"Na cancel na ni ninong ang trip natin dapat sa hongkong.
Is it okey with you kung sa Boracay na lang tayo pupunta o sa Baguio?"Nagkibit balikat si Tess.
"Bahala ka,kahit saan!"Sa baguio sila natuloy. Aminado si Tess na kundi dahil kay Gil ay hindi siya makaka-tungtong sa Baguio na isa sa mga pinangarap niyang puntahan.
Pagdating nila sa hotel,namroblema na naman si Tess dahil iisang room lang sila ni Gil.
"Di ba pwedeng kumuha ka ng isa pang room?"
Angal nito."Wala nang available na room. Dont worry,wala akong gagawin sa iyo na ayaw mo. Gusto ko lang na umpisahan mo nang pag aralan at tanggapin na im always arround!"
"P-papano ang setting natin sa pagtulog?"
Tanong ni Tess."Take the bed,i'll use the couch!"
At ganoon nga ang nangyari sa loob ng tatlong araw. Pero sa pang apat na araw,dumaing na si Gil sa sakit ng katawan lalo na at lagi din siyang pagod sa pagpapasyal kay Tess sa ibat ibang lugar sa baguio.
"A-ako naman sa couch at ikaw naman sa bed!"
Mungkahi ni Tess."Hindi ba pwedeng share na lang tayo? Total maluwag naman ang bed at hindi din ako malikot. Dont worry,you're safe until you do the first move!"
Pumayag si Tess na mag share sila ng bed. At napatunayan niyang gentle man naman pala si Gil kaya medyo gumaan na ang loob niya sa asawa.
Pag uwe nila sa Cotabato, humirit uli si Gil.
"Please share na tayo ng room. Naging behave naman ako sa Baguio di ba?""Pumayag ako dahil walang ibang choice. Pero dito,wala ka nang rason para kailangan nating mag share!"
"Im afraid,there is sweetie! Hindi alam nina mommy ang arrangement natin. I dont want them to find out the truth and i dont want them to hate you!"
Natigilan si Tess kaya sinamantala ito ni Gil.
" Sooner or later,
magsu-surprise visit sila kaya we have to let them believe na okey na tayong dalawa! Dont worry, i'll stick to our agreement."Huminga ng malalim si Tess bago sumagot. Actually naiisip din naman niya iyon at ayaw din niyang kasuklaman siya ng mga inlaws niya.
So that night, nag share na sila ng room pero hindi sa bed.
Bumili si Gil ng isang sofa bed at doon siya natutulog.
Naging maayos naman ang takbo ng buhay nila. Nagiging civil na rin si Tess kay Gil,binawasan na niya ang pagtataray niya dito lalo na kung nasa harap sila ng family ni Gil.
Napasok si Gil sa isang government agency ng patubig sa recommendation ng ninong niya.
Gusto sana ni mr.Revera na pamahalaan na lang ni Gil ang mga negosyo nila pero tumanggi si Gil.
"Dad, you're too young para palitan kita. Besides, i want to start with my own!
Hindi siya napilit ng ama,infact napahanga pa niya ito.Araw araw,hatid sundo niya si Tess sa school.
"Oh ayan na ang yummy mong husband!"Kinikilig na sasabihin ni Minnie kay Tess. Magkaiba sila ng kurso pero lagi pa rin silang nagkikita at nagkakasama.
Kahit alam na ng ibang mga estudyante na asawa ni Tess si Gil ay hindi pa rin nila maiwasang hindi kiligin sa lalaki at mainggit kay Tess.
Ganoon din naman sa mga males. Marami pa rin ang hindi maalis ang titig kay Tess kahit alam nilang married na ito.
Kaya hindi rin maiwasan ni Gil ang ma-insecure lalo na nga at ni hindi man lang niya mahalikan ang asawa ng tutuong halik maliban sa cheeks at smack sa lips.
"No morning sickness yet?" Naitanong minsan ni mrs.Revera nang magsurprise visit siya isang araw ng linggo.
Muntik pang nasamid ang mag asawa na sabay ding umiinom ng kape. Three months na kasi mula nang ikasal sila.
"Wala pa mom,
medyo hindi yata magkasundo ang hormones namin ng asawa ko,di ba sweet?"
Sabay kabig kay Tess na mukhang natuka ng ahas."But dont worry mom,pasasaan ba at magkakaroon na tayo ng kasing kulit ko din na magpapagulo sa salas niyo at bubunot ng mga halaman sa hardin!"
Natawa si mrs.Revera pati si Tess ay napangiti din.
"Indeed,walang kasing kulit!"
Sinabayan pa nito ng pag iling iling.Six month na silang nagsi-share ng room nang humirit ulit si Gil.
"Wala ka pa rin bang nararamdaman para sa akin?"Nag pinch sign si Tess bilang sagot.
"Naiinip ka na ba? You are free to find some one else!""No way,kung hindi rin lang sa iyo, magpa-pari na lang ako!"
"Kung ganun,mag tiis ka!"
Sem break, nagbabad lang sa bahay si Tess at nagtanim ng mga bagong roses at iba pang mga halaman.
Nag aral na din siyang magluto kahit na may katulong sila. At ang unang putahe na ipinatikim niya kay Gil ay ang eskabetche.
"Wow,ang sarap ah! Pag ganito kasarap palagi ang ihahain mo sa akin,siguradong mananaba ako."
Pinanood lang ni Tess si Gil na sarap na sarap sa kinakain hanggang maubos ito.
Saka pa lang siya sumandok ng pagkain niya nang uminom na si Gil ng tubig.
Tiwala siyang nagsubo at muntik pa niyang naibuga sa mukha ng asawa ang kinakain niya.
"Pweeeh! Bakit nagkaganito? Hindi naman ganito ang lasa ng reaction mo kanina,you cheat! Liar!"
Tatawa tawa lang si Gil sa reaction ni Tess.
"Pag palagi kang ganyan ka-bolero at sinungaling sa mga luto ko,manghihiram ka ng kidney sa aso!"Sabay tayo ni Tess at umakyat na sa itaas.
Tatawa tawang sinundan siya ni Gil sa itaas."Sorry na,tutuo namang masarap eh,medyo napaalat lang!"
"Heh!"
Iwinakli ni Tess ang mga kamay ni Gil na nakahawak sa braso niya."Come on Tess,sobrang mahal lang kita kaya nato-tolerate kong lahat!"
Napalingon si Tess kay Gil at nagtama ang mga mata nila.
Bumaba ang tingin ni Tess sa mamula mulang labi ng asawa.Napalunok si Gil nang unti unting lumalapit ang labi ni Tess sa labi niya.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...