Chapter 32: Mike and chits feelings revealed.

403 7 0
                                    

Naging regular ang pagpunta punta nina Mike at Chit sa mga gig nila Tess pero hindi sila sumasabay sa pag uwe ng grupo.

"Naaawa na talaga ako kay Tess,habang tumatagal ay parang lalo siyang nalulubog sa kalungkotan. Makaka move on pa kaya ang kapatid ko?"
Bulalas ni Chit habang papalabas sila ng bistro isang gabi.

Hindi sumagot si Mike,halatang nag iisip din. Nang makasakay na sila sa kotse ay saka lang nagsalita si Mike.

"Actually may problema ngayon ang family ni Gil. Kasi nalaman ng family ni Princess ang situation niya dito at hindi sila sang ayon sa ginawang pagpapanggap ng anak nila,kaya iniuwe siya sa australia!"

"Who? Gil,iniuwe sa australia si Gil?"
Nag aalalang tanong ni Chit.

Natawa si Mike kaya pinisil siya sa pisngi.
"I mean Princess. Sinundo siya ng parents niya!"

Nailang si Chit sa ginawa ni Mike sa kanya.
"Ah...A-akala ko..."

"The problem is,wala silang makuhang available na private nurse. Kaya,n-naisip kong i-open sa iyo ito..."

"A-ano yun?" Excited na putol ni Chit sa sinasabi ni Mike. May kutob siya na pabor sa kapatid niya ang sasabihin ni Mike.

"N-naisip ko lang... Bakit hindi subukan uli ni Tess na lumapit sa kanila? Beg for forgiveness,or even offer her service to nurse Gil!"

"No way, b-baka ipagtabuyan na naman siya ng biyanan niya. Kapag nangyari uli iyon,
baka hindi na lang buhok at kilay ang ipatanggal ni Tess sa sarili niya!"

Natawa si Mike pero seryoso siya sa mungkahi niya.
"Kababata din namin ang tumatayong physical therapist ni Gil,siya ang nagkuwento sa akin. Highschool pa lang ay lumiligaw na siya kay Princess kaya natuwa siya sa nangyari."

"Really? Wow,what a small world!"
Mangha si Chit sa nalaman.

"Indeed! Kaya siya din ang isang nag suggest sa akin na kausapin ka para kumbinsihin si Tess. Malaki daw kasi ang chance na bumalik ang memory ni Gil kapag makita o palagi niyang makikita ang tunay na asawa niya!"

Nagulat si Chit sa narinig.
"W-wait wait wait! You mean nagka amnesia si Gil,why didnt you told me?"

Napanganga si Mike.
"I-i didnt know na hindi mo alam! I thought nalaman niyo na ang lahat noong pumunta kayo!"
Mukhang namang seryoso si Mike sa sinasabi niya.

"W-wala akong nakausap noong pumunta ako. Tapos noong si Tess naman ang pumunta ay ipinagtabuyan siya ni mrs.Revera at ni hindi man lang niya nakita si Gil pero nakita daw niya si Princess at mommy pa nga daw ang tawag niya sa mommy ni Gil!"

Nakaramdam ng guilt at bahagyang pagka pahiya si Mike sa nalaman.
"Ni hindi ko man lang pala naisip na itanong sa iyo ang naging resulta ng lakad mo noon, im so sorry!"

"Okey lang,nangyari na, wala na tayong magagawa para baguhin ang nakaraan!"
Malungkot na sagot ni Chit although may konting tampo siyang naramdaman kay Mike.

"So,as i was saying... Yun nga, kumbinsihin mo daw si Tess na mag-swallow uli ng pride, if possible ay i-offer niya ang sarili para mag-nurse kay Gil. Gagaling lang daw ang temporary paralysis ni Gil kapag bumalik na ang memory niya!"

Lalong nadagdagan ang gulat ni Chit.
"P-paralysed din siya? T-that means,walang nangyari... I mean, walang saysay ang pagpapanggap nung Princess na m-mag asawa sila?"

Mas nagulat si Mike.
"Pati yun,hindi niyo rin alam? Oh my God, what kind of stupid i am?"

Matagal silang hindi nag imikan hanggang sa makarating sila sa pagasa.

"Gusto mong magkape muna sa loob?"
Naiilang na alok ni Chit,ayaw kasi niyang maghiwalay sila ni Mike nang oras na iyon na may gap,ayaw niyang maging awkward sila sa trabaho.

"P-please?"
Nginitian niya si Mike ng alanganin.

Bumuntong hininga muna si Mike bago nito kinalas ang seatbuilt.
"Fine, may sasabihin din nga pala akong importante."

Pagpasok sa loob mg bahay, agad na pumasok sa kusina si Chit para magtimpla ng kape habang si mike ay dumiretso naman sa sala.

"Here's your coffee sir!"
Nakangiti na si Chit ng totohanan habang inilalapag sa center table ang cup.

Nabigla pa siya nang sa halip na ang kape ang damputin ay kamay niya ang kinuha ni Mike.
"H-huh?!"

"M-miss Trajano, im sorry for failing to  give you such important information about your brother in law. I-i was so busy examining my
h-heart!"
Nauutal ito habang nakatingin sa namumula ring mukha ng dalaga.

"N-now its confirmed... I am inlove with you!"

"W-what?"
Kunwari namang nabibingi si Chit pero ang tutuo ay nagdi-disco na sa tuwa ang puso,atay at balun-balonan niya.
"Sa wakas!"

"I love you miss Trajano, im so deeply inlove with you! W-will you be my girlfriend?"
Namumungay ang mga matang ulit ni
Mike.

"T-teka lang naman,hehe! B-binigla mo naman ako sir eh! I-inumin mo muna ang kape mo para mahimasmasan ako,este ikaw pala! Ulooool,magtigil ka Conchita!"

"I-im not hurrying you,may isang linggo ka para mag isip bago mo ako sagutin,haha!"

"N-naku ang bilis naman,huwag mo naman ako pressurin sir,p-pwede bang ngayon na kita s-sagutin? Whaaaat,ano ka ba Conchita?"

"S-sure, kung hindi kalabisan sa iyo hehe! But i wont t-take no as an answer, or else, i will fire you!"

"Ah,hehe! M-mahirap mag apply at maghanap ng bagong trabaho mr.sandoval kaya 'y-yes' na lang ang sagot ko sa iyo.Hiya,ayeee!"

Muntik pang matumba ang center table nang biglang tumayo si Mike at walang sabi sabing niyakap si Chit at siilin ng halik.

Inabot ng 10seconds ang halik na iyon bago inilayo ni Mike ang mukha niya at nagsalita.

"T-tayo na ha?"

"Aaay, tatanungin pa ako eh nakahalik ka na nga!"

Sabay silang tumawa bago masayang nagyakap muli.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon