Sa loob ng dalawang taon na iyon ay parang pusa't daga sina Gil at Tess.
Pag makakasalubong ni Tess ang binata ay hindi na niya alam kung saan susuling wag lang silang magkita at magka encounter.
Pero makulit talaga si Gil, sinasadya niya talagang abangan ang dalagita.
Minsan nagpapaabot pa siya ng mga bulaklak na diretso lang naman sa basurahan.
Kung tutuusin,ang daming naiinggit kay Tess. How they wish na sila na lang ang pinag uukulan ng panahon ni Gil kabilang na si Minnie.
"Haaay, bakit kasi ikaw pa ang pinagtitiyagaan niya eh heto naman ako at magkasing ganda naman tayo?"
Parang nangangarap na bulalas ni Minnie."Akitin mo, gayumahin mo, gawin mong lahat nang magagawa mo para bumaling siya sa iyo, bibigyan pa kita ng reward!"
After two years, sabay na nagtapos sina Gil at Tess. Si Gil sa college at sa high school naman si Tess.
Nagtapos si Gil bilang suma cum laude at salutatorian naman si Tess.
"Di mo ba napapansin kung gaano kayo ka-bagay ni Gil?"
"Hindi, at hindi ako interesado kaya wag mo nang ipilit kung ayaw mong mag away tayo ngayong graduation day, dont spoil the moment okey?"
"Okey fine, wag ka nang ma-bad trip at baka maapektuhan ang speech mo mamaya!"
"Wow, magti- thank you lang naman ako no? Ako ba ang valedictorian?"
"Wala kang speech? Si Gil kaya, ano kayang speech ang inihanda? Baka kasama ang pangalan mo sa babanggitin niyang inspiration niya, dont you think?"
Hirit na biro ni Minnie."Hindi ka ba talaga titigil sa kaka-Gil mo? Tatamaan ka na sa akin!"
Inis na tinalikuran nito si Minnie.Nang matapos ang graduation ceremony, may lumapit sa kanila.
"Hoy, envited tayo sa isang grand victory ball ngayong gabi. Its a one of a kind event daw, dont miss the fun guys!"
"Kaninong party?"
Tanong ni Minnie.Hinila siya ng nag announce at ibinulong sa kanya na ikinatuwa niya ng husto.
"Sige sige akong bahala, Yes!"
Excited si Minnie sa nalaman."May party ba sa inyo ngayon para sa iyo?"
Pasubaling tanong ni Minnie pero lihim niyang hiniling na sana'y wala."Wow, ano kami mayaman? Manananghalian lang siguro kami sa restaurant."
"YES! Sama ka na lang sa akin mamaya sa victory party ng friend ko. Ipagpapaalam kita sa parents mo!"
"Sinong friend mo at saan siya nanalo?"
"Huwag ka nang magtanong, hindi mo naman siya makakaharap. Syempre busy yun sa mga big time na bisita niya. I-experience lang natin kung paano mag party ang mga mayayaman!"
Nag isip kunwari si Tess habang nakatingala.
Inuntag siya ni Minnie sa braso."Huwag ka nang mag isip, mag uusyoso lang naman tayo doon! Malay mo naroon din pala ang magiging prince charming mo?"
Sinimangotan ni Tess ang kaibigan.
"Ikaw talaga puro lalake ang nasa isip, kaya naka graduate kang puro pasang awa ang grades eh!"Nagtampo kunwari si Minnie sa mga binitawang salita ng kaibigan at nag anyong iiyak na.
"Ang sakit mo namang magsalita porke't maganda ka at matalino! Kasalanan ko bang ipinanganak akong mahina ang utak at hindi kasing ganda mo?" Sabay singhot na ikinataranta ni Tess.
"Hoy biro lang, hindi ka pa ba nasanay sa akin?"
"Pinipilit kong masanay,pero tao din akong may puso't damdamin na marunong masaktan!"
Patuloy sa pagda-drama si Minnie."Sorry na, sorry na! Anong gusto mong gawin ko para mawala ang tampo mo sa akin?"
Halos tumalon sa tuwa si Minnie pero pinigil niya ang sarili.
Effective!"Mawawala lang ang tampo ko sa iyo pag pumayag kang pupunta tayo sa victory party ng friend ko!"
Naka nguso pa rin si Minnie.Huminga ng malalim si Tess saka kinabig ang kaibigan.
"Siya sige na payag na ako, embrace na!"
Sabay paikot ng mata na parang sinasabi sa isip na Arte mo!Hindi naman siya nahirapan sa pagpapaalam,
palibhasa'y tiwala ang parents niya sa kanya."Total eh hindi ka namin mabigyan ng blow out sa pagiging salutatorian mo,dahil alam mo naman na kapos tayo lagi, kaya sige makipag -saya na lang kayo sa iba!"
Sabi ni aling Pilar na nanay ni Tess."Basta huwag lang kayong titikim ng alak at huwag kayong magpapagabi masyado!"
Sabi din ni mang Anton na tatay niya.Isinuot ni Tess ang pinaka maganda niyang blouse na isinuot niya noong 17th. birthday niya.
Isa itong fitted blouse na navy blue na may combination na lace na kulay cream sa dibdib at sa manggas na hanggang siko.
Pinarisan niya ng white na strechable jeans."Wow sexy, yan yung suot mo noong 17th birthday mo di ba? Favorite ko talaga yan sa iyo!"
Kaka-seventeen niya lang noong february 12 kaya second time pa lang niyang suutin ang damit na lalong nagpatingkad sa kaputian niya.
Pagdating sa address ng venue, nalula ang magkaibigan sa laki at ganda ng lugar.
"Wow, may security camera pa! Mukhang monitored talaga ang paligid at kung sino sino ang darating. Baka maharang tayo ng guard at masabihan tayong gate crasher? Sana naman nanghingi ka ng envitation card para safe!"
Ngumiti ng pilya si Minnie.
"Open daw sa lahat ng mga taga university ang party. Besides,
your face is more than enough para maging pass card!"Pagpasok nila sa loob, agad silang pinagtinginan ng ibang bisita na karamihan ay namumukhaan nila.
Naghanap sila ng mauupuan at maya maya pa ay may lumapit sa kanilang dalawang cute na teen ager na nakasuot pang waiter.
Inalok sila ng juice at crispy chips na pang appetite opener.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomansaGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...