Sumakay uli si Tess sa likod ni Jerome in an astraddle position. Wala siyang kamalay malay na may mga matang nakatingin sa kanila.
"Saan tayo pupunta?"
"Trust me,okey?"
"O-okey!"
Mabilis nang pina-harurot ni Jerome ang motor, dahilan para mapayapos siya sa bewang ng lalaki.
Nagtataka si Tess dahil ang tinutumbok na direksiyon ni Jerome ay papunta sa school nila, pero hindi siya nag tanong, naisip niyang baka doon talaga ang daan ng lugar na papasyalan nila.
Pero laking gulat niya nang ipasok ng binata ang motor nito sa loob ng campus.
"Keep still, dont talk and dont look back. I'll explain to you later!"
Sabi ni Jerome sa kanya.Kinakabahan man ay sinunod niya ang utos ng binata. Buo na ang tiwala niya sa lalaking ito, kaya kung anu man ang ginagawa nito, alam niyang makabubuti ito sa kanya.
Binuksan ng guard ang gate nang itaas ni Jerome ang face protector ng helmit niya. Kilala na kasi siya ng mga guard at lahat ng staff sa school na yun.
Nang nasa loob na sila saka lang nagpa-liwanag ang binata sa kanya.
"I saw the car of your sister's boyfriend following us. Ayokong mawala ang tiwala nila sa yo kaya itinuloy ko na dito!"
Hindi napigilan ni Tess ang sarili at nayakap niyang bigla ang binata sa sobrang tuwa at pasasalamat.
"You're like an angel to me Jerome, youre always saving me i...t-thank you!"
Muntik na siyang nadulas.
"Shit! I almost say, 'i love you' my God, what is happening to me?""I will always be here for you Tess, no matter what, you can always count on me,promise!"
"T-thank you!"
Naglakad lakad muna sila sa loob ng campus para palipasin ang oras in case na itinuloy ng magnobyong Mike at chit ang kanilang surveillance, at pa-paniwalain na doon talaga ang distination nila.
Maraming estudyante sa loob na tutuong may mga sadya doon every saturday.
Umupo sila sa isang bench na nasa likod ng building nina tess.
"Matagal na ba ang ate mo at ang boyfriend niya?"
"Medyo matagal na rin, why?"
Tumawa nang mahina si Jerome na may kasamang ismid.
"Daig pa ang tunay na kuya mo kung makapag react eh! over protective sa yo."
Natigilan si Tess. Best friend at kababata ni mike si Gil,natural lang na maging ganoon ang reaction niya kahit ano pa man ang nangyayari sa kanila ngayon,mag asawa pa rin sila ni Gil.
"Ahm,syempre nag aalala lang siya kasi ayaw niyang masayang ang effort at pera ng girlfriend niya na ate ko!"
Tumango tango si Jerome pero obvious na hindi siya totally convinced. May bahagi sa utak niya ang nagsasabi na there's more on that...
Napansin ni Tess ang patabinging tingin ng binata na parang nag iisip ng ibang dahilan kaya tumayo na siya.
"T-tara na nga! Mamasyal na kung mamamasyal dahil kung hindi ay uuwe na ako."
Saglit pa at nasa kalsada na uli sila at nakikipag gitgitan at habulan sa mga four wheelers hanggang sa mga ten wheelers na sasakyan.
"Jerome, saan tayo pupunta?"
Sigaw na tanong niya nang magmenor ito."Kung saan tayo makarating. Di ba iyon ang gusto mo, Ang lumaboy nang walang direksiyon? So yun ang gagawin natin, kaya kumapit kang mabuti dahil lilipad na tayo sa kawalan,hahaha!"
Nakangiting hinigpitan niya ang pagkakayapos sa bewang ng binata.
Para namang lumutang sa ere si Jerome dahilan para lalo siyang ganahan sa pagmamaneho.Tuloy tuloy ang takbo nila. Tumigil lang ito saglit nang magkarga ng gaas si Jerome sa isang station.
Maya maya ay tumatakbo na naman sila. Napansin ni Tess na lumagpas na sila ng villamor air base pero hindi siya kumibo, ipinauubaya na niya ang lahat sa kasama.
Lumagpas sila ng alabang, hanggang sa makarating sila nang laguna.
"Pagsanjan? Anong gagawin natin diyan?"
Manghang tanong niya."Wala, namamasyal nang walang direksiyon. Di ba?"
Nakangiting sagot ni Jerome."Napakalayo na natin!"
"Oh oh oh! Walang magrereklamo,
pinagbigyan lang kita remember?""Hindi ako nagre-reklamo. On the contrary, i like where you've brought me!"
Binusog nila ang mga sarili sa magagandang tanawin at sariwang hangin.
Lumingon si Tess sa binata na nakatitig din pala sa kanya habang nakangiti.
Napasinghap sa hangin si Tess. Kung gaano kaganda ang tanawin sa pagsanjan falls, hindi nito kayang daigin sa paningin ni Tess ang gandang lalaki ng kasama.
Alon alon ang hanggang batok na buhok nito, medyo makapal pero masinop ang itim na kilay na nasa itaas ng malalim, mapungay at katamtamang laki ng mga mata na nata-tamnan ng mahahaba at curved na pilik mata. Katamtaman ang tangos ng ilong, hugis puso ang mamula mula at medyo makapal na labi na natatabingan ng manipis na bigote.
Malapad ng konti ang balikat, moreno ang balat at nasa 5'10 1/2 ang taas na hindi nalalayo sa taas ni Gil.
Muling sumikdo ang puso ni Tess at bahagyang bumigat.
"Ano nga ba ang papel mo sa buhay ko, sa buhay namin ni Gil? Bakit ganito,bakit attracted ako sa iyo gayung alam ko dito sa puso ko na mahal ko pa ang asawa ko, Posible nga bang sabay na mahalin ng isang puso ang dalawang individual? O sadyang hindi lang nagkakatu-luyan ang mga mag soul mate. Dahil yan ang pakiramdam ko sa iyo Jerome, soul mate kita."
Nakangiting pinisil ng binata ang mukha ni Tess.
"Hey, why are you looking at me like that? Ngayon mo lang ba napansin na guapo talaga ako?"Ngumiti din si Tess.
"T-thank you, and i thank God so much dahil ikaw ang nasakyan ko nung araw na yun! Kung nagkataong ibang lalaki yun, malamang na wala ako dito ngayon at pinagma-masdan ang magagandang tanawin!"Hinawakan ni Jerome ang dalawang kamay niya at buong pagmamahal siyang tinitigan.
"It's God's own unique way of bringing two person in their proper places and arms. I do believe that God made me save you to love you forever!"
Pagkasabi nun ay unti unting inilapit ni Jerome ang mukha sa kanya.
(Magta taksil na nga kaya si tess? Paano na si gil?)
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...