Chapter 1: Offer ng mercy seeker

2.3K 45 5
                                    

0ctober 5, 1999 nang lumayo si Maritess sa piling ng kanya'ng pamilya at nag apply bilang counter girl sa isang sikat na family club sa cotabato city.

Ito lang muna sa ngayon ang tangi'ng hanapbuhay na alam niya para tustusan ang sarili dahil nakakaisa at kalahati'ng taon pa lang siya sa kurso'ng fine arts na'ng matigil sa pag aaral. Di naman siya pwede'ng mag-waitress dahil hindi siya palangiti at medyo suplada kaya sa counter siya inilagay bilang taga abot o taga prepare ng mga orders.

"Maritess, gusto mo bang maging substitute singer muna namin ngayong gabi? Absent kasi si Chloe, minamalat daw!"

Saglit na napaisip si Maritess sa alok ng band leader ng mercy seeker band na si Johny Habag, nakailang beses na din kasi siya'ng naka-jam ng banda tuwing malapit na ang closing time at humanga si Johny sa ganda ng boses nito.

"Hmmm, kaya ko naman siguro, kasi halos memorize ko na rin naman lahat ng mga pyesang tinutogtog niyo. Kaya lang..."

Sinundan ni Johny ang hindi maituloy na sinasabi ni Tess.
"Kaya lang, ano?"

"May konting stage fright ako lalo na  pag maraming tao, saka baka hindi ako payagan ni boss, marami pa namang customer ngayong gabi kasi pay day!"

"Ako na ang bahala kay sir Fidel. Mas importante sa kanya ang entertainment kaysa service! About stage fright, sa umpisa lang iyan, masasanay ka din."

Pumayag naman agad ang owner/manager ng serenata bamboo club na si ret. General Fidel Pales.

Ang 'Serenata bamboo club', ay isang Family diners club na puntahan ng Magkaka pamilya'ng gustong mag unwind sa gabi. Mag hapunan o mag celebrate ng kahit anong okasyon, kumakanta o nagsa- sound trip habang sumisimsim ng alak, softdrink, coffee or juice.

"Sige na iha, isuot mo na yung costume ni Chloe at umakyat ka na sa stage, total pareho naman kayo ng katawan. Sayang naman ang ganda mo kung buburuhin lang natin sa likod ng counter!"

Halos malunod sa hiya si Maritess sa papuri ng boss nila pero mas nangibabaw ang katuwaan na mapabilang siya sa grupo kahit pansamantala lang.

Matagal na niyang pangarap na maging isang singer o vocalist ng isang banda pero nawalan siya ng gana noong nareject siya sa audition ng University band nila noong freshman pa lang siya sa highschool.

Isa pa, mas mapapadali ang pag iipon niya ng pamasahe papuntang maynila dahil di hamak na mas malaki ang kinikita ng mga intertainers kaysa tulad niyang counter girl lang.

Kaya ngayon at nabigyan siya ng Chance, hindi niya sasayangin ito, pagbubutihan niya ang pag kanta, ibubuhos niya dito ang kanyang buong damdamin, puso at kaluluwa baka sakali'ng kunin na siya nang permanente para maging isa sa mga myembro ng banda.

"LADIES AND GENTLE MEN, IN BEHALF OF SERENATA BAMBOO CLUB'S MANAGEMENT AND STAFF, I WOULD LIKE TO WELCOME YOU ALL AND THANK YOU FOR COMING HERE TONIGHT ! So, PLEASE SIT BACK, RELAX, Chat, DRINK AND ENJOY WITH US 'TIL DAWN!
I WOULD LIKE TO INTRODUCE MY SELF FIRST, JUST FEEL FREE TO CALL ME JOHNY MERCY. AND THESE ARE MY COMPANIONS; KEY BOARD ALLAN, BASE BOBBY, DRUM ORLY, BASH GUITAR GREG AND INTRODUCING OUR NEWEST MEMBER VOCAL MARIE!"

(APPLAUSES)

Pumailanlang ang malamig at medyo husky na boses ni Maritess.

"Arrived at seven, the place feels good. No time to call you,today. Encores till eleven with chinese food back to the hotel again.

I call your number, the line aint free, id like to tell you come to me a night with out you seems like a lost dream, love i cant tell you how i feel.

Always some where...
Meet you where ive been, i'll be back to love you again!"

Unang kanta pa lang ay napahanga na ni Maritess, hindi lang ang mga costumers kundi pati ang buong banda at ang may ari na si ret. General Fidel Pales.

Pagkatapos ng unang set nila, kinausap ni sir Fidel ang grupo.
"I suggest na kunin niyong permanent vocalist si Maritess, makakatulong siya sa grupo niyo at sa club!"

Pumayag agad ang grupo ng Mercy Seeker.
"Agree kami sir!"
Sabay sabay na sigaw ng limang lalaki.

Kaya noong bumalik na ang boses ni Chloe na original vocalist ng banda ay naging dalawa na ang female singer nila. Si Chloe ang kumakanta ng disco o mga fast beat, ballad at lovesong music, si Tess naman ang sa slow rock, country music at folk songs.

Lalong lumakas ang club mula nang maging regular sa stage si Tess at naging paborito siya ng mga diners.

Pero may ilang bagay lang sila'ng reklamo dito.
"Bakit malungkot ang mukha ng isang singer niyo? Ni hindi din siya suma-sayaw kapag kumakanta!"
Pang ilang costumer na ang nag tanong ng ganun sa mga waiter tungkol kay Tess pero syempre, kahit ang mga kapwa musician ay walang alam tungkol sa kanya at ayaw naman nilang mag usisa.

Hanggang isang gabi,may dumating na tatlong tao at hinahanap si Tess.

Itinuro ng waiter ang stage at namangha ang mga kapatid at bayaw nito nang makita siyang kasalukuyang kumakanta kasama ng grupo.

"Maupo po muna kayo maam,sir, matatapos na din po ang set nila. Mga tatlong kanta na lang po at hahalili na ang ibang grupo!"
Anang waiter na nag entertain sa kanila.

Naikuha sila ng mesa sa harap mismo ng stage kaya nakita sila ni Tess na agad namang kumaway.

Pagkatapos kumanta ay bumaba agad sa stage si Tess para harapin ang mga kaanak.
"Ate Melba, ate Chit, kuya Rudy, bakit naligaw kayo dito?"

"Matagal na dapat kaso tinapos ko muna ang mga dating tanggap sa shop dahil magsasara na ako. Ikaw, kailan ka pa nag umpisa sa banda? Di ba counter girl ang inaplayan mo?"
Si Rudy ang sumagot.

"B-bakit? Sayang naman... malakas naman ang shop mo di ba? Two weeks na akong kumakanta,buti nga binigyan nila ako ng slot!"

"Umalis na yung boarder ni lola sa pag Asa, kaya doon namin balak ng kuya mo na ilipat ang tahian. Kasama namin itong si Chit, try daw niyang mag apply sa bangko. Ikaw, gusto mo bang sumama?"

Okey sana, naisip ni tess pero paano ang banda?

"Ayoko, kakaumpisa ko pa lang sa banda at nakakahiya naman kung iwanan ko agad sila pagkatapos nila akong bigyan ng chance kahit bagohan lang ako!"

"Kumbinsihin mo silang lumipat sa maynila. Mas makakabuti para sa iyo ang lumayo na nang tuluyan dito para makalimutan mo na ang asawa mo!"

Parang nakarinig ng bomba ang grupo.
Si Tess may asawa na?

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon