Ilang araw at gabi ring iniyakan ni Tess ang naging disisyon ni Jerome na panindigan si Alice.
"Kung kailan willing na akong ipaglaban ka, saka ka naman bumigay. Pero tama ka, hindi na dapat madagdagan ang tulad mong lumaking walang pamilyang nag aaruga. Kaya sige, huwag kang mag alala, ilang araw lang ito at magiging okey din ako..."
Nang makarecover sa panganganak si Melba ay umuwi silang lahat sa cotabato para daluhan ang military wedding ni Diego sa kanyang long time girlfriend na taga Sultan Kudarat.
"Ayan chance mo nang magkaroon ng mga bagong kakilala. Who knows, isa sa mga young officer na kasama ni kuya Diego ang 'meant to be' mo!"
Nilabian lang ni Tess ang kantiyaw ng ate Chit niya.
"Ayoko sa military men!""Bakit?"
Sabay na tanong ng mga ate niya."Hindi ako makakatulog sa kaiisip sa kaligtasan niya. Alam niyo naman gaano ka risky ang trabaho nila di ba? Kay kuya Diego nga, sobrang nag aaalala ako eh!"
Kaso mukhang kakainin ni Tess ang sinabi niya dahil ang gagandang lalaki, kay tatangkad at ang babata pa ng mga abay ni Diego sa kasal lalo na ang bestman niya at mukhang tinamaan sa kanya.
Kasi kahit hindi kasama sa entourage si Tess ay lutang na lutang pa rin ang ganda niya sa suot na kulay blue na cocktail dress kaya halos sa kanya lahat ang pansin.
Kaya pagkatapos ng seremonya nag unahan na ang mga ito sa paglapit kay Tess para makipag-kilala.
"Mga sir, hayaan niyong ako ang magpakilala sa aking bunsong kapatid na babae sa inyo para hindi kayo ma-snob, haha!"
Isa isang ipinakilala ni Diego ang mga lalaking abay sa kapatid at pinaka huli niyang ipinakilala ang kanyang bestman na siya ring pinaka matangkad at pinaka guwapo.
"Sir, Ito nga pala ang aking mahal na kapatid, si Maritess, isang mahusay na interior designer. Sis siya naman ang isa sa pinaka malapit kong kaibigan, si first lieutenant Ysmael Felicidad!"
Inilahad ng binatang sundalo ang kamay kay Tess para makipagshake hands.
"Kumusta po kayo miss? Trajano,
ikinararangal ko po kayong makilala!"Bantulot na inabot ni Tess ang kamay ng lalaki dahil ayaw sana niyang bigyan ito ng pag asa na pwede silang maging magkaibigan bagama't aminado siyang humihilera ito kela Gil at Jerome sa pagandahang lalaki.
"Diego anak, yan bang mga ipinakikilala mo sa kapatid mo'y mga binata pa?"
Hindi nakatiis na sabat ni aling Pilar."Oo naman nay! Hindi ko naman ipapakilala ang kapatid ko sa lalaking 'taken' Na, mahirap na aba!"
Napangiti ang sundalo at lumitaw ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin nito at ang napakalalim na biloy sa kanang bahagi ng pisngi.
Humanga ng lihim si Tess.
"Sabagay, bakit nga ba hindi ko subukan ang kasabihan na puso din ang gamot sa pusong sugatan?"Mula nang ipakilala kay Tess ang lalaki ay hindi na ito humiwalay sa tabi niya.
"Tess, pwede ba kitang maisayaw?"
"Ha? E sayaw ng bride and groom yan, ang awkward naman!"
Tumingin si Tess sa dance floor kung saan sasayaw ang mga bagong kasal para sa tinatawag na sabit sabit (sasabitan ng mga relatives ang bride and groom ng perang papel na isa sa tradisyon sa probinsiya).
"Okey lang yun, hindi naman tayo didikit sa kanila. Makikita mo, pag andun na tayo sa dance floor maraming gagaya! Sige na please?"
Parang batang paslit na nagmamakaawa sa ina si ysmael, hindi natanggihan ni Tess ang pagpapa cute nito.
"S-sige na nga!"
Sinabayan nito ng tayo ang pag aabot ng kamay sa binatang sundalo.Tumingin si Tess sa kinauupuan ng mga kapatid at mga magulang at kitang kita nito ang pagbabago ng hitsura ni Mike. Tila hindi niya nagustuhan ang pagpayag ni Tess na makipagsayaw sa lalaki pero hind niya ito pinansin.
Nang nagsasayaw na sila, nagpalakpakan ang ibang bisita. May ilang nagbiro pa na nagsabit ng tig iisang libo at limang dadaanin sa mga damit nila.
"Wow bagay na bagay! Mukhang may military wedding uli na magaganap next year ah!"
Sigaw ng isa sa mga abay na sinang ayunan ng iba pa.
"Oo nga, dito lang pala sa Mindanao matatagpuan ni first lieutenant Felicidad ang magiging kapalaran niya, haha!"
Namula sa hiya si Tess samantalang abot tenga naman ang ngiti ng kasayaw.
At tama ang sinabi ni Ysmael, dahil mayamaya nga ay ilang pares na din ang gumaya at sumayaw sa gitna.
Tatlong araw lang nagstay sa mindanao sina Mike at Chit dahil yun lang ang nakuha nilang leave sa trabaho.
"Ikaw Tess, hindi ka pa ba sasabay sa amin?"
Nag alangan sa pagsagot si Tess dahil alam niyang bibigyan nila ng ibang kahulugan ang pag eextend ni Tess sa Cotabato.
"M-may gusto sana muna akong dalawin, kaya dito na muna ako nang isang buwan."
Nauna lang ng dalawang araw ang mag asawang Chit at mike kela Melba at Rudy sa pagluwas sa maynila.
"O ingat. Baka naman madaliin ka ng manliligaw mo, mukhang boto pa naman si kuya sa kanya! Alis na po kami Nay, tay, kita kita po uli tayo sa pasko!"
Hindi sumagot si Tess sa kantiyaw ni Melba, humalik lang siya sa ate at mga pamangkin.
Naging regular ang pagdalaw ni Ysmael kay Tess. Halos every other day ay dumadaan ito sa kanila sa kung ano anong dahilan.
Pero pagkatapos ng dalawang linggo, kung kailan medyo nahuhulog na ang loob ni Tess dito ay bigla na lang itong umuwe sa bicol. Ayon sa kuya Diego niya, may emergency daw sa kanila.
Pero after five days nabalitaan nilang pinakasalan ni Ysmael ang kababata nito dahil sa kahilingan ng inang may sakit sa puso na agad ding namatay pagkatapos ng kasal ng anak.
"Ayaw ko na talaga,
haha! Dapat ko nang tanggapin na hindi ako isinilang sa mundong ito para magkaroon ng lovelife. Siguro nakunan noon ang magiging biyanan ko sana. Or baka nauna na sa grave yard yung soulmate ko, haha!"Ilang araw na nagmukmok si Tess, hindi gaano kumakain at nagsasalita.
"Tess anak, halika samahan mo ako kay aling Pining, matagal na siyang nakaratay pero di ko man lang nadadalaw! Hindi na daw nakakakilala yung matanda eh!"
Pinagbigyan ni Tess ang ina na dalawin ang matandang humula sa kanya noon.
"Wala man lang tumama sa mga hula ni aling pining sa akin, haha!"
Pagdating nila sa bahay ng may sakit ay agad silang pinatuloy sa kuwarto nito.
"Pirenses, ikaw na pirenses? Kamusta ka na?"
Nagulat ang mga anak at apo ni aling pining sa itinawag nito kay Tess.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...