Chapter 55: Saved by the driver

393 7 0
                                    

Tess Pov
***Flashback***

Akala ko wala talagang epekto yung nainom kong syrup at beer maliban sa pananamlay.

Pero may kung anong pumasok sa isip ko,gusto kong sumakay ng barko kahit saan pa makarating.

Hindi na ako nagpalit ng damit at di ko na rin nagawang magtanggal ng make up.

"Taxi"

Tumigil sa tapat ko ang taxi. Binuksan ng driver ang bintana niya at saka ngumiti.

Guwapo at bata pa ang driver,hindi nakakatakot ang hitsura kaya sumakay ako.

"Saan po tayo maam?"

"Sa pier twelve kuya,paki baba na lang ang metro!"

"Okey po maam!"

Mukhang mabait ang driver kaya napalagay ang loob ko. Sumandal ako at pumikit,hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog.

Naririnig ko ang boses ng driver na parang ginigising ako pero hindi ko kayang ibukas ang mga mata ko at parang paralisado ang buong katawan ko.

"Maam pier twelve na po,gising na maam!"

Nararamdaman ko din ang mga tapik niya sa braso ko.

"Maam,pinagti-tinginan na po tayo dito,baka mapag-kamalan akong masamang tao nito eh!"

Naramdaman ko ang pag usad uli ng sasakyan,para akong idinuduyan kaya lalo akong nahimbing at marahil ay epekto na rin ng 30cc syrup na ininom ko.

"Patay ako nito,anong gagawin ko? Dalhin ko kaya ito sa mga pulis!"

Sumigaw ako sa isip ko, na wag akong dalhin sa pulis.

Wala akong tiwala sa kanila,hindi ko man nilalahat pero aware ako na marami sa kanila ang kalawang at hindi gumagawa ng mabuti.

Hanggang sa muli na naman akong mawalan ng malay at di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Pag gising ko nasa isang kuwarto na ako at katabi ang isang lalaking hubad baro.

Bumalikwas ako ng bangon at pinakiramdaman ang sarili ko,pero awa ng Diyos wala naman akong naramdamang kakaiba.

Pero wala pa rin akong tiwala,kaya iginala ko ang mga mata ko at hinanap kung nasaan ang kusina.

Maingat akong naglakad papunta doon,kailangang may hawak na akong armas bago siya magising.

Nakakita ako ng isang hunting knife na nakasuksok sa dingding malapit sa pinto,parang sinadyang ihanda sakaling may piligro.

Hinugot ko ito at itinapat sa leeg ng lalaki sabay tapik sa braso niya.

Napaatras ito nang makita ang kutsilyong hawak ko.

"Hey,anong problema mo? Namputsa naman oo!"

Nanginginig ang kamay ko pero hindi ako nagpahalatang natatakot ako.

"Bastos ka,bakit mo ako dinala dito at tumabi ka pa sa pagtulog ko?"
Sigaw ko sa kanya.

Humalakhak siya sabay ismid.

"Hiyang hiya naman po ako sa inyo madam,hindi niyo po ba nakikita ang malaking unan sa pagitan natin?"
Sarcastic niyang tanong.

Hindi ako nakasagot dahil tutuo ang sinabi niya isa pa tshirt lang ang hubad sa kanya.

"Hindi mo pa rin ako dapat na tinabihan kung may delekadesa ka at gentleman. At isa pa sa pier ako nagpahatid di ba?"

"Miss,una sa lahat ay inihatid kita pero ayaw niyong gumising kahit anong tapik ang gawin ko,para kang patay kung matulog alangan namang basta na lang kitang ihulog sa pier? Muntik na nga kitang dalhin sa presinto,pero sa hitsura mong walang malay at maikli ang palda,siguradong papapakin ka ng mga parak doon. Pangalawa,iisa ang kama dito sa kuwarto ko at wala akong sofa at wala ding extrang beddings. Alangan namang mag-sakripisyo akong matulog sa malamig at matigas na semento at lalo namang hindi ko maatim na ikaw ang hayaan kong nakatiwangwang sa sahig,asan naman ang konsensiya ko nun?
Pangatlo,huwag kang mag alala dahil hindi ako hayok sa laman para basta na lang sumagpang ng kung sino sino lang. Oo,inaamin kong maganda ka,attractive pero anong malay ko kung anong klase kang babae,maingat ako sa sarili ko at ayaw kong mahawa ng sakit..."

Umakyat ang dugo sa ulo ko at naulos ko siya.
"Bastos ka,walang hiya hindi ako tulad ng iniisip mo!"

Bahagyang bumaon sa leeg niya ang dulo ng kutsilyo dahilan para magdilim ang paningin niya lalo na nang pumatak ang dugo sa bedsheet.

"Putres kang babae ka,ito pa ba ang igaganti mo sa pagmamalasakit ko sa iyo? Eh kung ikaw kaya ang patayin ko ngayon?"

Nanlilisik ang mga mata niya at pilit na inaagaw sa akin ang patalim.

Natakot ako sa sinabi niya kaya umatras ako at lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kutsilyo.

"Lintik ka,matino akong tao at wala akong ginawang masama sa iyo. Ako ang inabala mo at dahil sa iyo wala akong kinita. Siguro may gusto ka sa akin kaya ka nagagalit dahil wala akong ginawa sa iyo ano? Sige pagbibigyan kita!"

Patuloy siya sa paglapit habang tuloy din ako sa pag atras. Nanlilisik na ang mga mata niya lalo na nang paghawak niya sa leeg niya ay marami pa ring dugo.

Ngumisi siya at tingin ko sa kanya ay may sa demonyo na lalo na nang dilaan ang mga dugo sa kamay  niya.

Nang mga oras na yun,inisip kong katapusan ko na at wala akong ibang naiisip kundi ikaw Gil.

Alam ko ang binabalak ng lalaki,gagahasain ako at pagkatapos ay papatayin.

"Hindi ako makapa-payag na sa kung kanino lang mapunta ang hindi ko naibigay sa nag iisang lalaking minahal ko."

Na corner ako ng lalaki at wala na akong aatrasan. Bago pa maagaw sa akin ang kutsilyo ay itinutok ko na ito sa akin.

"Hanggang diyan ka na lang!" Banta ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Huwag ka nang magpakipot,alam kong naguwapuhan ka rin sa akin kaya pagbibigyan kita,bahala na kung may sakit ka mang nakakahawa,magpa-padoktor na lang agad ako!"

Nawalan na ako ng pag asa na makakaligtas pa.

"Goodbye sweetheart,nay, tay,mga kapatid ko,sorry!"

Itinulak ko nang dalawang kamay ang patalim papunta sa katawan ko.

"Shit,bakit mo tinutuo? Tinatakot lang naman kita,hindi ko kayang manakit ng tao! Ano ba namang kamalasan ito,Diyos ko anong gagawin ko?"

Nataranta ang lalaki hindi malaman ang gagawin habang umiiyak.

Bago tuluyang nagdilim ang paligid ko,naramdaman kong binalot niya ako ng makapal na kumot at saka binuhat at isinakay uli sa taxi.
Ang nasa isip ko noon ay itatapon niya na lang ako sa ilog o ibabaon ng buhay.

End of flashback

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon