Chapter 38: Watching sixth sense

421 9 0
                                    

"Well then... pagkatapos mo akong bihisan, i-on mo ang player, i want to watch new movie!"

"H-ha?"

"Do i really need to repeat every thing i say? Dress me!"
Pigil ang inis na sabi ni Gil.

"S-sorry!"
Gustong pangiliran ng luha ni Tess,bakit nagkaganito si Gil,bakit kailangang maging masungit ito sa kanya? Hindi naman siya kilala para isipin niyang gumaganti sa kanya ang asawa.

"Hurry, im cold!"

Nanginginig ang mga kamay na sinuotan ni Tess ng tshirt si Gil,ingat na ingat siyang madikit ang mga kamay niya sa katawan ng lalaki.

"First time mo bang mag care giver,bakit ninenerbiyos ka? Pinagpa-praktisan mo lang ba ako?"
Sarkastikong tanong ni Gil habang naka ismid.

"Ah, eh, ano...!"

"Nasanay kasi siya sa mga matatanda anak, kaya naninibago siya sa iyo. Give her time,masasanay din siya !"
Sambot ni mrs.Revera na  kapapasok lang sa pinto.

Nakahinga naman ng maluwag si Tess.
"I owe you one mrs.Revera!"

"Why do you look nauseated when ever you touched me? I may be paralyzed but not dirty!"
Sarcastic na tanong ni Gil habang nakangisi.

Napamaang naman si Tess,hindi niya inaasahan na ganun ang pagkakaunawa ni Gil sa ikinikilos niya.

"H-hindi ako nandidiri sa iyo,mali ang iniisip mo!"

"Then prove it!"

"Paano? Yayakapin kita,hahalikan?"

"Continue dressing me!"
Noon lang narealized ni tess na wala pa palang shorts ang asawa.

"O-okey! Kaya ko ito,kakayanin ko ito."
Humugot siya ng malalim na hininga bago muling lumapit sa asawa.

Hindi na niya iniwasang madaiti ang kamay sa asawa. Napangiti ng lihim si Gil pero hindi ito nakaligtas sa mga mata ng ina.

"Hmmnn..."
Napatango tango ito at saka tumalikod nang may ngiti sa labi.

"I have to go son! Ikaw na ang bahala sa kanya Tess, kung wala pa ako nang six pm,ikaw na ang magpainom sa kanya ng mga gamot,okey?"

"Y-yes ma'am!"

Isinara na ni mrs.Revera ang pinto habang naiwang nakatayo si Tess,hindi malaman ang susunod na gagawin, sobrang awkward ng pakiramdam niya.

Parang naramdaman naman ni Gil ang nasa loob ni tess lalo niya itong sinindak.

"Ano pang ginagawa mo? I said on the player, manonood ako!"
Medyo tumaas na ang boses ni Gil.

"O-oo nga pala, sorry!"

Mabilis na ini on ni Tess ang cd player.
"Ano'ng panonoorin mo,sir?"

Idiniin ni Tess ang huling kataga na lalong nagpa ismid kay Gil.

" May binili ang asawa ko na bagong movie,hindi ko alam kung alin diyan. Ano ba ang latest movie ngayon?"

Pinamulahan uli ng mukha si Tess sa pagkakadiin ni Gil ng salitang 'asawa' pero pinilit niyang balewalain.

"B-baka itong sixth sense! Isa ito sa mga katatapos lang ipalabas!"
Itinaas niya ang kamay na may hawak na cd.

Lumiwanag ang mukha ni Gil at saka ngumiti ng  matamis na nauwe sa tawa.

"My wife really knows how to impress me, i miss you my Princess!"
Iiling iling si Gil habang tumatawa.

Para namang tinatadtad at kinukurot ng pinong pino ang puso ni Tess,lalo tuloy nanginig ang mga kamay niya.

"By the way, remind me to call my wife after the movie,okey?"
Dagdag pa ni Gil na akala mo'y nananadya.

"S-sige..."
Halos pabulong na sagot ni Tess.

"Why dont you watch with me?"

"Hindi ako mahilig sa horror!"

"Okey, as you like! Ganitong movie kasi ang paborito naming panoorin ng asawa ko!"

"Sige, ipagmalaki mo pa! Kaya ko pa, kaya ko pa!"
Bulyaw sa isip ni Tess.

Hindi natapos ni Gil ang pelikula dahil sa kalagitnaan nito ay nakatulog siya.

Marahang kinuha ni Tess ang remote control sa kamay ng asawa at maingat niya itong iniayos sa pagkakahiga,muntik pa siyang masubsob sa dibdib ng lalaki dahil sa bigat nito.

Tinanggal niya ang movie at pinalitan ito ng music video na karamihan sa collection ay mga paborito niya,nangunguna dito ang power of love ni Celine Dion.

Naalala niya tuloy ang grupo at mga kapatid.
"Kumusta na kaya sila sa bahay?"

Naalala niya ang bilin ng ate Melba niya sa kanya bago siya umalis.

*Flashback *

"Tandaan mo,hindi ka kilala ng asawa mo ngayon kaya mag iingat ka,baka saktan ka niya physically or emotionally!"

"Mabait si Gil ate,hindi niya magagawa iyon,kilala man niya ako o hindi dahil likas na mabuti ang kalooban niya kahit makulit!"

"Sinasabi ko lang para maihanda mo ang loob mo kung sakali man..."

"Malabo iyon,malabong malabo!"

*End of flashback*

"Hindi ko alam na may bahagi pa pala sa pagkatao mo ang hindi ko kilala. Masungit ka pala sa mga mukhang tomboy!"

Nagsisi tuloy siya kung bakit pa siya nagpa skinhead.

Hindi niya namamalayan na hinihila na rin siya ng antok at tuluyang nakatulog.

           ☆☆☆

" Wow bubot na mangga,akina iyan,daliii!"
Nandidilat sa tuwa si Tess nang malingonan ang hawak ng asawa.

"Nope, not so fast sweetie,may kapalit ito!"
Pero mabilis na naitago ni Gil sa likod niya ang mga ito.

"Uhmuaah! O,akina,na-kiss na kita!"
Inilahad ni Tess ang mga palad.

"Tatlong mangga ito,kaya dapat tatlong kiss din!"

Tatlong beses na dumampi ang labi ni Tess sa pisngi ng lalaki.
"Muaah, muaah, muaah!"

"Hindi ganyan,ganito..."
Reklamo ni Gil sabay kabig sa bewang ni Tess at saka siniil ng halik ang labi nito.

"I love you soo much and i terribly missed you!"

"I love you too...huh?"
Biglang naitulak ni Tess si Gil.

"Princess,sweetheart, i miss you so much,i love you!"
Nakapikit na usal ni Gil habang yakap ng mahigpit ang bewang ni Tess.

"No!" Malakas na naitulak ni Tess si Gil dahilan para 'magising' ito.

"Huh,i - i dreamed about my wife! Im sorry, akala ko si Princess ang kayakap ko,i am terribly sorry!"

Hindi kumibo si Tess, tahimik siyang tumayo at dumiretso sa banyo at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman sa loob. Umiyak siya ng umiyak.
" Hindi ko kaya,hindi ko na kaya!"

Twenty minutes siyang nagmuni muni sa loob ng banyo bago siya lumabas.

"Im quitting!"

"What?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Gil.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon