Eksaktong isang linggo na si Tess sa hospital nang may dalawang pulis na dumating.
"Good morning mr. Revera, kukunan lang sana namin ng statement ang biktima,baka pwede na siyang makausap!"
Umakyat ang dugo sa ulo ni Gil pero nagpigil
Siya."Excuse me? Are you pertaining to what was happened to my wife?"
Nagkatinginan ang dalawang pulis. Nahalata nilang iritable si Gil dahil sa paraan at tono ng pagkakatanong nito.
"G-ganun na nga sir!"
"Hindi ba dapat,ako ang magtanong sa inyo nang tungkol diyan? Isa pa,hindi ba't ipina pending ko muna ang kaso dahil ayoko'ng ma-pressure ang asawa ko? Dapat,hintayin niyo kung kelan ko kayo ipapatawag o pupuntahan!"
Sabi pa nito sa matigas na tono. Napailing ang isa sa mga pulis.
"Sir,ginagawa lang po namin ang mga trabaho namin para sa ikalulutas ng krimen na muntik ikapahamak ng asawa niyo! Iba po yung kayo ang nag request at iba din po yung obligasyon namin!"
Palaban na sagot ng isa." I understand, but dont act like my wife was the suspect instead of being the victim here!"
Ipinamulsa ni Gil ang mga kamay para itago ang panginginig ng mga ito sa sobrang pagkainis. Sumulyap siya kay Tess at napuna niyang nanginginig din ito at namumutla.
Agad niyang nilapitan ang asawa at niyakap ito.
"Look what you've done! Umalis na muna kayo at hintayin niyong ako ang pupunta sa inyo,dont stress my wife,may trauma pa siya!"Siya namang pasok ni mrs Revera at nang personal assistant nito na may dala dalang mga pagkain at prutas.
"What's going on here? Iho,why are you so nervous?"
Tanong ng nag aalalang ina ni Gil.Hindi sumagot si Gil,sa halip ay lalong hinigpitan ang yakap kay Tess na halatang takot na takot.
"Ano pa ang hinihintay niyo,you may go,now!"
Muli niyang tinapunan ng matalim na tingin ang mga pulis."Ah,s-sige po sir,maam,aalis na po kami.Maam,Magpa-galing po kayo!"
Napapakamot sa ulong nagpaalam ang mga ito sa mag asawa at saka tumango kay mrs Revera.
"Maam,mauna na po kami!"
"Sige po officer,
pasensiya na and thank you for understanding!"Tinapik pa ni mrs Revera ang balikat ng isa sa mga pulis habang iginigiya ang mga ito sa pinto.
Nang wala na ang mga pulis,pinag-sabihan ng ginang ang anak.
"What's wrong with you son? "
Hindi agad sumagot sa ina si Gil. Tumayo siya at nagsalin ng tubig sa baso at inisang inom ang laman nito. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya.
Pagkatapos ay muli siyang nagsalin at iniabot kay Tess. Lalo siyang nakaramdam ng inis nang makita ang sobrang panginginig ng mga kamay nito habang inaabot ang baso.
"Tsk! See mom? Paanong hindi ako magagalit? As much as possible ay iniiwasan ko munang maungkat ang nangyari until she is fully recovered dahil inaasahan ko na ito! Sino ba ang ayaw na mahuli ang gumawa nito sa asawa ko at pagbayarin sa ginawa niya?"
Naaawang napatingin si mrs Revera sa manugang na sapo sa dalawang nanginginig na kamay ang baso ng tubig at halos lumigwak na ang laman sa sobrang vibration.
"Poor girl,she must be very traumatized!"
"Exactly my point!"
Si gil."Uhu uhu uhu!"
"C-careful sweetheart,take it easy!"
Maagap na hinagod ni gil ang likod ng asawa.Nang mahimasmasan si tess sa pag ubo ay tumulo ang mga luha niya.
"Hush baby, its alright now. Hindi ka na nila guguluhin,i wont let them..."
"M-may ipagtatapat ako t-tungkol sa nangyari."
Muling nanginig ang mga kamay ni Tess pati ang mga labi ay nangangatal.
"Shhh,not now! Saka ka na magsalita ng tungkol diyan kapag magaling at malakas ka na!"
Saway ni Gil sa asawa."H-hindi,kailangang malaman niyo ang tutuo!"
"Anong tutuo yang sinasabi mo Maritess?"
Magkaka-sunod na pumasok sina Melba,c
Chit at Mike."Ano ang ipagtatapat mo?" Ulit na tanong ni Chit.
"Please,if it will be going to hurt or stress you more,dont be in a hurry, it can wait!"
Pigil ni Gil kay Tess.Umiling si Tess habang sige pa rin ang pagtulo ng mga luha.
"K-kaya ko na, kakayanin ko na! B-baka may isang inosenting magdusa nang walang kasalanan!"
Sinapo ni Tess ng dalawang palad ang sariling mukha at nagpatuloy sa paghikbi.
"What do you mean by that?"
Maang na tanong ni Gil.Hindi naman nakakibo sina Melba at Chit habang tahimik lang na naghihintay sina Mike at mrs Revera.
"A-ako! Ako mismo ang gumawa nito sa s-sarili ko! Im so sorry..."
"No! Why?"
Hindi maka-paniwalang tanong ni Gil."A-ano ba talaga ang nangyari Tess?" Halos sabay na tanong ng mga ate niya.
Nagpahid ng luha si Tess at pilit na pinatatag ang sarili.
"S-sobrang lungkot ko nang gabing yun,
pag alis niyo uminom ako ng cough syrup ginaya ko yung ginawa ng crooner sa kahalili naming banda saka ako uminom ng isang basong beer. Sabi ng unggoy na yun,sisigla daw ang pakiramdam ko pero lalo lang akong tumamlay."Pasabunot na sinuklay ni Gil ang sariling buhok saka tumalikod. Nahihiya siya sa ina at kaibigan,hindi niya matanggap na sinubukan ni Tess na gawin ang ganoong kalokohan .
"Why? Why did you try such foolishness to ruin your self?"
Namumula ang mga matang sumbat ni Gil,kaunti na lang at sasabog na siya.
"Foolishness? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan! At ano ang tawag mo sa pagpapanggap niyo ng ilang buwan,ang pasakitan ako sa pagtawag mo sa akin ng ibang pangalan habang hinahalikan mo ako? Sa mga pang iinsulto mo sa akin at papaniwalain akong burado na ako sa alaala mo,sa tingin mo hindi mo sinira ang buhay ko nun? You started it!"
Isinubsob ni Tess sa tuhod ang mukha at humagolgol. Noon lang kumilos sina Melba at Chit para lapitan siya.
Namumula ang mga matang sumulyap si Gil sa ina na noo'y napayuko na.
"I-im sorry,hindi ko planong manumbat,n-nabigla lang ako..."
Bumaba ang tono ni Tess."A-ano ba talaga ang nangyari?"
Tanong ni Chit.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...