Chapter 25: The therapist

433 10 0
                                    


Tess P.O.V.

Hindi ko na namamalayan na nakaubos na pala ako ng apat na bote, palibhasa'y hindi ko nalasahan ang pait dahil sa yelo.

"Oh kayoh, bahket de kayoh umhinom? Daya niyo naman eh,sabhayan niyo akoh!"
Garil na ang dila ko sa pagsasalita.

"Tess tama na iyan ha? Siguro naman,kahit paano eh namanhid na iyan, di ba?"
Saway ni ate Melba na dinutdot pa ang tapat ng puso ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Sus, wala pha ngang tama eh! Shabayan mo na lang akho,bute pah..."

"Tsk, tigas ng ulo mo!"
Naiiling na pinagbigyan ako ni ate Melba pero parang sinisimsim niya lang ang laman ng baso at halos 1/8 lang ang beer dahil mas lamang ang yelo.

"Shana nga sin tigash din ng ulo kho ang phuso koh, di sana akho nasashaktan ng ghanito, di bha?"

Namumungay ang matang tumunghay ako sa kanila. Hindi naman sila kumibo.

"Nakhakatawa lang eh,haha! Ni wala nga akhong crush sha school, wala akhong pinanshin sa mga nagpapalipad hangin sa akhin at wala akhong balak magpaligaw dahil wala akhong planong makipag 'boyfriend', taposh... taposh sa ishang iglap, sa ishang kisap mata... haha!"

Nagpakawala muna ako ng fake at mapaklang tawa at saka tumingin sa dalawang kaharap ko.

"Sha ishang wasiwas lang ng magic wand ni... ni gil naging ashawa niya akoh?
Haha!"
Sabay tungga uli ng beer.

"Tapos ano? Ito akho, mag ishang umiiyak, mag ishang nalulungkot habang sha,masayah sa piling ng iba. Unfair di bha? Napakha unfair, dahil ni hindi ko ginustong maging ashawa niya ni hindi ko hinangad na maging ghirlfriend niyah, bakhit ganoon? Daphat nag aaral akho ngayon, daphat hindi ganito ang buhay ko, di bah?"

Nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata ni ate Melba pero nakatingin lang siya sa akin.

"Bahkit kailangang mawalan akho ng pangarap,bakhit kailangang mangyari sha akin toh,BAHKIIIT?"

Napatayo na sina ate Melba at kuya Rudy.
"Ang kapatid ko, ang kawawang kapatid ko!"

Naramdaman ko ang pagyakap ni ate Melba sa likod ko.
"Bumangon ka Tess,mag aral ka uli, ituloy mo ang mga pangarap mo,tutulungan ka namin ng kuya mo!"

"Paphano pa bang mangaraph ateh,paphano pa bhang bumangon kung ganitong bhinabangungot akoh?"

Iyon na ang huling natatandaan kong sinabi ko nang gabing iyon.

☆☆☆

Samantala sa bahay ng mga Revera,nasa dining area sina mrs.Revera,Gil at Princess.

"Mom, yesterday, may nangyari ba sa labas?"
Tanong ni Gil sa ina habang nakatungo sa pinggan niya at naghihiwa ng hotdog.

Nagkatinginan sina mrs.Revera at Princess.
"W-what do you mean iho?"

"A-a mom, b-baka yung mi-misis ni Billy. Y-yung g-guard na si Billy hihi!"

Utal na sabat ni Princess. Tiningnan siya ni mrs.Revera na hindi masakyan ang ibig sabihin nito.

"D-di ba du-dumating yung mi-misis ni Bi-Billy na g-galit?"

Napaawang ang bibig ni mrs.Revera.
"Oh,y-yah,i almost forgot!"

Napaangat ang ulo ni Gil at tumingin ng diretso sa mata ng ina.
"I heard my name, some one called my name but im not sure if its really me dahil hindi niyo naman ako tinawag dito sa loob para labasin..."

"K-kasi nga hindi naman talaga ikaw yung tinawag iho kundi si B-Billy!"

"O-oo nga hon, si manong guard yung tinawag. Sabi niya, "BIL LUMABAS KA BIL,  KAUSAPIN MO AKO!"
Panggagaya pa kunwari ni Princess.

Parang walang narinig na ibinalik ni Gil ang atensiyon sa pagkain.

Nagkatinginan uli sina mrs.Revera at Princess.
"Sige na hon,bilisan mo na diyan at 10:00am ang appointment natin sa therapist mo."

"Bahala ka na muna kay Gil ngayon iha dahil hindi ko kayo masasamahan ng asawa mo at may lalakarin akong importante ngayon!"

"Okey lang mommy,ako nang bahala sa asawa ko. Lets go hon?" Walang emotion na tumango lang si Gil.

Marahang itinulak ni Princess ang wheelchair ni Gil pabalik sa bedroom para tulungang gumayak ang lalaki.

Ilang sandali pa,sakay na ng kotse sina Gil at Princess palabas ng gate.

"Good morning sir,maam!"
Bati ng guard sa kanila.

"Good morning. Kumusta, okey na ba kayo ng misis mo?"
Ngiting tanong ni Gil sa guard.
"S-sir?"

"Ah,h-hon mali-late tayo sa appointment mo! Sige na manong,umalis na tayo!"
Natatarantang utos ni Princess sa driver.

Sinundan naman ng nagtatakang guard ang palayong kotse habang nakakamot sa ulo.
"Binata ako eh!"

Ilang saglit pa at nasa isang therapiutic clinic na sina Gil at Princess.

Sinalubong sila ng receptionist.
"Good morning mr.Revera,mrs.Revera,please have a seat. Palabas na po si doc!"

Maya maya nga ay lumabas na ang isang lalaking halos kaedad ni Gil na nakasuot ng white jacket.

"O Gil,how are you bro? How are you feeling?"
Feeling close na bati nito sa lalaki.

"G-good morning doc Edward." Naiilang na sagot ni Gil. Parang hindi niya 'matanggap' sa sarili na maging close sa kaharap kahit na ang pakilala nito ay magkababata at magkaklase sila mula preparatory hanggang elementary school.

Bumaling si Edward kay Princess.
"Hi Princess, you look good today!"

Namula ang pisngi ni Princess sa paraan ng pagbati ng doctor pero hindi niya ito magawang suplahin o sawayin.

"T-thank you!"
Sagot niya at saka naiilang na tumingin sa walang emotion na mukha ni Gil.

"Please follow me!"
Nakangiting anyaya ng doktor sa naiilang pa ring si Princess.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon