung sino talaga sa dalawang prinsipe ang karapat dapat na mag angkin sa prinsesang pinag aagawan nila!"

Lumamlam ang mukha ni Tess.
"Nag file na ng annulment si Gil, a-at ilang buwan na lang m-malaya na uli ako!"

Namilog ang nga mata ni Alice.
"Ganun kabilis?"

"Marami kasing grounds ang relasyon namin kaya confident siyang maaapproved agad!"

Natahimik si Alice, mukhang nalungkot.

"Kumusta naman ang nararamdaman mo kay Jerome, siya na ba talaga?"

Mapait na ngumiti si Tess, sabay iling ng marahan.
"To be honest, nung makita ko uli si Gil,
may nabuhay na spark sa puso ko, umasa ako na makikipag ayos siya sa akin, magpaliwanag at humingi ng tawad,
pero hindi niya ginawa. Sa halip ay
naghamon siya ng annulment at antayin ko na lang daw ang resulta. At ang masakit pa nito,
kasama niyang bumalik sa Paris yung babaing nagpanggap noon na asawa niya!"

"Si Princess?"
Tanong ni Alice.

Nangingilid ang luhang tumango si Tess. Awang awang niyakap ni Alice ang kaibigan.

"S-siguro,talagang kayo ni Jerome ang destiny kaya nangyari ang ganito sa inyo ni Gil."

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon