Chapter 14: Birthday surprise

447 12 0
                                    

"Aling Pilar itong anak niyong si Tess ang magdadala sa inyo ng swerte dahil sa ganda niya,malamang na magiging miss universe ito!"

"Hindi naman,
masyado namang napakataas ng pangarap na iyan para sa anak ko aling Pining!"

"Ay naku,basta tatandaan niyo aling pilar, bago mag disi otso si Tess ay aangat ang buhay niyan,magiging prinsesa o reyna iyan!"

"Siya sige,tatandaan ko! Ito talagang si aling Pining oo, umiiral lagi ang pagiging desperadang manghuhula kapag nakakaharap ka!"

"Anong sinasabi ni aling Pining nay?"

"Naku,wag mong intindihin ang sinasabi niya, pitong taong gulang ka pa lang kaya malayo pa ang sinasabi niya!"

"Pero maraming tatagas na luha sa kanya!"

Parang kinilabutan si tess sa alaala ni aling Pining.
Seventeen pa lang siya ngayon pero parang prinsesa o reyna siya kung ituring ni Gil.

"What are you thinking now?"
Nagulat pa siya sa tanong ng doctor.

"Ah,w-wala doc. Its just this woman,aling Pining na sobra sobra ang paghanga sa akin!"

Napatuwid ng upo ang doctor.
"Tell me everything you remember about her!"

Saglit na nag isip si Tess.
"Ahm, ano siya,
sabi ni nanay eh desperadang manghuhula. Manghihilot at albularya din siya.
Pag nasasalubong ko siya o namin ay pinipisil niya ang pisngi ko at tinatawag niya akong prinsesa o reyna,minsan miss universe!"

Tumango tango ang doctor at ngumiti na parang sumasang ayon.

Napapahiyang nilingon ni Tess ang asawa na naka upo sa malayo.

"Any one else? Lalaki halimbawa,wala bang nagtangka sa iyo?"

Nahulaan ni Tess ang tinutumbok ng doctor.
"You mean ,molesting? Sa abot ng alaala ko doc ay wala naman. Hindi ako kailan man napabayaang mag isa kahit saan,palibhasa'y ako ang bunsong babae sa amin!"

Tumango tango uli ang doctor habang tuloy pa rin sa pag-scribble.

Maya maya ay kumuha ng calling card sa drawer niya.
"We'll have a meeting again next month. And if you remember anything that will lead closely to what we are trying to find out,just call me okey?"

Tumango si Tess. Nang makitang tumayo na ang asawa ay lumapit na rin si Gil sa dalawa.

"Mr.Revera, sa ngayon ay wala pa akong nakikitang kakaiba kay misis. Normal ang kabataan at nakaraan niya. So, i think all you have to do is continue courting her and add more patience!"

Ngumiti si Gil kahit bakas sa mukha ang lungkot dahil magtitiis pa rin pala siya. Wala pa ring solusyon ang problema niya.

Kundi lang sobrang mahal niya ang babaing ito, pinalitan na sana niya ng ibang makapagbibigay ng pangangailangan niya.

"Yes doc, i will do my very best to win my wife's heart completely!"

Tinapik ng doctor ang balikat ni Gil.
"Well then i wish you the best of luck, and hope to hear it from you very soon!"

"Thank you doc, in God's will..."
Nagshake hands sila bago tuluyang lumabas ng clinic.

Mula noon,palagi nang may sorpresa si Gil kay Tess.

Minsang sinundo ni gil sa school ang asawa,hindi agad niya ito iniuwe.
"Saan mo ako dadalhin,may assignment akong gagawin ngayon!"

"I'll help you do it mamaya. Nakalimutan mo na bang suma cumlaude ang asawa mo?"

"Hus yabang,if i know binayaran lang ng parents mo ang principal haha!"

"Silly girl!"

"Joke lang,alam ko namang matalino ka talaga! Pero saan ba talaga tayo pupunta?"

"We're almost there,have patience please?"

Tumigil ang kotse ni Gil sa isang sea foods restaurant.
"Susme,pakakainin lang pala ako ng lobster,alimasag at oyster hindi pa agad sinabi!"

Ngumiti lang si gil at inalalayan na ang asawa sa pagpasok.
"O bakit sobrang dilim,sarado pa ata! Wala ka bang reservation?"

"Hush, huwag kang maingay,there must be some one sleeping here!"
Inakay niya si Tess sa isang madilim na kuwarto.

"Mr.Revera,what are you doing to me? Can you please let the lights on?"
Galit na si Tess.

"Okey, as you wish!"
Biglang nagbukas ang mga ilaw at nagulat si Tess nang makita ang kaibigang si Minnie na may hawak na malaking box.

"Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong niya sa nakangiting kaibigan.

"Mamaya na ang tanong,we're running out of time. Sige na Gil,iwanan mo na kami,ako na ang bahala sa reyna mo!"

Nagtataka pa rin si Tess pero hindi na siya kumibo. Hinayaan niya na si Minnie sa kung ano man ang gagawin niya. Alam niyang sorpresa ito ng asawa niya sa birthday niya na inakala niyang walang nakaalala.

"O hubad na at isuot mo ito,papasok na ang beautician maya maya!"
Naiiyak na sumunod si Tess,ni hindi na niya napansin kung gaano kaganda ang suot. kulay blue na dress at may combination na beige na lace at may mga crystal at sequins.

Pumasok ang baklang beautician at inayusan siya.
"Dyaraaan,ready na ang queen of the night!"

"Lets go out na!"
Sabi ni Minnie sa tulalang kaibigan na naghihintay na lang ng mga susunod pang mangyayari at kung sino sino pa ang dadatnan sa labas.

Maliwanag na ang buong restaurant na nade-dekorasyunan ng mga baloon at sari saring makukulay na bulaklak.

Pumailanlang ang napaka-gandang music.

Nakita ni Tess ang lahat ng mga mahal niya sa buhay. Pati ang kuya Diego niya na hindi nakadalo noong kasal niya ay naroon din. Kompleto din ang mga inlaws niya,mga ninong at ninang nila pati mga classmates niya ay present din.

Hinanap ng mga mata niya ang asawa. Naroon ito sa pinaka stage katabi ang kapatid niyang si Francis at ang dalawang bayaw niyang teen ager at iba pang mga kabataang lalaki. Lahat ay naka coat and tie at may mga hawak na red roses.

"C-cotillon? Debut ko?"
Lingon niya sa umaalalay sa kanyang si Minnie na ngumiti lang.

Ibinalik niya ang tingin sa stage,napaka guwapo ni Gil sa suot na kulay asul na coat at may panloob na beige,terno sila.

Nang paakyat na siya sa stage agad siyang sinalubong niGil kasabay noon ay pumailanlang ang 'power of love' ni Celine Dion.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon