Kahit mahirap ay pinanindigan ni Tess ang pag iwas kay Jerome na halatang nahihirapan din dahil kahit sa malayo ay bakas sa mukha ang kalungkutan.
Sumasabay pa rin siya sa lunch ng mag-kaibigang Tess at Alice pero sa magkabilang dulo ng canteen sila naka pwesto.
Yun nga lang, hindi nila maiwasang tingnan ng palihim ang bawat isa.
"Can you see that? They are avoiding each other, what do you think?"
Bulong ng isang estudyante sa kasamang mukhang flirt na tumatawag kay Tess ng bitch."Yah, im not blind no? I think they just have their first LQ, huh! I'll take this chance, while Jerome is in deep melancholy. Watch me!"
Nakangusong sagot naman nito.Mabilis na tumayo ang babae at lumapit sa table ni Jerome.
"Hi, mind if i join you? My friend over there, just annoyed me!"Dumilim ang mukha ni Jerome.
"Bakit dito pa? Ang dami namang bakante diyan o! Please leave me alone, i dont need company,okey?"Pero hindi nagpaawat ang babae. Buong kaartehang hinila ang upuan sa tapat ng binata at exaggerated na umupo nang hindi inaalis ang ngiti sa pulam pulang labi habang malagkit na nakatitig kay Jerome.
"I said, leave me alone! Cant you understand what im saying, do i need to tell it in english?"
Madiin ang pagkakasabi ni Jerome, halatang nagpipigil ng galit o inis."H-huwag mo naman akong itaboy please?"
Nawala bigla ang pagiging englisera ni ate."Fine, stay with all your might, i'll be the one to leave!"
Sabay buhat ni Jerome ng sariling tray at lumipat sa ibang mesa.Marami ang nakapansin sa ginawa ni Jerome kabilang ang magkaibigang Tess at Alice.
Nagdulot ito ng sari saring reaction at comment. May natawa at may nainis ang iba'y nagkibit lang ng balikat.
"Suplado talaga at masungit ang taong to!" Hindi naitago ni Tess ang pagsimangot.
Kahit sa oras ng uwian ay naka-tugaygay si Jerome kay Tess.
Mag aabang siya sa parking lot habang naka sandal sa motor o di kaya'y nakaupo na kunwari ay handa nang umalis.
Pero saka pa lang niya paaandarin ang sasakyan kapag nakasakay na ng jeep ang magkaibigan at susundan niya ito nang lihim para tiyakin na makaka-uwe nang safe si Tess.
**(Huhuhu, kawawa naman si Jerome!)**
"Anong nangyayari sa inyo ni Mr. Right? Bakit biglang bigla na lang kayong nag iwasan, pero nagti-titigan naman ng lihim. Sabihin mo nga sa akin Maritess, ano ba talaga ang mayron sa inyo ni pogi?"
Nakangising tanong ni Alice habang nakatanaw sa labas."Wala!" Maikling sagot ni Tess sabay sandal sa balikat ni Alice nang nakapikit.
"Anong wala? Gayong dati rati nag uusap kayong parang wala ako sa harap niyo at ngayon biglang naging stranger na sa isat isa. Pero... si pogi, playing secret body guard mo, ayy kilig!"
Napamulat ng mata si Tess.
"Anong ibig mong sabihin?"Inginuso ni Alice ang black rider na nasa likod ng pagitan nilang jeep.
"Kanina pa yan nakasunod sa atin no?"
Sumikdo ang puso ni Tess sa tindi ng awa sa binata.
"Jerome...""Ano, magkakaila ka pa? Sabihin mo na kasi kung anong meron kayo para tatahimik na ako!"
Walang nagawa si Tess kundi ang ikuwento lahat mula sa umpisa hanggang sa mga sandaling iyon ang lahat ng nag ugnay sa kanila ng binata at kay Gil.
Kung tutuusin, kailangan niya din naman nang mapag-hihingahan ng bigat ng loob na hindi niya magawa sa mga ate niya.
Manghang mangha si Alice sa mga nalaman.
Naghalohalo ang awa, panghihinayang at paghanga sa buhay at kapalaran ng bagong kaibigan.Emotional na yumupyop si Tess sa balikat ng kaibigan. Nasa isang park sila ng mga oras na yun at pinagtitinginan ng mga dumadaan.
"Kaya mo yan friend. At tama ang ginagawa mong pag iwas although sayang si Jerome. Sana sa akin na siya bumaling, haaay!"
Nagpatuloy sila sa pag iiwasan kahit hirap na hirap ang loob ng bawat isa.
May mga pagkakataon na gustong gusto nang sumuko ni Tess.
"K-kung wala lang akong asawa, kung w-wala lang si Gil...K-kung nakilala na kita noong panahong hinahanap ko pa lang si...ang a-asawa ko, hindi ako magda-dalawang isip na papasukin ka sa buhay ko, huhuhu! Tama nga sila sa...Dapat, dalawa ang puso ng tao at pweding magmahal ng higit sa isa."
***Salamat sa nag post ng video na to, pahiram lang ako ha?***
Kahit ganun ang nararamdaman ay pilit na nagpakatatag si Tess, dahil sa timbangan ng kanyang puso ay nakalalamang pa rin si Gil sa pagmamahal niya.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Namalayan na lang nila na matatapos na pala ang school year.
"Ang bilis ng panahon no? Next enrolment,
second year na tayo,excited na ako friend!"Masayang sabi ni Alice habang lumilipad ang utak at mga mata ni Tess sa isang bahagi ng canteen kung saan malungkot na nakayuko at mag isang kumakain si Jerome.
Mula nang unang araw na makita niya doon ang binata ay madalang niya itong makita na may ibang kausap o kahalubilo.
Ibang iba kay Gil na masayahin at palakaibigan, laging bida sa umpukan o sa mga gatherings,
palibhasa sikat at anak mayaman.Kung tutuusin, sila sana ang bagay ni Jerome. Magkapareho sila sa maraming bagay, mula sa katayuan sa buhay, sa ugaling pagiging loner, sa pagiging suplado at piling tao lang ang gustong kausap pero mabait naman.
"Isang taon na lang at mawawala ka na sa paningin ko. Im sorry Jerome, nagkatagpo tayo sa maling panahon!"
"Hoy,daldal ako nang daldal dito pero iba naman ang kina-kausap ng isip at puso mo!"
Nagulat si Tess sa biglang paghampas ni Alice sa braso niya.
"Ha? P-paano mo nalaman? I mean,
anong pinagsasasabi mo diyan? T-tara na nga, kung ano anong nakikita mo!""Ako? Baka ikaw! Huli na nga, magkakaila pa...Sige, ikaw din, baka sumabog yang dibdib mo pag di mo inilabas yan sa akin!"
"Pshhh!"
Nagpauna nang lumabas sa canteen si Tess pero parang may magnet na hinila ang paningin niya sa gawi ni Jerome. Nagyakap ang mga mata nila.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...