Almost 10:00pm na nang marating nina Mike at Chit ang bahay ng huli.
"Daan ka muna sir magkape tayo!"
Alok ni Chit kay Mike."Hindi na para makapagpahinga ka na kaagad. And please stop calling me sir,and tomorrow,wag mo nang gamitin ang van ng bayaw mo dahil susunduin kita kung okey lang sa iyo!"
Namula sa magkahalong hiya at kilig ang dalaga.
"Wow,at ako pa ba talaga ang aayaw sa iyo? N-naku nakakahiya naman sa iyo sir este m-Mike pala!""Okey lang, hindi naman gaano nagkakalayo ang lugar natin, diyan lang naman kami sa proj.8! O ano, dapat quarter to 7:00 ready ka na ha?"
Hindi makasagot sa sobrang kilig kaya tumango na lang si Chit.
"Aalis na ako, ingat ka dito, lock all the doors and windows,okey?"
Nakangiting bilin nito habang pasakay sa kotse niya."Thanks for the ride and for your time, i-ingat sa pagda-drive m-Mike!"
Nagpalitan muna sila ng 'goodnights' bago tuluyang pinaharurot ni Mike ang sasakyan.
Pagkatapos maglock ng pinto, nakangiti pa rin si Chit na umakyat sa kuwarto nila at naghanda para matulog.
Sa edad na 21, hindi pa nakakaranas si Chit na maenvolved sa isang serious relationship dahil first time lang din siyang nakatagpo ng lalaking pasado sa panlasa niya.
Kaya hanggang sa pagtulog,nakaplaster pa rin sa mga labi nga ang matamis na ngiti ng isang 'inlove'.
Magaan ang katawan niya nang gumising kinabukasan. Sumulyap siya sa wall clock, alas singko ng umaga.
"Tamang tama!"
Maingat siyang bumangon para hindi mabulahaw sina Tess at Chloe na siguradong katutulog pa lang.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Ayaw niyang paghintayin si Mike,nakakahiya.
Saktong alas siete nang bumaba siya para maghintay kay Mike. Anyong uupo sana siya sa sofa nang may magdoor bell.
Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Nanginginig ang mga kamay na lumapit siya sa pinto para tingnan ang nasa labas.
"Good morning, are you ready?"
Matamis ang ngiting bungad ng guapong lalaki sa labas.Halos magsikip ang dibdib ni Chit sa ganda ng aura ng kaharap.
"Ah, y-yes, im r-ready!"Inabot ni Mike ang kamay ni chit para alalayan siyang lumabas ng pinto.
Kinuha niya sa kamay ng dalaga ang susi at siya na ang nag lock ng pinto dahil nanginginig na ang kamay nito.
"You're trembling, are you okey?" Parang nanunukso pang tanong nito sa namumulang si Chit.
"G-ganyan talaga ako p-pag gutom, hindi pa kasi ako nakakapag breakfast eh!"
Wrong choice of alibi?"G-ganun ba? Sorry napasama pa yata ang pagsundo ko sa iyo,masyado bang napaaga?"
Parang napapahiyang sabi ni Mike.Gustong sampalin ni Chit ang sarili. Ano ba dapat?
"Ah, eh h-hindi sir, i mean Mike. Medyo na-excite lang kasi f-first time may susundo sa akin kaya nawala sa isip kong m-magbreakfast! Shiiit,ano ba yan? Umayos ka Conchita!"Bumalik naman ang pilyong ngiti sa labi ni Mike.
"A-ako rin naman,hindi pa rin nakakapag breakfast,ayoko kasing paghintayin ka ng matagal,hehe!"Napalinga sa paligid si Chit dahil nag iba ang kulay ng lahat, naging kulay pink ang lahat ng nakikita niya.
"May drive thru akong nakita diyan sa unahan okey lang ba kung mag take out na lang tayo at kumain sa kotse? Pero kailangang subuan mo ako para makapag drive ako nang maayos!"
"A-ano daw? Conchita,bakit napaka swerte mo yata sa buhay? Ayeee!"
"H-hey,hindi ka na sumagot!"
Nanunudyo pa rin ang mga ngiti ni Mike."S-sige, kung gusto mo pati styro,isubo ko na rin sa iyo eh,haha!"
Sabay silang nagtawanan.Bumili nga si Mike pero hindi na nila nagawang kumain dahil halatang pareho silang nininerbiyos at nagpapakiramdaman.
"S-sa office ko na lang ito kakainin, wanna join me?"
Basag ni Mike sa katahimikan."H-hindi na,doon na lang sa cubicle ko.Kung dito sa kotse,hindi ko magawang kumain dahil katabi kita,paano ko lalo gagawin sa office mo kung kaharap naman kita? Haisst!"
"O-okey... Ako uli ang maghahatid sa iyo mamaya ha? Kaya hintayin mo ako,okey?"
Ngumiti si Chit saka tumango."Ako ba eh tatanggi pa sa iyo? Naku ha? Ang swerte mo talaga Conchitaaaa!"
Ilang sandali pa,narating na nila ang bangko. Sabay silang pumasok na may tig isang bitbit na parehong breakfast pack sa tig isang kamay.
"Good morning sir Mike, miss Chit!" Bati ng guard sa kanila dahil medyo late na sila ng 5minutes.
"Good morning kuya!" Duet na sagot nila sa medyo may edad nang guardiya.
Kompleto na ang lahat nang staff sa loob ng bangko at may mangilan ngilan na ring kliyente. At lahat silay napako ang tingin sa dalawang bagong dating at nakatingin sa breakfast pack na dala nila. Yung iba ay nakatingin lang yung iba'y nagbubulungan na.
Napatigil lang sila nung biglang magsalita si Mike nang nakangiti ng ubod tamis sabay tango kay Chit.
"Good morning every one!""GOOD MORNING SIR MIKE!"
Halos sabay sabay na sagot ng mga staff.Pigil ang ngiti na pumunta si chit sa puwesto niya. Inilabas ang sandwich at inumpisahang kumagat habang wala pa siyang kliyente.
Sinulyapan lang siya ng ibang teller pero wala siyang pakialam.
Parang nakisama naman ang pagkakataon dahil naubos muna niya ang almusal bago may lumapit na kliyente sa kanya.Masigla at hindi nauubusan ng ngiti ang mga labi niya habang nagta trabaho.
Oras ng lunch,sinadya pa siya ni Mike sa pwesto niya para ayaing maglunch.
"Lunch with me trajano?" Nakangiti ito sa dalaga.
"M-may client pa ako sir o!"
"I'll wait for you in my office. Puntahan mo ako pag tapos ka na okey?"
Tumango si Chit bago pumihit pabalik sa office niya si Mike.
"Huhuhu, basted na ako!"
"Ako rin,waaah!"
"Kayo lang ba? (Singhot)"
Lalong napangiti si Chit sa mga parinig ng mga kapwa niya teller.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...