Chapter 33: Convincing tess

377 8 0
                                    

Sa bistro nang mga sandaling iyon.

"Excuse me!" Tawag ng lalaking laging nagsosolo sa dilim sa waiter.

"Yes sir?"
Napabalik ang waiter sa table ng lalaki na bahagya na niyang nalagpasan.

Dumukot ng pera ang lalaki at ibinalot sa tissue paper at inabutan din nito ng 100 ang waiter.

"Pakibigay doon sa naka deep purple,kay Mars!"

"O-okey sir,thank you sir!"
Maluwang ang ngiti na sagot ng inutusan.

Dali dali itong lumapit sa stage habang hindi pa kumakanta si Tess kaya naiabot agad ang tissue na may nakasulat na request.

"SPECIAL REQUEST COMING FROM MR.LONELY BOY...'I DONT WANNA TALK ABOUT IT By Rod Stewart. This one's for you sir...

I CANT TELL BY YOUR EYES THAT YOU'VE PROB'LY BEEN CRYIN FOREVER.

AND THE STARS IN THE NIGHT DONT MEAN NOTHING TO YOU THEY'RE ARE MIRRORS.

I DONT WANNA TALK ABOUT IT,HOW YOU BROKE MY HEART..."

As usual bago nagpinal ang kanta ay tumayo na ang lalaki para umalis,bahagya pa itong kumaway sa stage.

"Thank you mr. Lonely boy! Moving on to our next piece, here's another song of 'asin' titled 'Usok'!"

Habang kumakanta napapailing si Tess at kumawala sa labi niya ang tipid na ngiti dahil sa naaalala.

*FLASH BACK*

Nagkagulatan pa sina Tess at ang lalaking pinagdududahan niyang si Gil dahil hindi niya naman nakikita ang mukha nito sa malapitan.

Nasa stage na kasi sila kapag dumadating ito  at nasa stage pa rin sila kapag umaalis ito at lagi pang sa madilim na bahagi ito pumupwesto na para bang sa bawat lugar ng gig nila ay may nakalaang single table para sa lalaki sa dilim.
Dahil doon ay na curious si Tess.

"Oh hi,T-Tess!"

" Mars...Its mars!"

Matangkad ang lalaki maputi,chinito rin at guapo. Malaki ang pagkakahawig kay gil pero hindi siya si Gil.

*End of  flash back*

Napailing uli si Tess.
"Pa mysterious effect pa siya,akala ko naman ay...haissst!"

Pag uwe nila as usual ay nakahiga na si Chit. Pero napansin ni Tess na biling baligtad ito sa higaan,halatang hindi makatulog.

"A-ate, may problema ka ba?"
Tanong niya dito.

Dahan dahang bumangon si Chit at inginuso ang balcon sabay tayo. Magkasunod silang nagtungo doon.

Dahan dahang humila ng upuang bakal si Chit para hindi makalikha ng ingay na ginaya naman ni Tess.

Ilang saglit na nagpakiramdaman,
hindi malaman ni Chit paano uumpisahan ang lahat.

"Uhurm! Una sa lahat, gusto ko munang i-share sa yo ang feelings ko, isa sa dahilan kaya hindi ako m-makatulog. I-im in relationship with my boss!"

Nabigla man ay hindi gaano nagpahalata si Tess. Pinaninindigan niya ang pagiging cold at emotionless.

"O-okey, congratulations!"

"M-may ikinuwento siya sa akin t-tungkol kay Gil! Yaan mo nang mapuyat ako at umabsent,para ma-miss ako ng love ko,haha!"

Namutla si Tess sa narinig, para siyang sinapak sa tenga pero hindi siya nagsalita hinayaan niyang magpatuloy ang ate niya.

Ikinuwento ni Chit ang lahat nang nalaman niya mula kay Mike at hindi napigilan ni Tess ang mapahagolgol. Naghalo halo ang emotion niya,guilt,
awa,galit,hinanakit,
selos at pang-hihinayang.

"K-kaya mo ba?"

"A-ang alin?"

"Ang sumugod uli doon at mag-makaawang tanggapin ka uli at maging private nurse ni Gil!"

Parang binuhusan ng isang baldeng tubig na puno ng yelo si Tess. Sariwa pa sa dibdib niya ang sakit at pagkapahiya dahil sa inabot na galit at insulto sa ina ni Gil.

"N-natatakot na ako! I-isa pa, paano ang banda kapag tinanggap nila ako para maging nurse ni Gil?"

Hindi makapaniwala si Chit sa naging sagot ng kapatid.
"Seryoso ka? Sila pa talaga ang iniisip mo kaysa sa asawa mo?"

Hindi agad nakakibo si Tess,inisip munang mabuti kung ano ang sasabihin at kung paano sasabihin.

"Ate, iniwan niya ako ng february,sabi niya two months lang siyang mawawala pero June na nangyari ang aksidente,ibig sabihin ay tinikis niya ako o talagang sila na dati pa nung Princess na yun!"

Napailing si Chit,pakiramdam niya ay mahihirapan siyang kumbinsehin ang kapatid.

"Look, ang sabi ni Mike ay after na naiuwe si Gil bago ininform si Princess. So if dati nang sila,dapat kasama siyang nagbantay sa hospital!"

"Eh kasi nga hindi siya ininform agad! Besides kung ganyang tinikis niya ako ng ilang buwan bago ang aksidente, ibig sabihin galit siya sa akin bago siya nawalan ng memory. P-paano kung saktan niya ako once na bumalik ang alaala niya?"

Parang nauubusan na ng pasensiya si Chit.
"Okey,nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Tumatanggi kang i-grab ang opportunity na gumaling ang asawa mo at magkaroon ng chance na magkabalikan kayo,ibig sabihin niyan ay naka move on ka na pala at wala ka na talagang pakialam sa asawa mo. Well, thats good!
Sige,matulog ka na at kalimutan mo nang may sinabi ako sa iyo!"

Iyon lang at iniwan na ni Chit ang kapatid na umiiyak nang tahimik sa balkon.

Maya maya pa ay nakatulog na din si Chit. Ilang oras lang ang tulog niya kaya nang tumunog ang alarm clock ay nagdadalawang isip siya kung babangon o hindi.

"Pero first day namin ng lalabs ko as boyfriend and girlfriend. Gusto kong ma-experience ang awkwardness sa trabaho,haha! Kaya lang puyat ako at hindi ako maganda kapag puyat,baka ma-discourage siya at i-break agad ako,huhuhu! Ano ba yan,conchitaaa, bilisan mong magdisisyon at parating na siyaaa,waaaah!"

Nanaig din ang pagnanais na makasama ang boyfriend kaya para siyang isinibat na pumasok sa banyo at naligong parang uwak na halos wisik wisik na lang.

"Hmp,e ano? Marami akong perfume no,maliligo ako nang isang bote,huh!"

Bahagya pang nilingon ang nahihimbing na kapatid bago mabilis na bumaba para hintayin si Mike sakto namang nagdoorbell ito.

"Good morning love, are you ready?"

"Y-yes love! Ayeee,kilig to the bones,haha!"


The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon