Maya maya pa ay dumating din si Edward kasama si mrs Revera.
Ni hindi man lang
sila nilingon ng magkapatid na Chit at Melba,hindi rin sinagot ang greetings.Nasa mukha ng magkapatid ang pinipigil na galit at hinanakit.
Tahimik namang nilapitan ng ginang ang anak na mukhang totally devastated na nga.
Hinawakan ni mrs Revera ang kamay ni Gil,pero marahan itong hinigit ng anak,bakas sa kilos ang kinikimkim na galit.
Hindi na rin napigilan ni mrs Revera ang pagluha.
"Im sorry, im very very sorry! Its all because of me, i was the one who brought her into this!"Hindi umimik ang magkapatid pero tinudla siya ng mga ito ng matatalas na mga tingin.
Napatungo si mrs Revera at dahan dahan siyang umupo sa tabi ni Edward.
Naghari ang katahimikan sa kanilang lahat,ang bawat isa ay taimtim na umuusal ng panalangin.
Kalahating oras pa ang lumipas nang sa wakas ay bumukas ang pinto ng operating room at iluwa nito ang surgeon na umopera kay Tess.
Parang iisang taong sabay sabay na tumayo ang lahat at lumapit sa doktor.
"Sino sa kanila si mr Revera?"
Tanong ng seruhano.Itinaas ni Gil ng bahagya ang kamay kasabay nang pagsagot.
"A-ako dok, im her husband! H-how is she?"
Ngumiti nang matamlay ang doktor.
"Well the drainage and the excision is already done. We sutured the cut in her pancreas and the bleeding had stopped. How ever, we can not give you 100% assurance that she's safe now because we're not yet sure if there's another organ affected, other wise we need to do another surgery!"
Napasinghap ang magkapatid sa narinig.
"Oh my God!""We will put her in the intensive care unit now for further observation and tomorrow we need to make ERCP or endoscopic retrograde cholangio pancreatography to check if her pancreas and the other organs has no other problem!"
Nasuntok ni Gil ang steel pew na kinau-upuan ng mga kasama.
"Oh my God! Calm down son,youre hurting your self..."
Tiningnan lang ni Gil ang ina,tinging may panunumbat.
"One more thing, we need six bag of blood for the patient. Any one who has a b+ type and willing to donate,please proceed to laboratory for screening!"
Lahat ay pumunta,
maging si mrs Revera
maliban kay Melba.Hanggang sa nailipat na sa icu si Tess at pauwe na si mrs Revera ay hindi ito kinibo ng magkapatid.
"Son if you want to stay, i will let the driver to bring you things that you'll need!"
"Of course mom, i'll stay and i dont need your permission to stay!"
Napabuka ang labi ng ginang. First time siyang sinagot nang ganun ni Gil."Dre?! Wag ganyan!"
Saway ni Edward. Napamaang din si Mike pero piniling manahimik."Hindi na,sumama ka na sa nanay mo, kami na ang bahala sa kapatid namin! Malaya ka na,malaya na kayo nung Princess niyo ng nanay mo!"
Mahinang sigaw ni Melba kay Gil."Ouch!"
Angal ni Edward,nagka-tinginan ang magnobyo at pinigil na matawa.Namula naman ang mukha ni mrs Revera,halatang naiinis na rin pero nagtimpi pa rin siya dahil naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit ng mga ito.
"Okey son, you stay, do anything you want to make you feel okey!
At sa inyong magkapatid,
naiintindihan ko ang pinagdadaanan niyo dahil naramdaman ko din yan nang muntikan nang mawala sa akin ang anak ko. Ganoon pa man, kung ano mang tulong ang kailanganin niyo,huwag kayong magdadalawang isip na lumapit sa akin, kahit pa ang isang kidney ko ang kailanganin ibibigay ko,kung sa ganoong paraan ako makakabawi sa inyo!"Pagkasabi noon ay tumalikod na si mrs Revera at maringal na naglakad palayo habang tulala naman ang magkapatid maging ang mga lalaki.
Maya maya pa ay dumating din si Rudy para sunduin ang asawa.
"Pasensiya na kayo kung iuwe ko na ang ate niyo,makakasama sa kanya ang mag-bantay dito at ma-stress,baka makasama sa baby namin!"
"Ha?!"
Sabay sabay na bulalas ng lahat,maliban syempre kay Melba na nag blush bigla."Six weeks on the way!"
Nahihiya nitong sabi."Wow congratulations ate ,kuya!"
Sabi ni Chit na ginaya din ng mga lalaki."Dre, mauuna na rin ako,marami akong appointment bukas eh!"
Paalam ni Edward na tinapik pa ang balikat ni Gil."Okey dre,salamat sa tulong at sa oras niyo! Ikaw din bro kailangan ka sa bangko!"
Bumaling si Gil kay Johny na parang noon lang niya napansin ang presensiya.
"How about you bro?"
Tanong nito na hindi matukoy kung ano talaga ang gustong itanong."O-okey lang ako sir,pwede akong magbantay kung kinakailangan!"
"Hindi na Johny,umuwe ka na at humabol kayo sa ihaw ihaw,baka magalit si sir Bobby!"
Umubo si Edward at natawa naman si Gil.
"Ayan ang may ari o,si mr lonely boy!"Turo niya sa kaibigan habang nakangiti nang paismid.
"Shut up,mr devastated guy!"
Sabay sabay na tumawa silang tatlong magkakaibigan habang gulat at nagtatakang naka mata lang sina Johny,Melba at Rudy."Masyado nang late para humabol sa gig niyo,ako na ang bahala kay Bobby!"
"K-kayo pala ang may ari na tinutukoy ni sir Bobby,at kayo din si mr lonely boy na madalas mag request kay Tess?"
Manghang tanong ni johny."Oo, ini-stalk niya ang asawa nito dahil akala niya hindi na babalik ang alaala nito at tuluyan nang mawala ang pag asa niya kay Princess. Iyon din ang dahilan ni Gil kaya siya nag panggap na hindi pa magaling,
para maiwasan si Princess. Magulo,
malabo pero saka na natin linawin pag kalmante na ang isip ng lahat!"
Sabat naman ni Mike."O paano dre, maiwan ka na ditong mag isa?"
Untag ni Mike."Sasamahan ko siya!"
Sabi naman ni Chit na tumingin kay Mike na parang humihingi ng permiso."Only one is allowed to stay. Jack en poy kayong dalawa Chit and Gil,ang matalo siya ang mag i-stay!"
Paliwanag ni Edward na may kasamang biro."No need! I will stay and no one can prevent me to do what i must! Sige na,all of you leave, let me stay alone with my wife!"
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...