Chapter 94: Second heart breaker

309 10 0
                                    

Bago pa tuluyang magkainitan ang dating mag asawa ay namagitan na si Mike.

Kinausap nito ng hiwalay at sarilinan ang kaibigan at hipag. Nang bumalik sila sa pag uusap ay mas naging maayos na ang lahat saka pa lang inilabas ni Tess ang preliminary design niya na sinang ayunan nina Mike at ng architect.

Lihim namang humanga si Gil sa dating asawa pero hindi siya nagpahalata dahil bahagi iyon ng usapan nila.

Naging maayos ang brainstorming bagay na ipinagpasalamat ni Tess ng lihim. At least nakapag umpisa na siya at isang linggo siyang hindi muna kailangang magpunta.

"At least isang linggo ko siyang hindi makikita. Pupuntahan ko si Jerome mamaya ,mukhang nagtatampo pa rin hanggang ngayon ah!"

Pagkatapos ng klase ay dumaan muna sa isang pizza house si Tess para dalhin sa condo ng nobyo.

Habang hinihintay niya ang order ay tinawagan niya ito pero hindi siya sinasagot.

"Nagtatampo pa rin talaga. Okey fine, sosorpresahin na lang kita, tutal may sarili akong susi!"

Pagkatapos ng halos isang oras ay narating ni Tess ang condo ng nobyo. Kumatok muna siya ng tatlong beses, pero nang walang sumasagot ay nagpasiya na siyang kunin sa bag ang spare key para buksan ang pinto.

Nang isusuot na niya sa keyhole ang susi ay nagulat siya sa malakas na boses ng kasintahan, galit na galit ito.

"Bakit ba ayaw mo akong tantanan, ayoko sa yo!"

"Huh, sino kayang kaaway?"

Saglit lang at nasagot na agad ang tanong sa isip niya.

"Buntis ako at ikaw ang ama!"

Parang nabingi si Tess sa lakas nang pagsabog na narinig pero hindi agad siya nagreact. Hinintay muna niya ang isasagot ng nobyo.

"Kagustuhan mong mag isa yan kaya huwag mo akong idadamay. Ikakasal na kami ni Tess at huwag na huwag mong sisirain ang mga plano namin!"

"Jerome mahal kita. Mas una kitang minahal kaysa sa kanya, unang kita ko pa lang sa yo,gusto na kita. K-kaya nasasaktan ako tuwing nag uusap kayong parang wala ako sa harap niyo! Ang sakit nun Jerome, ang sakit sakit!"

"Alice?!"
Parang sinasaksak ang puso ni Tess, nagsisikip ang dibdib niya.

"Bitiwan mo ako, im sorry kung nasasaktan ka, pero hindi ko ginustong mahalin mo ako! Kaya nga ako hindi naki-kipaglapit kahit kanino sa school dahil ayokong mapasubo sa mga babaing hindi ko gusto!"

"Pero buntis ako Jerome, panindigan mo lang ako kahit hindi mo ako mahalin, papayag akong makihati kay Tess, please?"

Hindi na kinaya ni Tess ang susunod. inikot niya ang susi at nagmamadaling pumasok sa loob.

Parang nakakita ng multo sina Alice at Jerome, biglang nakalas ang mga braso ng babae sa bewang ng binata.

Halos tumigil naman ang ikot ng mundo kay Jerome dahil sa sobrang takot at pag aalala kay Tess.

"Kaya pala ayaw mo akong kausapin at iniiwasan mo ako, dahil inaahas mo na pala ang fiance ko!"

Naniningkit ang mga matang bungad ni Tess sa natulalang kaibigan.

"B-babe, wala kaming relasyon, huwag kang magalit sa akin babe, hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin, nilasing nila ako!"

Nanginginig ang buong katawan ni Tess, para siyang hihimatayin sa sobrang galit, hinanakit at pagkalito.

"Nila? Anong ibig mong sabihin ng 'Nila'?"

Umiiyak na nilapitan siya ni Alice.
"Tess sorry, inutusan ako nina Hazel na magsinungaling sa inyo ni Jerome. Pinaimbitahan nila siya sa akin at palalabasin namin na sosorpresahin ka ni Jerome sa slumber party kaya hindi sasabihin sa yo na pupunta siya. Pero alam nilang hindi ka dadalo kaya masosolo namin si Jerome. Nilasing namin siya para mapag-samantalahan ni Hazel. Pero gumawa ako ng paraan,
nagsakit sakitan ako  para maihatid ako ni Jerome pauwe sa amin. Wala doon ang parents ko kaya madali ko siyang napapayag na may mangyari sa amin!"

Mahabang paliwanag ni Alice sa pagitan ng mga sigok at hikbi.

"P-pumayag ka naman?"
Hilam sa luhang sumbat nito kay Jerome.

"I was drunk, wala na akong kontrol sa sarili and that time ang tingin ko sa kanya ay ikaw. I made love with her while my mind is with you! Nung matapos ang lahat, nangako siyang hindi maghahabol at kalilimutan naming pareho ang nangyari!"

Pulang pula na rin ang mukha ni Jerome, sa pagpipigil na umiyak.

"W-wala talaga akong balak maghabol kung hindi ako nadelay nang six week. At nung isang araw,
nagpa check up ako at confirm na buntis nga ako!"

Naalala ni Tess na nakita niya itong naglalakad na parang wala sa sarili at mukhang windang na windang.

"Kung ganun, wala na akong pakialam sa inyo. Kung anu man ang ginawa niyo,
ayusin niyong dalawa!"

Inihagis ni Tess sa sahig ang dalang pizza.

"Ayan kainin niyo pagkatapos!"

Walang lingon likod siyang tumakbo palayo.
"Babe, wala akong kasalanan, ikaw ang mahal ko babe, ikaw lang!"

Pagdating sa baba nakasakay agad si Tess ng taxi at saka pa lamang pinalaya nang lubos ang mga luha.

"Saan po tayo maam?"
Tanong ng driver.

"Bakit ba ang malas malas ko Lord, wala ba akong karapatang sumaya?"

"Po?!"
Nagtatakang tanong ng taxi driver.

Ayaw pa niyang umuwe, ayaw niyang makita siya ng ate niya sa ganoong kalagayan.

Saan siya pupunta para ibuhos ang lahat ng luha? Kailangang bago siya umuwi ay said na ang mga luha niya.

Punta kaya ako ng CCP at magbike habang umiiyak? O di kayay sa luneta. "Uminom na lang kaya ako?"

Bigla niyang naalala sina Bobby, Greg, Alan at Orly.

Sinabi niya ang direksiyon sa driver, saglit pa at naroon na siya sa ihaw ihaw.

Nakita agad siya ng apat habang papasok siya sa entrance. Nakasalang ang mga ito kaya kitang kita nila ang pagdating niya.

"Wow, we have a very special guest tonight, i just hope she will agree to come up here on stage and join us!"

Alam ni Tess na siya ang tinutukoy ni Allan pero hindi niya ito pinansin. Tumuloy tuloy siya sa loob at umupo sa single table na laging inuupuan ni Edward.

Umorder siya ng beer, tiwala siya na kahit malasing siya ay hindi siya pababayaan ng apat.

Malapit na niyang maubos ang isang bote, mala inibay na siya nang may biglang umupo sa harap niya at naglapag ng dalawa pang bote ng beer.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon