Naunang nagmartsa patungo sa altar si Tess habang nasa likuran niya ang bride na inaalalayan ni mang Anton.
Katabi ni Mike si Gil na napaka kisig sa suot na dark gray coat na napapalooban ng deep purple na polo at color peach na neck tie.
Nagtama ang kanilang mga tingin. Kuminang ang mga mata ni Gil habang nakatitig sa kanya na
nagpabalik sa kanya sa nakaraan kung saan siya ang bride at si Gil ang groom na naghihintay sa altar.May kung anong damdamin ang ginising nito sa dibdib niya. Bigla itong nagsikip dahilan para mapahikbi siya at hindi niya naagapan ang pagtakas ng isang patak ng luha na nasundan ng isa at isa pa. Hindi niya ito pinahid dahil masisira ang make up niya.
Kitang kita din sa mukha ni Gil ang sobrang sakit na kinikimkim, pero taliwas kay Tess, nagpahid ito ng luha.
Nasa pwesto na niya si Tess ay hindi pa rin inaalis ni Gil ang mga mata niya dito. Gustong gusto na niyang lapitan ang asawa at ikulong sa mga braso niya. Pero nagpigil siya dahil masisira ang moment ng mga ikinakasal.
Habang ginaganap ang seremonya, inip na inip si Gil, gusto na niyang matapos ang event para malapitan at makausap na niya si Tess.
"I dont know what those tears are for,
Panunumbat ba,
panghihinayang, o paraan mo nang paghingi ng kalayaan?"Parang sinaksak siya sa huling naisip.
Kakausapin niya ito mamaya at gusto niyang marinig sa mismong bibig ni Tess kung gusto na nitong putulin na ang pisi na nag uugnay sa kanilang dalawa.Habang nagpapalitan sila ng malulungkot na tingin ni Tess, sila naman ang tini-tingnan ng ibang brides maid at napatunayan nilang may malalim na ugnayan nga ang dalawa.
Sa wakas natapos din ang palitan ng vows nina Mike at Chit,
kasunod ang mga 'best wishes' at pictures taking .Pinagkalumpunan ng mga babae si gil para makasama sa picture pero ang mga mata niyay nakay Tess pa rin.
Bored na nagpatiunang lumabas ng simbahan si Tess para lumanghap ng sariwang hangin. Suffocated na suffocated siya at pakiramdam niya hihimatayin siya pag di pa siya lumabas.
Tumayo siya sa likod ng malaking halaman na nasa gilid ng pinto para hindi siya pansinin.
Nasa ganoon siyang pagmumuni muni nang makarinig siya ng mahinang pag ubo bilang pagpapa-ramdam. Kumabog ang dibdib niya, kahit di niya lingunin, alam niya kung kaninong boses ito.
Ibinulsa ni Gil ang mga kamay.
"H-hello, why are you alone here?"Hindi siya sumagot. Muling nagsalita si Gil.
"Y-you look so lovely... A-as always!""Thank you!"
Maikli niyang sagot.Parang nauubusan ng sasabihin na tumawa si Gil.
"Its been two years and you never changed a bit!"Nilingon ni Tess ang asawa.
"At anong gusto mong pag babago, mag-mukha akong hukluban agad?"Natameme na naman si Gil, pero agad ding nakabawi.
"How are you with that m-man? A-are you happy with him?"
Naniningkit ang mga mata sa galit na hinarap siya ni Tess.
"Look, kung may sasabihin ka, sabihin mo na! Hindi yung kung ano ano pa ang tinatanong mo!"
"Just answer my gooddamn question! I want to hear it straight from your mouth, because if you do, i will file an annullment so you can be free for him!"
Parang nabingi si Tess. Hindi yun ang inaasahan niyang marinig mula sa asawa.
Kanina habang magkahinang ang mga tingin nila, may nagising na dating spark sa puso niya kaya siya napaluha.
Akala niya hihingi ng second chance ang asawa, hihingi ng tawad at magpa-paliwanag.
Pero iba sa mga yun ang sinasabi nito ngayon, naghahamon siya, nananalakab.
Muling umahon ang galit sa puso niya.
"Yes, masaya ako sa kanya! At alam mo ba kung sino ang taong yun, ha? Siya lang naman yung taxi driver na nasaksak ko pero sa halip gantihan ako ay inuna pa akong iniligtas kaysa sarili niya! Ano, masaya ka na?"Napaatras si Gil, hindi niya inasahan yun. Ang mismong lalaking dahilan ng paglayo niya ay siya rin palang ipapalit sa kanya ng asawa,
Ang sakit ha?"Youre kidding me right?"
Umismid si Tess.
"No im not! Kaya sige, magfile ka na ng annullment ASAP para pareho na tayong makapag move on!"Nakayuko sa lupa si Gil, umiinit na naman ang mga mata niya. Mula nang umalis siya ng bansa, wala na siyang ginawa kundi lihim na umiyak lalo na sa gabi.
Gusto niyang magalit, magmura,manisi, pero kanino siya magagalit? Sino ang sisisihin niya?
Lahat ng nangyari ay kasalanan niya. Lahat ng ginawa niya ay puro mali! Naturingan siyang summa cum laude, matalino pero bobo pagdating sa dicission making about love.
Tama ang daddy niya, bobo siya pagdating sa pag ibig.
Ni hindi siya marunong manligaw nang tama, hindi siya marunong magpaamo at four years na siyang may asawa,
wala pa rin siyang karanasan.Sana this time, tama na ang disisyon niya.
Giving up someone you love who does not love you, maybe is the right thing to do."Ok, i'll give you your freedom. I just hope this time no more regrets for both of us..."
Inagaw ni Tess ang sinasabi niya.
"Dont worry, i won't regret. Because as of this moment, the sweetest word i long to hear from you is "FORGET ME!"Parang sinampal sa magkabilang pisngi si Gil kasabay nang tila pagdukot ng isang hindi nakikitang nilalang sa puso niya at itinapon sa lupa at saka inapak apakan.
Right then, right there, gusto niyang lumuhod at humagolgol at magmakaawa sa asawa, pero ayaw na niyang magpakababa nang husto. Kailangan niyang tirhan ng respeto ang sarili at kung hindi ay baka wala na ring rerespeto sa kanya.
Pinilit niyang patatagin ang boses.
"You dont need to appear in the court, kami na ng lawyer ko ang bahala. Just focus with what you do, at ipapadala ko na lang sa yo ang notice with in six months!"Si Tess naman ang hindi nakakibo. Ganun kabilis? Gusto niyang bawiin ang sinabi pero, hindi niya magawa.
"Goodbye my soon to be 'ex wife'!"
Sabay halik ng magaan sa mga labi niya.Nakalayo na si Gil ay tulala pa rin si Tess habang hawak ang labi.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...