"Hindi mo ako pwedeng galawin, halikan o hawakan sa lahat ng parte ng katawan ko hangga't hindi ako ang magkusa. Ibig sabihin hanggat hindi kita natatanggap nang tuluyan!"
Halos bumagsak ang mundo ni Gil sa narinig.
"K-kahit sa kamay hindi kita pwedeng hawakan?""Pwede sa kamay kapag kinakailangan lang. At kapag hindi ka papayag,itutuloy natin ito sa korte!"
Alam ni Gil na mahina ang depensa nina Tess laban sa kanya pero mas gusto niya ang kondisyon ng dalaga dahil tiwala siyang mapapaibig niya ang dalaga sa lalong madaling panahon at malaki ang chance niya ngayong malapit na silang tumira sa iisang bubong.
"Sure sweetheart,
payag ako. Pero hayaan mong ligawan kita oras oras minu-minuto!""Okey!"
Balewalang sagot ng dalaga."YES! "Halos tumalon sa tuwa si Gil. Buo ang loob niya na hindi siya maghihintay ng matagal at maaangkin niya din ng lubusan ang babaeng pinapangarap ng mahigit dalawang taon.
Pagbalik nila sa loob nag thumbs up si Gil sa ninong niyang mayor
na ikinangiti nito."Buweno,ngayon ay pag usapan na natin ang mga detalye ng paghahanda sa harap ng masarap na hapunan!"
Sabi ng mayor.Inutusan naman ni Gil na isilbi na ng mga crew ang mga pagkain at inuming dala nila.
"Gusto ko sana na magkaroon ng engagement party sa bahay para burahin sa isip ng mga kaibigan ni Gil na ayaw sa kanya ni Tess. P-pagtatawanan kasi siya ng mga k-kaibigan niya, i mean..."
Si mrs.Revera."Clarissa,hindi na kailangan yan! Pag ikinasal na sila, automatic na titigil na ang mga ito!"
"I insist,magkakaroon ng engagement party sa bahay ,magpo-propose doon si Gil kay tess sa harap ng mga bisita na karamihan ay ang mga nakasaksi sa nangyari kanina. This is not only for Gil but for tess own good too! Hindi na nila iisipin na napilitan lang si Tess for some reason!"
Tumingin si Gil kay Tess. Nakakaunawang tumango ang dalaga.
"Payag kami ni Tess sa suggestion ni mommy!"
Sabi ni Gil."Buweno, gagawin natin yan next week sa bahay at doon na natin pag usapan ang lahat ng detalye sa kasal!"
Sabi baman ni mr.Revera na tila nabunutan ng tinik."Kung ako lang ang masusunod,hindi na sana kailangan iyan. Lalo na at hindi kami sanay sa mga magagarbong handaan. Baka puro amerkana't barong ang kailangang attire doon eh wala kami ng mga iyon!"
Buong pagpapa-kumbabang sabi ni mang Anton."Gagawin nating simple ang party balae,huwag kayong mag alala. Kahit si mayor ay magti-tshirt lang na pupunta. Ipagbabawal ko ang barong at coat sa party. Sina Gil at Tess lang magsusuot ng coat at dress!"
Nakangiting mungkahi ni mrs. Clarissa Revera."Kung ganoon sige,pumapayag na ako. Pero dito naman sa bakuran namin gaganapin ang kasalan at wala ring dress code. Malaya ang mga bisitang mag suot ng kung anong gusto nila!"
Si mang Anton uli."Sa isang kundisyon balae, papayag kang tulungan kita sa pagpapa-repair at paglalagay ng konting expansion sa bahay mo. Gusto ko lang na maging komportable ang mga bisita natin!"
Hindi agad nakakibo si mang Anton, tinimbang muna niya sa isip kung dapat ba siyang pumayag o hindi.
Pero tama ang ama ni Gil. Medyo luma na ang toilet bowl at may tulo na ang bubong. Masikip ang kusina bakbak na ang tiles ng sahig at lababo.
Nangako ang panganay na anak niyang si Diego na ipapaayos ang bahay pero,hindi pa niya alam kung kailan mangyayari iyon lalo na't naka distino pa ito sa zamboangga bilang sundalo.
"Sige,pumapayag ako balae." Maikli at nahihiya niyang sagot sa ama ni Gil.
Saglit pa at nagpaalam na ang mga bisita.
Nag flying kiss pa ang makulit na Gil sa nakabusangot na Tess.Dali daling umakyat si Tess sa kuwarto at nagtulog tulugan. Ayaw muna niyang makipag usap kahit kanino lalo na sa ate niyang makulit na si Chit.
Lima silang magkakapatid.
Si Diego ang panganay na isang 2nd. Leutenant sa army,pangalawa si Melba na bagong kasal sa tailoring shop owner na si Rudy, Si Chit na second year college sa ibang school,at siya ang bunsong babae, si Francis na third year high school sa school na pinapasukan din ni Chit.Bakit hindi sila sa iisang school nag aral? Dahil paaral sina Chit at Francis ng kapatid na oldmaid ni mang anton na si tiya Francia na isang hospital attendant sa maguindanao province.
Madaling nakatulog si Tess. Masyadong maraming nangyari sa araw na iyon at sobra siyang na-exhausted.
Kinabukasan,mga alas syete ng umaga nang may nagpa-tao po uli na dalawang lalaki.
"Ipinadala po kami ni mr.Revera para i-estimate ang mga kakailanganin sa pagpapa repair at expansion!"
Sabi ng mas nakatatanda.Itinuro ni mang Anton ang mga sira sa kusina at sa c.r.
Nagising si Tess sa malalakas na boses sa baba kaya bumangon na siya.
Naligo siya at nag suot ng short na pambahay, pagkatapos ay pumunta siya sa kubo sa likod ng bahay na ginawa ni mang anton na pahingahan.
Umupo siya doon at pinagmasdan ang mga tanim nila ni aling Pilar na mga roses, sunflower, daisy at sari saring ground orchids.
"May pakiramdam ako na tatanggalin kayong lahat sa araw ng... ng k-kasal ko!"
Kahit sa isip lang ay hirap si Tess na banggitin ang kasal niya.Mahilig si Tess sa mga halamang namumulaklak. Ito ang pinagkaka-abalahan niya pag walang pasok.
Nasa ganoon siyang pagmu-muni nang makarinig siya ng mahinang ubo sa likuran niya.
Muntik nang malaglag sa upuan ang dalaga sa sobrang pagkabigla. Hindi siya sanay na nagpapakita ng legs sa ibang lalaki kaya hindi niya alam kung papaano ito ikukubli kay Gil.
Halos lumuwa naman ang mga mata ni Gil sa haba,puti,kinis at ganda ng shape ng legs ni Tess.
"Wow bunos! I never knew na ganito kaganda ang legs ng future wife ko.
Ahm good morning sweetie!"
Hindi siya nagpahalata na tulo laway siya sa legs nito.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...