Hinabol ni Jerome si Tess nang naka motor. Inabutan niya ito sa isang eskinita na tila sadyang nagkubli.
"Huwag ka nang magtago diyan,iaabot ko lang naman ang naiwang gamit mo eh! B-baka kasi kailanganin mo sa pag gawa ng home work or something..."
Bantulot na inabot ni Tess ang portfolio.
"S-salamat! Punyang,bakit ba ako nagkakaganito ngayon? Kailan pa ako natutong nerbiyosin sa harap ng ibang lalaki?""Ihahatid na kita at baka kung mapano ka pa sa daan. Lapitin ka pa naman ng disgrasya!"
Alok ni Jerome sa kanya."H-hindi,salamat na lang. M-may kasama ako eh!"
Tanggi ni Tess sabay lingon sa pinanggalingan pero hindi na niya nakita si Alice."Sumakay na siya ng jeep,iniwan mo kasi eh!"
Natatawang sabi ni Jerome sabay pagpag sa likurang bahagi ng motor."Okey lang,kaya kong umuwing mag isa!"
Sabay lakad ni Tess palayo pero sinundan siya ni Jerome."Sakay na! Alalahanin mong may atraso ka sa akin at kalilimutan ko lang iyon kung hindi mo ako susungitan o iisnabin!"
Napaisip si Tess. May balak nga pala siyang humingi ng despensa at magpasalamat sa taong ito. Isa pa gusto niya ring malaman kung paano siya nitong nadala sa hospital nang walang nakapansin.
"S-sige na nga!"
"Ayaaan! Kumapit kang maigi at matulin akong magpa-takbo,okey? Saan nga pala kita ihahatid?"
Isinuot ni Tess ang helmit na ibinigay ni Jerome saka umupo si sa likod nito pero hindi siya kumapit sa bewang ng binata. Sa halip ay sa likod ng motor ito humawak.
"Sa pag asa ako nakatira!"
"Okey,pero kailangang humawak ka sa akin dahil kung hindi ay tatalsik ka!"
Walang nagawa si Tess kundi iyakap sa bewang ni Jerome ang isang kamay nito.
"S-sorry sweetheart,
ngayon lang ito. First and last kong gagawin ito,promise!"Pakiramdam ni Tess ay gumagawa siya ngayon ng isang napakalaking kasalanan sa asawa.
Tutuong matulin kung magpatakbo ng motor si Jerome at napa-kahilig pang sumingit at magpasikot sikot sa pagitan ng mga four wheels na sasakyan kahit naka stoplight.
"Ganito din kaya siyang magdrive ng taxi? Di ko kasi namalayan noon."
Biglang ikinanan ni Jerome ang motor palihis sa daang patungo sa pag asa.
" Hey,saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa amin!"
Nag aalala niyang tanong.Natawa ang binata.
"Relax,ngayon ka pa ba kakabahan eh,naikama na nga kita nang walang nangyari di ba?"Pakiramdam ni Tess ay nagbaga ang mukha niya sa sobrang inis at pagka pahiya.
"Bastard! Eh saan ba kasi tayo pupunta?"
Hindi sinagot ni Jerome ang tanong
Sa halip ay inihinto niya ang motor sa tapat ng isang kilalang fast food."Pasensiya ka na,bigla kasi akong ginutom eh! Kaya saluhan mo ako."
Hindi na alam ni Tess kung paano magre react.
"Aba demanding ang kuneho!" Maliban sa isip niya.
"Sabagay,gusto ko talaga siyang makausap!" Sabi niya sa isip para pagtakpan ang pakiramdam na masyado niyang nai-enjoy ang company ng binata.
"Anong gusto mo?"
Tanong nito na akala mo'y syota ang kinakausap."F-fried shrimp o c-calamares at softdrink! Maritess,
Nasasanay ka nang masyado sa pag-i stammer kapag kausap mo siya ha? Wag mong kalilimutan na may asawa ka na!"Dumiretso sa counter si Jerome. Siya naman ay naghanap ng bakanteng mesa.
Di nagtagal at dala na ni Jerome ang inorder na pagkain nila sa table na napili ni Tess.
"Mahilig ka rin pala sa seafoods."
Nakangiting sabi ng binata kay Tess habang inilalapag nito sa harap niya ang pagkaing para sa kanya at napansin niyang pareho sila ng inorder.Sa umpisa ay wala silang imikan habang kumakain, kaya para mabawasan ang pagkailang,ay iginala ni Tess ang tingin sa iba.
Napuna niyang karamihan sa mga kumakain ay nakatingin sa kanila.
"Ano kayang iniisip ng mga ito,bakit nila kami tinitingnan?"
Iginala din ni Jerome ang mga mata at natawa ito nang makitang kunot na kunot ang noo niya.
"Anong nakakatawa?"
"Wala,kumain ka na lang!"
Itinulak ni Tess ang pinggan palayo sa kanya pero itinulak din ito ni Jerome pabalik sa kanya.
"Huwag kang gumanyan at mahahala nilang may LQ tayo!"
Bahagyang inilapit ng binata ang mukha sa kanya habang sinasabi iyon.
Gumapang ang kilabot sa balat ni Tess at pakiramdam niyay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan.
Napaatras siya. Gusto niyang magalit at mag walk out sa pagiging presko ng binata pero hindi niya magawa at nagtataka siya kung bakit.
"S-siguro ay dahil utang ko sa kanya ang buhay ko!"
"Siya nga pala..."
Sabay nilang nabigkas at sabay din silang natawa."Lady's first!"
Nakangiting sabi ni Jerome at lumitaw ang mapuputing ngipin nito at kumislap ang mapupungay na mga mata.
Dahil doon,natulala na naman si Tess.
"Maritess,mas guapo ang asawa mo diyan wag ka ngang ewan!"
"Im waiting!"
Hindi inaalis ni Jerome ang matatamis na ngiti habang nakatitig ito sa kanya."B-bago ang lahat,g-gusto ko munang magsorry sa nagawa kong istorbo sa yo at sa pagkakasugat ko sa l-leeg mo,at...!"
"At...?"
"S-salamat din,dahil sa kabila nang ginawa ko ay iniligtas mo pa rin ako. A-akala ko noon i-ililibing mo ako ng buhay o di kayay itapon sa ilog Pasig!"
Tumawa siya nang may kasamang nerbiyos pagkatapos niyang magsalita pero hindi nakitawa si Jerome. Sa halip ay pormal siyang tinitigan.
"Honestly speaking,
naisip ko din yan dahil sa sobrang pagka taranta dahil hindi ko alam kung papaano kita dadalhin sa hospital na hindi ako maku-kuwestiyon! Isa pa,masakit na noon ang sugat sa leeg ko.""Pero nagawa mo pa ring iligtas ako!"
"Hindi kasi kaya ng konsensiya ko na may mapahamak gayung may magagawa naman ako. Isa pa nanghinayang ako sa yo,i admit na mababa ang tingin ko sa yo nung una dahil sa ayos mo,pero nung mas pinili mong saksakin ang sarili mo kaysa ibigay sa akin,tumaas sa pinaka mataas na level ang respeto ko sa yo. Kaya nasabi ko sa sarili na hindi ka pweding mamatay dahil sayang ka!"
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...