"Kaya mo pa ba, beautiful? Eto, tigisa pa tayo!"
Sabi ng lalaking umupo sa harap niya.Umismid siya sabay hablot ng bote at dire diretsong tinungga nang hindi na gumagamit ng baso.
"Nakahkatawa, hah! Maghanda raw ako, pero bhakit lagi na lang akong nasashaktan?"
Bigla siyang tumayo kaya natumba ang bote ng beer at muntik tumapon sa damit ni Edward.
"Easy, easy! Saan ka pupunta?"
Tanong nito."Sa stage, kakanta ako, ayaw mo bah? Dont worry, di kita sishingilin ng talent fee!"
Sagot niya habang pagewang gewang na naglakad papunta sa hagdan. Maagap naman siyang inalalayan ng binata.Pagdating sa stage iniabot agad sa kanya ni Allan ang microphone at agad na nagpasakalye.
Walang sabi sabing kinanta ni Tess ang 'I dont wanna talk about it' ni Rod Stewart. Buti na lang magaling silang humabol para ma-accompany ito.
Naging maayos naman ang pagkanta niya kahit medyo lasing na kaya inulan siya ng mga requested songs pero maagap na ibinaba siya ni Edward at saka tinawagan si Mike.
Habang hinihintay nila ang pagdating ni Mike, nagka chance si Edward na itanong kung bakit siya naglalasing na para bang may gustong makalimutan.
Pero kahit lango na ay maingat pa rin sa pagsasalita si Tess. Di man niya ganun kakilala ang mga kaibigan ng dating asawa ay alam niyang hindi nila pala-lampasin si Jerome kapag nalaman nilang ito ang dahilan ng melancholy niya sa ngayon, at kahit papano ayaw niyang mapahamak ang kasintahan na tutuong napamahal na sa kanya dahil sa umpisa pa lang ay nagawa na siyang pagbuwisan ng buhay.
"Wala lang, naishipan ko lang mag unwind hehe!"
Payak at walang buhay ang tawa ni Tess at kahit hindi sabihin, alam ni Edward na may pinagdadaanan ito.Nagkausap na sila kanina ni Mike at naikuwento na sa kanya ng kaibigan ang maiinit na salungatan kanina ng dating mag asawa.
"Mahal mo pa ba siya?"
Si Gil ang tinutukoy ni Edward."Dati, hindi. Pero ngayon oo, mahal ko na shiya. Kaya nga akho nasashaktan di bha?"
Pero si Jerome ang nasa isip ni Tess syempre."Dont worry, hindi ka nag iisa, pareho tayo. Hindi kaya tayo ang meant for each other kaya hindi tayo magsucceed sa love?"
"Eh khung bigwashan kita, paphayag ka bah?"
Natatawang tanong ni Tess kay Edward,
palagay na ang loob niya dito at ilang beses na rin niyang napatunayang mabait at mapagka-katiwalaan ang doktor."Ayaw ko nang 'big wash', malinis na ako, a tiny wash for me can do, haha! Kidding aside, im serious Tess. Kung wala ka lang boyfriend ngayon,
kukulitin kita para mapasagot at maging girlfriend, hanggang maging wife kita!"Sinabayan ni Edward ng kindat ang sinabi. Kahit mala-inibay o medyo lasing na ay hindi naiwasan ni Tess ang magblush. Buti na lang at dati nang mapula ang mukha niya kaya hindi napuna ng kaharap.
"Ikaw ha, phinag-titriphan mo na naman akho!"
Sabay tungga ng natitirang laman ng bote.Bahagyang inilapit ni Edward ang mukha kay Tess. Dahil maliit lang ang Mesa, halos dumikit na ang labi ni Edward sa noo ni Tess.
"Lokho khang Edward kha ah!"
Naiilang at walang malamang gawin na inagaw ni Tess ang boteng hawak ng binata at walang pakundangang tinungga ito.
Nang maubos ang laman ay padarag na inilapag ni Tess sa mesa ang bote at halos maduling na nakipagtitigan nang malapitan kay Edward.
Hindi inaalis ng binata ang mga namumungay na mga mata sa pagkakatitig kay Tess.
Pinagmasdan ni Tess ang kabuuan ng mukha ni Edward. In fairness guapo din talaga ito at napakalaki nang pagkakahawig nila ng dating asawa.
"Shige, pag nakipag break akho khay Jerome, bibigyan khita ng chance na manligaw. Phero hinde ibig shabihin na one hundred phercent kah nang may phag asa. Shempre dadaan kha sa mahabhang proseso at evaluations. Phayag kha bha?"
Nagningning ang mga mata ni Edward sa tuwa, hinawakan niya ang mga kamay ni Tess at saka inilapit ito sa mga labi.
Parang napapasong hinablot ni Tess ang mga kamay.
"You are being too fast. Shabi kho, khapag nakipag break akho khay Jerome. Phero hanggat hindhi pha kami hiwalay, wala khang kharapatang gawin tuh, okhay?"
Muli siyang tumayo at dahil lasing na,
malambot na ang mga tuhod dahilan para ma off balance si Tess.Mabuti na lang at maagap siyang nasalo ng binata at yun ang tagpong inabutan nina Mike at Gil.
"What's goin on here?"
Malakas ang boses na tanong ni Gil na halatang nagselos sa paraan ng pagkaka-hawak ni Edward sa katawan ng dating asawa.Nasa bandang likuran ni Tess si Edward habang nakasandal nang patingala ang ulo nito sa balikat ng binata na sapo ng kaliwang kamay habang ang kanan ay nakapwesto sa tiyan ni Tess.
Nakakapanaghiling tagpo kaya hindi maiwasan ni Gil ang manibugho.
"S-she almost fainted, i will take her to your car bro, where did you park?"
Nauutal na sagot ng binata na kay Mike nakatingin dahil alam niyang nagdidingas na ang mga mata ni Gil.Lumapit si Gil at akmang kukunin si Tess.
"Let me do it!""B-but..."
Hindi na natapos ni Edward ang sasabihin dahil biglang nagmulat ng mga mata ang babae at yumapos sa leeg nito."T-take me home Edward phlease?"
Sabi niya habang namumungay ang mga mata."NO!"
Napalingon si Tess kay Gil dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito.
Lumapit na rin sina Allan, Orly, Greg at Robert o Bobby."Shays who? Ah my ex hushband! Doesh hyour whife know that you slip out from her shide?"
Pasiring niyang tiningnan ang dating asawa habang hawak pa rin ang leeg ni Edward.
Kulang na lang ay sumabog na sa galit at selos si Gil.
"She's not in the country right now! She's..."
Kumalas si Tess kay Edward at mabuway ang tayo na hinarap si Gil at dinuro sa ilong.
"Her bheing hout of the counthry doeshnt mean youre free to cheathh herr!"
Inilagay ni Gil ang isang kamay sa bulsa at ang isay hinuli ang daliri ni Tess na dumuro sa kanya.
"Who said, im cheating on her? Im just helping Mike here to bring you home!"
Parang sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha si Tess, bigla siyang natauhan dahil sa pagkapahiya.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...