Last year na ni Tess sa college, at tulad ng sinabi ni Jerome, hindi naging problema kung saan ito mag o-Ojt.
Araw araw siyang dinadaanan ng binata at inihahatid pauwe. Lagi din itong nakaalalay sa training nito, kaya halos hindi na sila naghihiwalay.
"Jerome, payag na ako."
Nasa canteen sila noon sa groundfloor at kasalukuyang nagla lunch."What do you mean na payag ka na? Tungkol saan ba ito?"
Maang na tanong ng binata.Tinitigan siya ni Tess ng masama na para bang kasalanan ng lalaki kung hindi nito masakyan ang ibig niyang sabihin.
"Ano nga? H-hindi kita maintindihan eh, can you please be specific, what is it that youre trying to tell me?"
Natatawang ulit ni Jerome sa salubong pa rin ang kilay na babae sa harapan niya.
"Payag na akong maging girlfriend mo! Grrr, nakakainis ka, pinapahiya mo ako eh!"
Nabitiwan ni Jerome ang hawak na kutsarat tinidor habang naiwan sa ere ang mga kamay at naka awang ang mga bibig sa pagkabigla.
"Ang oa mo ha? Umayos ka kundi babawiin ko ang sinabi ko!"
Biglang natauhan at ipinilig ni Jerome ang ulo sabay mulat ng tudo sa mga mata.
"Wow, i cant believe it! Wala nang bawian ha, girlfriend na kita okey?"
"Ang kulit mo, isa pang nakakainis na arte at magbabago na ako ng isip!"
Muling banta ni Tess."Yes, finally! Guys, congratulate me, sinagot na ako ng babaing mah... umph!"
Tinakpan ni Tess ng kutsara ang bibig ng binata.
"I mean what i said, kaya manahimik ka! Isang nakakainis na tirada mo pa at break na tayo!"
Natatawa ngunit naiinis di'ng sabi niya.Ngumuso si Jerome at parang batang nagtatampo na pinagtutusok ng tinidor ang kinakaing steak.
"Break agad? Sinagot ka nga, bawal namang magpakita ng emotion, bad trip!"
Mula noon, mas naging malambing at maasikaso ni Jerome kay Tess maging sa mga kapatid nito.
Lagi siyang dumadalaw at may dalang kung ano anong pasalubong lalo na kay Maricon na lalong naging close sa kanya.
"Thank you po tito! Ang bait niyo na ang pogi pogi pa. Basta pag ikinasal po kayo ni tita, ako uli ang flower girl ha?"
"Sure baby, wala nang iba, haha!"
Sagot ni Jerome na attached na rin sa bata."Aba mukhang may usapan na kayo na hindi niyo sinasabi sa akin ah, ano yun ha?"
Natatawang tanong ni Tess na noo'y pababa na ng hagdan at bihis na bihis para sa unang date nila ni Jerome bilang official nang magkasintahan.
"Wow, look! Theres a very beautiful fairy descending from the golden stairway!"
Biro ng binata habang nakatingala sa bumababang kasintahan. Napaka ganda nito sa suot na kulay kremang sleeveless blouse na pinarisan ng black na slacks at black shoes. Naka ponytail ng mataas ang hanggang balikat na buhok.
"Ngeee, si tita Tess lang yan eh,hindi naman fairy, wala naman siyang pakpak at magic wand!"
Reklamo ng bata habang naka ismid."Invisible ang pakpak at magic wand niya.
Hi babe, lets go?"Tumango si Tess, sabay halik kay Maricon.
"Sleep ka na sa itaas baby, dadalhan na lang kita ng pasalubong okey?""Sige po, take care po kayo tita, tito Jerome!"
Binuksan ni Jerome ang box sa likod ng motor niya at kinuha ang extrang helmit.
"I think its time for me to have a car. Nakakahiya naman sa napaka ganda kong girlfriend kung every time na may date kami eh sa motor ko lang siya iaangkas, di ba babe?"
Sabi nito habang nakalingon kay Tess na pasakay na sa motor nang pabisaklat.
"Walang problema sa akin kahit saan mo ako isakay, alam ko namang iingatan mo ako!"
Tutuo sa loob na sabi ni Tess na ikinatuwa ng binata."Yan ang gusto ko sa yo eh, napaka simple mo and yet very pretty!"
"Tara na nga at baka umagahin tayo dito sa pagbo bolahan!"
Natatawang sabi nito at saka kumapit sa bewang ni Jerome.Masayang pinaharurot ng binata ang motorsiklo sa kalsada.
Sa isang restaurant muna sila nagpunta para kumain ng paborito nilang sea foods.
"Where to, after this?"
Muling tanong ng binata habang hinihintay nila ang bill."Wala akong alam tungkol sa pakikipag date kaya huwag mo akong tanungin. Ikaw na ang bahala kung saan yung alam mong magugustuhan ng babae'ng ka date mo!"
Lalong kinilig si Jerome sa sinabi ni Tess. Mabilis na gumana ang isip niya kung saan niya dadalhin ang kasintahan na mae-enjoy nilang pareho.
"Cinema? Just be sure na maganda ang movie and its worth watching!"
"Im one hundred percent sure na magugustuhan mo, Ang mga halik at yakap ko babe, ang palabas na to!"
Sabi ni Jerome na halos manginig sa sobrang kilig at excitement. Sa wakas makakasama na niyang manood ng romantic movie ang mahal niya at sisiguraduhin niyang bago matapos ang pelikula ay matitikman na niya ang matamis na mga labi ng babae.
Pinili ni Jerome ang pinakasulok at malayo sa ibang viewers.
"B-bakit dito sa walang katao tao?"
Kinakabahang tanong ni Tess habang sinusuyod ng tingin ang paligid.Kinabig ng binata ang balakang ni Tess pahapit sa sariling katawan saka yumukod para bumulong sa tenga nito.
"Dont be scared,im with you babe,hindi kita pababayaan, trust me okey?"
Parang nagagayuma na tumango ng sunod sunod si Tess. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang excitement.
Gumagapang ang kilabot mula sa batok niya hanggang gulugod at halos mabingi siya sa lakas ng tibok na nagmumula sa kanyang puso.
"I-i t-trust you Jerome!"
Muling idinikit ni Jerome ang mga labi niya sa likod ng tenga ni Tess. Halos matunaw naman ito sa sensasyon na dulot ng mainit na hininga ng binata.
"Babe, please call me babe!""B-babe, i t-trust you babe!"
Nanginginig na sagot ni Tess at halos mag-buhol buhol na ang hininga.Naging hudyat ito sa binata, dahan dahan niya itong hinawakan sa mukha at saka muling bumulong.
"Thats good babe,dahil hinding hindi kita paba-bayaan, i love you so much babe, please tell your heart to beat again and this time make it for me!"
Nalanghap ni Tess ang mabangong hininga ng binata kaya nang idikit ni Jerome ang labi sa pisngi niya malapit sa bibig ay napasinghap siya at kusang hinagip ang labi ng lalaki.
At sa kauna unahang pagkakataon, nahalikan ni Jerome ang labi ng babaing halos apat na taon niyang pinanabikan at pinangarap.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
Storie d'amoreGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...