Chapter 9:Shopping

520 15 3
                                    

Sumimangot si Tess,alam niyang nagdiriwang ang loob ni Gil sa pagkakakita sa legs niya at ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang lalaki.

"Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na sundan ako dito?"

Biglang nabura ang ngiti sa mukha ni Gil. Maanghang pa rin sa kanya ang magiging misis niya.

"S-si nay Pilar,sabi niya andito ka daw. P-pinapunta ako ni mommy para isama ka sa pagbili ng ring at dress na susuutin mo sa engagement party!"

Humalukipkip si Tess.
"Hindi ako sasama sa iyo. Kung gusto mo,ikaw na lang mag isa ang bumili,ikaw na rin ang magdecide at pumili kung anong gusto mo para sa akin!"

"Sige na anak,
sumama ka na kay Gil para mas makilala niyo ng husto ang isat isa. Sa malao't madali,sa ayaw at sa gusto mo ay magkakasama pa rin kayo lalo na sa marriage councelling!"
Udyok ni aling Pilar sa anak.

"Hmp,kainis! Maghintay ka dito!"

Patakbong pumasok sa bahay si Tess para hindi pagpyestahan ni Gil ang mga binti niya.

Ilang sandaling naghintay si Gil sa dalaga.
"Tara na!"

Nakasuot ng faded jeans at puting tshirt si Tess na halatang luma na. Pero hindi ito nakabawas sa alindog ng dalaga.

Nagpauna na ito sa paglakad at halos lumuwa naman ang mata ni Gil sa pagsunod ng tingin sa balakang nito.

Nagulat si Tess nang mamataan sa harap ng bahay ang audi ni Gil, hindi nga pala nagco-commute ang binata.

Binuksan muna ni Gil ang passenger side.
"Hop in sweetie!"
Malambing nitong aya sa dalaga.

Bantulot si Tess,hindi siya handa na makita siya ng mga kapitbahay na nakasakay sa isang magarang kotse at kasama ng ibang lalake.

"Magji jeep na lang ako. Sabihin mo na lang sa akin kung saan at doon na lang tayo magkita!"
Tanggi niya.

"Hindi naman pupuwede iyon! Halika na para makabalik tayo agad,please?"
Halos magmakaawa na si Gil.

May naisip na kapilyahan si Tess.
Lumapit siya sa kotse at isinara ang passenger's side sabay bukas ng likod at doon siya umupo.

"Tara na!"
Sabi nito sa nakatulalang si Gil.

"Magmumukha akong driver niyan!"
Reklamo niya habang nagkakamot sa ulo.

"So, ayaw mo?"
Anyong bababa na ng kotse si Tess. Maagap namang hinawakan ni Gil ang pinto.

"H-hindi, hindi, sige  tara na!" Agad na sumakay sa driver seat si Gil saka tiningala sa rear view mirror si Tess.

"Saan po tayo madaam?"
Tanong niya kunwari habang nakangiti nang mapakla.

"Para mama,dito na lang ako!"
Sagot naman ni Tess na anyong bubuksan uli ang pinto.

"Joke lang po!"
At mabilis nang pinaandar ni Gil ang sasakyan bago pa tuluyang makababa si Tess.

Pagdating sa mall,doon muna sila sa mga dress nagpunta.
Tumitingin tingin si Tess pero ayaw niyang mamili.

"Come on Tess, pick what you want and dont mind the price okey?"

"Ikaw na ang pumili para sa akin,isusukat ko na lang ang mapipili mo!"
Nakahalukipkip at nakasimangot pa rin si Tess.

"Okey, hintayin mo na lang ako dito! Ahm miss, can you please assist me?"
Baling niya sa sales lady na malagkit ang tingin sa kanya.

"Okey no problem seeer, this way seeer,mas magaganda ang collection namin sa banda doon!"

Nang makalayo na ang dalawa,inis na ginaya ni Tess ang boses ng sales lady.

"Okey no problem seeer, this way seeer!
Landi..."

Nagulat si Tess sa sarili. Nagseselos ba siya sa sales lady?
"NO WAY!"

Pagbalik nina Gil at ng sales lady,may tig apat na silang dress sa kamay na ipapasukat kay Tess.

"Doon po ang fitting room!"
Pakembot kembot na nagpa-una na ng lakad sa kanila ang babae.

Hindi maintindihan ni Tess kung bakit nanggi-gigil siya sa babae. Hinatak niya si Gil at ipinahuli.

Para namang kiniliti ang puso ng binata sa pagkakahawak ni Tess sa braso niya at sa tila pagseselos nito.

Dalawa ang nagustuhan ni Tess sa walong damit. Parehong binili ito ni Gil.

Pagkatapos ay sa shoe department naman sila.
"Ikaw pa rin ang pumili at isusukat ko na lang!"
Sabi uli ni Tess at saka umupo sa isang stool.

Napangiti ang isang saleslady sa reaction ni Tess.
" Kapatid niyo sir?"

Hindi sinagot ni Gil ang tanong,sa halip ay binigyan niya ng matamis na ngiti ang babae na ipinalagay nitong 'oo'.

Katulad ng unang saleslady,malalagkit din ang tingin at ngiti nito sa binata at halos idikit na niya ang katawan kay Gil.

"Ito po sir oh,magugustuhan ito ng sister niyo. Uso ngayon sa amin ang stelitto!"

Sumulak ang dugo ni Tess. Bigla siyang tumayo at pumagitna sa dalawa.

"Ayaw ko ng stelitto sa engagement party natin,at hindi yan babagay sa dress ko!"

Parang natuka ng ahas ang saleslady at hindi naman masukat ang naramdamang tuwa ni Gil.

Isang eleganteng elevated na sandal ang napili ni Tess at saka isang black na close shoes.

At panghuli ay sa jewelry store naman sila. As usual si Gil pa rin ang pinapili ni Tess. Isinusukat niya lang ang bawat mapili ng binata.

Isang white gold na may tatlong guhit na parang sss at may tampok na diamante sa tuktok ang napagkasunduan nila na nagkakahalaga ng mahigit isangdaang libong piso pero hindi alam ni Tess dahil hindi siya intresadong alamin.

Pina engrave ni Gil ang pangalan nila ni Tess sa singsing.
'GIL ♡  TESS 4 ~eternity~
Pero after 3days pa daw ito makukuha.

"Were done... lets take our lunch now?"
Masuyong tanong ni Gil sa dalaga.

Palibhasa'y gutom at pagod na rin kaya tumango na lang ito sa binata.

"Mahilig ka ba sa sea foods?" Tanong uli ni Gil na tinanguan ni Tess.

Dinala siya ni Gil sa isang class na sea foods restaurant. At nakita ni gil sa peripheral view niya na namilog ang mga mata ni Tess sa mga naglalakihang sugpo at lobster.

At least kahit papaano may nalaman siyang mga kahinaan ni Tess.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon