Chapter 56: Gil walk out

393 8 0
                                    

Pagkatapos magsalaysay ay nginig ang buong katawan na humagolgol ng iyak si Tess.

"K-kaya hindi ako makapaniwala na buhay pa ako ngayon. K-kung tutuusin ako pa ang may malaking atraso doon sa lalaki,hind ko alam kung gaano kalalim ang nasugat sa leeg niya!"

Walang nagsalita ni isa sa mga naroroon. Pati si Gil ay tahimik at hindi alam ni Tess kung ano ang magiging epekto sa kanila ng ipinagtapat niya.

Muli niyang isinubsob sa mga tuhod niya ang mukha at ipinag-patuloy ang pag iyak habang tahimik na hinahagod ni Chit ang likod niya.

Nang mahimasmasan siya sa pag iyak ay nag angat siya ng mukha pero wala na sa kuwarto si Gil,
Pero hindi siya nagtanong kahit gustong gusto niya.

"Magpahinga ka na iha,aalis na rin muna ako. Kumain ka ng mga prutas,maka-kabuti ito sa iyo. Mike,Chit,Melba,kayo na muna ang bahala sa kanya ha?"

Humanda na rin sa pag alis sina mrs Revera at ang kasama niyang pa.

"Opo tita,salamat po!"
Panabay na sagot ng tatlo.

Tumango lang si Tess,hindi na niya nagawang magpa-salamat,naguguluhan siya sa itinatakbo ng mga pangyayari.

Hindi niya maintindihan kung bakit nag walk out ang asawa maging si mrs Revera.

Nang wala na sa kuwarto ang biyanan ay nagtanong si Tess sa mga kapatid at kay Mike.

"B-bakit siya umalis ng walang paalam,
ano ang ikinagalit niya sa mga ipinagtapat ko?"

Nagkibit balikat lang ang mga ate niya,
kahit sila ay naguguluhan din.

"K-kuya Mike?"
Baling niya sa nobyo ng ate Chit niya.

Hindi agad sumagot si Mike,tinimbang munang mabuti ang sasabihin,ayaw niyang madagdagan pa ang dinadala ng hipag to be.

"Im not sure. Maaaring na guilty or maaaring jealousy or kind of..."
Alanganing sagot ng binata.

"Jealousy? B-bakit?"
Nagtatakang tanong ni Tess.

Si Melba ang sumagot.
"Pinaka diinan mo kasi ang salitang 'guwapo' yung driver. Isa pa,isipin lang na natabihan ka nito sa pagtulog at dalawang beses ka pang nabuhat nang walang malay. Kababawan kung tutuusin,pero hindi mo siya masisisi!"

Sabay na napatango sina Chit at Mike dahilan para muli siyang humagulgol.

"K-kaya ko nasabing guwapo yung lalaki para i-justify na hindi siya patay gutom sa babae at siya yung tipong hahabulin at hindi maghahabol. At kahit ganun,hindi ko rin isusuko ang sarili ko kahit ikamatay ko pa. I just made my self clear na hindi na ako maaakit sa iba kahit gaano pa ito ka guwapo dahil nag iisa lang si Gil para sa akin. At kung mawawala din lang naman siya uli,mas mabuti pang mamatay na lang ako!"

Napalakas ang boses ni Tess sa sobrang pressure at sama ng loob.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!
Alam mo,kung ako sa yo,bibilisan kong magpagaling at hahanapin ko ang lalaking yun at magpasalamat! Sa tutuo lang, kung tutuusin,marami kang dapat na tanawing utang doon sa taong yun!"
Sabi ni Chit.

"I agree! Pabayaan mo na muna si Gil,kung dahil lang doon ay iwanan ka na niya nang tuluyan,siguro nga dapat mo nang tanggapin na hindi talaga kayo para sa isat isa. Bilisan mong magpagaling dahil two weeks na lang ay birthday mo na!"
Sang ayun ni Melba.

Hindi na sumagot si Tess pero sa loob ng utak niya ay bumubuo na siya ng mga plano.

Pag hindi bumalik si Gil hanggang mamayang gabi,hindi na siya makikipag ayos uli. Itutuloy niya ang paglayo at magpapatuloy siya ng pag aaral. Bubuoin niyang muli ang buhay at kinabukasan niya.

Pinunasan niya ang mga luha at walang imik na dumampot ng isang mansanas at kinain ito.

Ilang oras pa silang nagkuwentuhan habang naghihintay sa pagbabalik ni gil. Pero nung hapon na at wala pa rin ang lalaki ay nagpasiya na si Tess.

"Ate Chit,pakitanong niyo na lang sa nurse's station kung pwede niyo na akong ilabas ngayon. Ayoko na dito please?"

"Sige! Love,samahan mo ako please?"
Baling ni Chit kay Mike na agad namang tumayo.

Kalahating oras ang lumipas bago nakabalik sa kuwarto ni Tess ang magnobyo.

"Ok na pala eh,inayos na ng biyanan mo ang bill at bukas daw pwede ka nang umuwe pagkatapos mag round ng doktor na gumagamot sa iyo!"

Masayang balita ni Chit. Magkahalong relief at dis-appointment naman ang naramdaman ni Tess.

"So paano,aalis na kami ni Mike. Ate,ikaw na muna ang bahala sa kanya,may pasok kami bukas eh!"

Alanganing tumango si Melba dahil wala siyang dalang bihisan.

"Huwag na te,umuwe ka na rin! Kaya ko nang mag isa,total wala na akong suwero. Maaga na lang kayo bukas para maiuwe niyo agad ako!"

"Sigurado ka sis? Sabagay baka mamaya lang andito na rin si Gil. O siya sige,aalis na kami ha? Tawag ka na lang kapag kailangan mo kami."

Tumango si Tess at ilang sandali pa ay nag iisa na lang siya sa kuwartong iyon.

Hanggang sa gumabi ay hindi na nagpakita si Gil.
"Ganun ka tindi ang galit at sama ng loob niya?"

Pumasok siya sa banyo para mag shower at magsipilyo.
Saglit pa at naghanda na siya sa pagtulog.

Hating gabi na ay hindi pa rin bumabalik si Gil kaya tinanggap na ni Tess na iniwan na nga siya ng asawa.

"Sige,kung iyan ang gusto mo,wala akong magagawa! Kapag bumalik ka bukas,
hindi na kita kakausapin."

Hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Kinabukasan,pag gising niya ay nakaramdam siya ng pangungulila.

Nasanay na kasi siyang pagmulat ng mga mata niya sa umaga ay sina-salubong siya ng matatamis na mga ngiti ng asawa.

Bumangon siya at tumuloy sa banyo.
Paglabas niya ay naroon na sina Melba,Chloe at Johny.

"Good morning tess,breakfast na tayo!"
Masayang bati ni Chloe.

"Kumusta? Buti naman at makaka-labas ka na dito!"
Si Johny.

Nginitian niya lang ang mga ito at tahimik na kumain ng almusal.

Bago nagtanghalian ay dumating ang doktor na may hawak sa kanya.

"O mrs Revera, you are going home today. I hope that the next time we meet here,it would be in the nursery,okey?"

Biro ng doktor na ikinapula niya ng husto.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon