Sagad sa buto ang naramdamang pagkapahiya ni Tess kaya walang lingon likod at pasuray suray itong lumabas ng ihaw ihaw.
Hindi na niya pinansin ang tawag sa kanya.Hinabol ni Mike ang hipag habang si Gil naman ay hinarap si Edward.
"Bro please, stay away from her. Huwag mong hayaang masira ang pagiging magkaibigan natin dahil dito!"
Tumawa nang mapakla si Edward at saka umiling.
"Bro, walang dahilan para masira ang pagkakaibigan natin kahit ligawan ko si Tess. Baka naka-kalimutan mong annulled na ang kasal niyo at may asawa ka nang iba? Look, alam mong hindi ako mapaglarong klase ng lalaki, kaya kung sasagutin ako ni Tess, hinding hindi ko siya paiiyakin, seryoso ako sa kanya, okey?"Nagpanting ang tenga ni Gil, bigla niyang nasapak ang kaibigan. Nagulat man sa ginawa ni Gil ay mabilis ding nakaganti ang binatang ptd hanggang sa tuluyan na silang magpambuno.
Narinig ni Mike ang commotion kaya bigla siyang napalingon para tingnan ang nangyayari.
Binuksan niya ang kotse at pinapasok si Tess sa loob ng sasakyan niya"Stay here, i'll be right back!"
Bilin niya kay Tess at patakbong bumalik sa loob para awatin ang dalawang kaibigan.Sinamantala naman ni Tess ang pagkakataon. Nang makatalikod na si Mike ay dali dali siyang bumaba ng sasakyan at nagpara ng taxi.
Pagbalik ni Mike ay wala na si Tess. Dahil sa inis at pagka dismaya ay nahampas nito ang pinto ng kotse.
"Damn damn damn! Nagkasuntukan na't lahat, pero ang dahilan ng gulo nakatakas pa rin, lagot ako nito sa asawa ko!"Sumakay si Mike sa kotse at pinaharurot ito, susubukan niyang baybayin anng kahabaan ng kalsada at baka sakaling makita ang hipag na naglalakad sa kalye.
"Kung bakit naman kasi ang dalawang yun? Porket mag-kamukha, iisa din ang tipo pagdating sa babae. Buti na lang iba ang karisma ko sa kanila, haha!"
Maya maya pa ay tumunog na ang celphone ni Mike.
"Love uwe ka na, at baka lapain na ako ng mommy mo dito! Huwag ka nang mag alala at nakauwe na raw ang kapatid kong loka loka! Sorry ha, naabala ka tuloy."
Nakahinga nang maluwag si Mike.
"Okey love, im on my way. Wala yun, she is also my sister and being your husband,
resposibilidad ko na rin siya, okey?""Ayy ang swerte ko talaga sa asawa ko, guwapo na napakabait pa! Sige, uwe na at kwentuhan mo ako, i love you hubby!"
Natawa si Mike sa paglalambing ng asawa. Sa kanilang tatlo, maituturing niyang ang sarili ang pinaka masuwerte.
Dahil maliban sa slight na hindi pagkakasundo ng asawa at ina ay wala na silang problema ni Chit at ilang buwan na lang magkakababy na sila.
Sa Pag asa,
kasalukuyang pinagagalitan ni Melba ang kapatid."Ano bang nangyayari sa yo? Ang tagal nag iiyak ng nobyo mo dito, mugtong mugto na ang mga mata,
nakakaawa, tapos ikaw kung saan saan ka lang pala nagpunta? Uminom ka na nga, nag taxi ka pang mag isa. Naghahanap ka ba talaga ng sakit ng katawan o gusto mo nang mamatay?"Nakapamewang na binubungangaan ni Melba ang kapatid na nakapikit at nakasandal sa sofa. Parang walang naririnig, pero biglang umayos ng upo nang marinig ang huli nitong sinabi.
"Exactly, yun ang ghusto khong mangyari. Gusto kho nang mamatay,
phagod na phagod na akho eh!"
Tuloy tuloy nang umagos ang mga luha ni Tess."B-bakit, ano ba kasi ang nangyari?"
Nag aalalang tanong ni Melba na akmang lalapit sa kapatid.Paiwas na tumayo si Tess at patakbong umakyat sa itaas habang humihingi ng paumanhin.
"Sorry ate, aakyat na muna ako! Bukhas na lang akho magpha-phaliwanag!"Kinabukasan kahit masakit ang ulo ay maaga pa ring nagising si Tess para maghanda sa pagpasok. Ayaw niyang abutan siya doon ni Jerome.
"O ano, magpa-paliwanag ka na ba?"
Tanong ni Melba nang mababaan siya sa sala na nagsusuot ng sapatos."Sorry te, mali-late ako. Dadaan pa kasi ako sa site bago papasok sa school!"
Walang nagawa si Melba kundi sundan ng tingin ang nagmamadaling kapatid.
Pero nagkamali si Tess dahil paglabas niya ay nasa labas na ng gate si Jerome, halatang nag aabang kung kailan siya lalabas.
Nang mapansin ni Tess ang binata ay nagmamadali siyang sumakay sa jeep pero hinabol ito ni Jerome ng motor habang tinatawag ang pangalan niya.
Dahil sa hiya,
napilitang bumaba sa jeep si Tess at pinagbigyan ang binata.Idinaan siya ni Jerome sa isang fasfood para makapag usap sila nang maayos.
"Babe dont punish me for something i did not do intentionally. We're both victim here, kaya instead na parusahan mo ako, tulungan mo akong ayusin ito, please?"
Hindi kumibo si Tess, pinakikinggan lang niya ang lahat ng sinasabi ni Jerome, Gusto niyang marinig kung anong mga plano ang naglalaro sa isip nito.
"Lets get married secretly para hindi na siya makapaghabol. Please babe, pumayag ka na, i can no longer live without you!"
"P-pag iisipan ko muna, k-kasi may inosenting buhay nang madadamay dito eh! Hindi siya dapat magdusa nang dahil lang sa pagkakamali ng mga magulang niya!"
Galit na binitawan ni Jerome ang kutsara't tinidor niya.
"P-paano naman ako, hindi ba unfair din naman sa akin kung dahil sa pagka-kamali ng iba ay masira ang buhay ko? Mawala sa akin ang buhay na pangarap ko na, makasama ang nag iisang babaing minamahal ko?"Napalinga si Tess sa paligid at lahat halos nang mga kumakain ay nakatingin sa kanila.
"Jerome, kailangan ko nang umalis, dadaan pa ako sa site eh! Bigyan mo ako ng isang linggo para pag isipan ang proposition mo, okey? Bye!""Jerome? "
Parang hinampas ng bakal na tubo ang tenga ng binata. Tinawag siya ng kasintahan sa pangalan nito, at hindi babe?
"H-hindi mo na ako mahal?""Huwag ka ngang childish? Hindi sa endearment masusukat ang damdamin ng isang tao. Kahit ano pa ang itawag ko sa mga taong minahal ko, hindi na nito mabubura ang katotohanan na nagmahal ako nang paulit ulit at paulit ulit ding nasasaktan!"
Dinampot ni Tess ang mga gamit at tuloy tuloy nang lumabas ng fast food.
"Babe wait! Please understand, listen to me, babe!"
Pero hindi na lumingon si Tess.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...